Chapter Twenty

8.8K 367 76
                                    

Banana


"Is she okay, Banana?" Lumingon ako kay Tita, hindi sigurado sa isasagot kaya nailing ako. "Akala ko maghapon siya sa University."

Kakaakyat lang ni Victoria at nahalata pala ni Tita ang pagiging tahimik ng anak niya. Inaamin ko namang kasalanan ko ang nangyari.

"Galit ata sa akin ang anak niyo, Tita." Tumatawa lamang si Tita habang ako naman ngayon ang nailing. "Mahirap din po paamuhin."

"Ngayon ko lang nakita na gano'n si Vic, ija. Ikaw na bahalang magpaamo sa kaniya kasi aalis muna pala kami ni Ashlyn. Pupuntahan namin ang Lolo niya e." Tinawag niya si Ashlyn na patuloy sa pakikipagharutan kay Sisa. Dadalhin ko ba ulit si Sisa rito o huwag na? Hindi niya kami pinansin kanina e. "Ikaw na muna bahala kay Victoria at magsabi kung nasaan kami 'pag naghanap siya."

"Sige po, Tita. Ako ang bahala."

"Hello po, Mama! I like Sisa, she's so sweet and big!" Napangiti naman ako kay Ashlyn pagkalapit niya sa amin. Sige na nga dadalhin ko na ulit si Sisa rito.

"Do you want to play with her?"

"Yes po!" Tumango ako rito bago guluhin ang buhok nito.

"But for now, Ash. Alis muna tayo, your grandad is now waiting for us. Paalam ka muna sa Mama mo." Tumango si Ashlyn sa kaniya.

"But how about kay Mommy?"

"Maybe she's in a shower, Love. Ang Mama Banana mo na lang ang bahalang magpaalam. Right, Banana?" Tumango ako kay Tita bago hinarap si Ashlyn.

"Ako na bahala, Ash."

"Okay po, Mama. See you later po. I love you!" Humalik sa labi ko si Ashlyn bago na sila tuluyang lumabas ng Lola niyang nginitian ako.

Ngayon naman ay nagdadalawang isip pa ako kung aakyat ba at pupuntahan ko si Vic o hihintayin ko na lang siyang bumama rito. Ang kaso baka maghintay ako ng matagal.

Hindi ko naman kasi ako sigurado kung bakit hindi niya ako pinapansin o baka alam ko talaga pero hindi ko lang maintindihan kung saan do'n dahil baka galit siya sa lahat ng sinabi o ginawa ko kanina.

Pambihira, baka pinagseselosan pa ata 'yong estudyanteng tinulungan ko sa nahulog niyang libro kanina kaya hindi ako nakasunod sa kaniya agad at pati na rin ang pagkindat ko sa babaeng iyon. Sinabi niya lang naman na ang ganda ni Miss Vic at mukhang bagay kami e. Syempre, natuwa ako dahil may nakakitang bagay na bagay ang asawa ko sa akin na kagandahan pa. Hindi na siya lugi ano.

Napakaselosa at sadista nitong babaeng ito. Mapapasagot ko pa ba siya? Kung hindi e, dapat ngayon pa lang gawan ko na ng paraan ang papel nilang dalawa ni Ashlyn para pag nagkagipitan ay wala na siyang kawala.

Ha! Ang talino talaga Banana. Bakit ngayon ko lang naisip 'yon?

Hindi pa nga ako sigurado kung gusto niyang ligawan ko siya e. Ang sungit-sungit kasi masyado parang hindi nagselos kay Alex dati.

Hinayaan ko na lang ang sarili ko na tangayin ako paakyat sa k'warto niya. Mas maganda kung paglabas niya ng bathroom ay ang kagandahan ko ang makikita niya.

Kaso baka masipa na ako. Ang init pa naman ng ulo niya masyado, hindi ko siya magets, pambihira naman, oo. Sinabi ko na nga na wala ng rules-rules na hindi p'wede ang estudyante at Propesor na magkaroon ng relasyon e maliban na lang sa mga underage.

Ha, aanhin ko ang koneksyon kung hindi ko gagamitin 'di ba?

Tsaka walang humihindi sa akin. Si Vic pa lang ang gumagawa, pambihira natutunaw ang pride at charm ko sa kakahindi niya sa akin e.

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon