Chapter Fifty nine

8.4K 327 97
                                    

Banana


Medyo nanghihina pa ako pero pinilit kong bumaba at magpunta ng sala.

Nakakapagod din ang mahiga at magpahinga na lang araw-araw. Oo, nakakapagod din ang magpahinga. Hindi ako mapakali kung nasa k'warto lang ako at binabantayan ng mga kaibigan ko pero wala akong naging choice kaya ngayon lang din ako makakababa.

Isa pa, iniisip ko si Victoria. Mula ng umalis siya no'ng araw na gumising ako ay hindi ako bumaba o lumabas man lang ng k'warto.

Siguro nga ay mali ako na pauwiin siya agad, sinabi rin kasi nila Alex sa akin kung bakit siya nandito.

Hindi ko naman din inakala na sasabihin nila kay Victoria ang nangyari sa akin. Tapos ang hindi ko pa inaasahan ay 'yong effort ni Vic na magpabalik-balik dito para lang mabantayan, alagaan, at hintayin akong magising kahit na may trabaho siya sa Manila.

I appreciate it, nagsisisi rin naman ako sa ginawa kong pagpapauwi sa kaniya. Siguro masama ang loob ni Vic sa akin, hindi ko naman siya masisisi e.

Tipong kagigising ko lang pero may away na naman kaming dalawa.

Napailing na lang ako at inalis na lang muna sa isipan ito. Sisiguraduhin ko namang uuwi talaga ako sa kaniya.

Pagbaba ng sala ay napakunot noo na lamang ako.

Sa isang mahabang couch ay may nakaupo doong babae. Likod pa lang ay kilala ko na kung sino ito.

Nanonood din siya kaya siguro hindi ako narinig.

"Victoria?" Akala ko umuwi na ang isang 'to? Umuwi ba talaga siya o ano? Baka naman umuwi tapos bumalik ngayong araw? Wala namang sinabi ang mga kaibigan ko na nandito siya e. "Anong ginagawa mo rito? Kanina ka pa ba rito? Kakarating mo lang ba? Bakit hindi mo ako pinuntahan sa taas?"

Nagtataka man ako ay may bahid pa rin ma kasungitan ang tono kong nagtatanong sa kaniya.

Lumapit naman ako sa kinauupuan niyang couch at prente lamang itong nakaupo habang hawak ang remote at nanonood ng balita.

Hindi man lang niya ako nilingon o tinignan man lang. Naniningkit tuloy ang mata kong nakatitig lang sa kaniya. Hindi sinabi nila Alex na nandito siya. Basta ang sabi lang kasi nila sa akin ay umuwi si Vic nang galit na galit.

Pinagalitan na nga ako ng paulit-ulit ng mga kaibigan ko dahil sa nangyari e. Ako iyong mahina pa pero sobra kung pagalitan ako.

Sunugin ko kaya sila?

Tama rin si Hera no'ng sinabi niya sa akin na pareho kaming may attitude ni Vic. Paano raw ba kami magkakasundo kung walang nagbababa ng pride o walang umiintindi.

"Victoria Dela Merced." Mariin kung tawag sa pangalan niya pero hindi talaga ako nito pinansin. Galit talaga siya sa akin, ano?

Binabalewala ako e.

Napabuntong hininga na lang ako. Para lang pansinin niya ako ay lumapit ako at hinarangan ang TV na nakabukas pero tumayo lang ito at pinatay ang TV bago ako sunod na tinalikuran.

Naiinis tuloy akong hinila ang kaliwang kamay niya kaya napaharap siya sa akin. Mas lalo akong nainis nang magsasalita sana siya o sisigawan ako pero pinili niyang itikom ang bibig niya. Naghintay pa ako saglit kasi baka mamaya ay magsalita siya. Pero wala talaga.

Hinila ko siya palapit sa akin para magdikit ang katawan naming dalawa. Pasimple ko siyang niyakap na ikinaiwas niya.

"Bitawan mo ako."

"Hindi ata maganda ang pakikitungo mo sa akin, Victoria?" Malamig na saad ko sa kaniya. Subalit imbes na magalit ay nauwi sa ngiwi ang ekspresyon ko dahil sa sama ng tingin niya. 'Di na kasi mabiro e. "Ano— ang ibig kong sabihin kasi e dapat ay kinakausap mo ako. Huwag mo akong talikuran ng basta. Gano'n kasi 'yon."

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon