Special Chapter

10.2K 361 139
                                    

"Hey! Change the song! Ang lungkot ng music, my gosh!"

Nailing ako sa pag iinarte ni Amanda sa tabi. Nilapitan kasi niya ang huma-handle para sa music at binatukan niya ito ng walang pagdadalawang isip.

Napalitan naman ang kanta na naging dahilan para magsimulang sumayaw ang mga taong kasama namin sa lugar na ito.

Medyo malakas ang music kaya umalis ako sa p'westo at lumapit kung saan medyo malayo at hindi masakit sa tenga. Tipong sapat lang para marinig ako kung may kakausap man sa akin.

Si Victoria kasi ay nasa mga kaibigan niya at nakikipagk'wentuhan.

Nasa Subic nga pala kami ngayon. Dito sa rest house na pinuntahan namin dati no'ng nag birthday si Ate Sherez.

"Kasal ko na bukas Crescencio, pero bakit ngayon ko lang nalaman na kasal na kayo ni Vic na halos tatlong taon na?"

Natawa ako ng mahina kay Alex ng lumapit ito tapos iyon agad ang sinabi niya sa akin. Hawak niya ang bote ng champagne at dalawang baso bago nag abot sa akin ng isa.

No'ng una talaga ay akala ko alam niya ang tungkol dito at sila Amanda na ang nagsabi sa kaniya but turns out na hindi pa pala at hindi man lang nabanggit sa kaniya.

Kailan lang niya nalaman at ngayon lang siya nagtanong sa akin.

Paanong hindi niya malalaman din e hindi raw siya nagtatanong. Si Patrice at Amanda lang ang naiwan no'ng araw na makuha ko ang folder. Umalis agad siya edi hindi ko na kasalanan iyon na hindi ko nabanggit sa kaniya. Tsaka sila Alicia nga alam na nila e, siya na lang ang nahuling hindi nakaalam.

Lahat nga pala kami ay nandito sa Subic. Kung bakit kami nandito?

Kasi dito gaganapin ang wedding ng dalawa— Si Alexandria at Tala Liandro. Balita ko kasi ay dapat dito magpo-propose si Tala Liandro sa kaniya pero dahil matinik itong si Alex, nagpropose na siya habang walang audience. Talagang inunahan na niya si Tala e. Selosa rin kasi ng mapapangasawa ni Alex.

Oo nga, parang si Victoria lang.

Tsaka, tatlong taon na rin ang nakaraan. Ang tagal na rin pala, ang bilis ba naman dumaan ang mga araw.

Bukas nga e ikakasal na itong sila Alex.

Parang pumikit lang ako sandali tapos tatlong taon na agad ang lumipas.

"Sa papel pa lang naman iyon. After ng kasal niyo, magpapakasal naman kami sa simbahan. Susunod kami sa inyo." Tuwang-tuwa at proud na saad ko sa kaniya. Napatingin ako sa gilid ko ng biglang sumulpot at umupo si Alicia at tumungga ng alak doon.

"Sa papel man o ano, legal pa rin 'yong mga papers, Saging. Ibang klase ka gumalaw, nauna ang papel bago ang kasal sa simbahan." Natawa ako. "Ang malakas pa e, hindi ka pa sinasagot pero asawa mo na agad."

"Gano'n talaga, Alex. Mahina ka kasi e." Umiling siya sa akin bago kami napatingin ulit kay Alicia na busy pa rin sa pag tungga ng alak sa tabi ko.

Broken talaga ang isang ito e.

"Pareng Alicia, kumusta? Ano nahanap mo na ba ang irog mo?" Umiling siya at parang walang pakialam na nilingon ako. Hindi ko naman nakita si Jesryl kaya baka kasama ni Ashlyn.

"Hindi ko siya hinanap." Ay weh?

"Mahina ka naman pala Alicia, dalawang taon ng wala si Imperial pero 'di ka man lang nag effort na hanapin siya?" Iling ko ditong nadidismaya. Pagkatapos nang nangyari sa Canada ay wala din kaming alam sa nangyari. Ayaw magsabi ng isang ito. Talagang tinatago ang nangyayari sa kanilang dalawa. Hanggang sa malaman na lang namin kila Victoria na umalis pala itong si Imperial tapos walang ka-alam-alam kung saan nagpunta.

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon