Chapter Forty eight

7.1K 301 49
                                    

A/N: TRIGGER WARNING! Read at your own risk!


Banana


"Dalawa lang ba ngayong araw?" Hindi ko kasi sigurado kung meron pang darating ngayong araw. O kaya ay sa lugar na ni Elliot mapupunta ang lalaking nakabantay kay Ashlyn kanina.

Kaharap ko naman ngayon ang dalawang lalaki na tinutukoy nila Silvestre. Nasa k'warto silang dalawa kasama ang isang mesa na may laman sa ibabaw— laman na kumikinang sa talim.

Mukha namang matino ang dalawa pero alam kong hindi matino ang mga pag iisip nila. Sa itsura nila ay hindi mo aakalaing sinusunduan nila si Victoria. May mga itsura din kasi kaya mabilis lang silang makakauto ng ibang tao kapag may nakapansin sa kanila. Gising naman sila at tahimik lang na nakatingin sa aming dalawa ni Silvestre. Wala ring busal ang bibig kaya malaya silang makapagsasalita pero hindi nila ginagawa.

Mabuti nga at tahimik lang sila ngayon pero sana kaya nilang panatilihin ang pagiging tahimik hanggang mamaya.

"Dalawa lang sila. What is your plan?" Hindi ko nilingon si Silvestre.

"As usual. Makikipagkuwentuhan lang muna." Walang ganang sagot ko kay Silvestre na nasa pintuan ng k'wartong ito.

"Ah, okay. Maiwan ko muna kayo. Enjoy." Sira talaga ang isang 'to. Enjoy daw.

Hinayaaan ko siyang lumabas at iwan ako kasama ang dalawang ito. Umupo ako sa silyang nasa harapan ng dalawa. Talagang sinusundan pa nila ang bawat galaw ko.

Baka nagagandahan sa akin.

"Alam niyo na siguro ang dahilan kung bakit kayo narito?" Simula ko dito. Inoobserbahan ko naman sila— ang isa ay tahimik na mahahalata mong walang balak magsalita pero ang isa naman ay hindi sigurado kung magsasalita ba siya o tatahimik na lang din. Sa huli ay umiwas na lang ito ng tingin sa akin bago tumango. "Hindi ba nagsasawa ang amo niyo?"

"Sino ka ba ha?!" Malakas at walang respetong sigaw ng lalaking kanina ay tahimik lang. "Anong ginawa namin sa inyo? Bakit kami narito?!"

"Ang kapal naman ng mukha mong itanong 'yan na parang wala kang alam." Sumama ang tingin ko sa kaniya. "Si Victoria Dela Merced ang pakay niyo, hindi ba? Oh, edi ngayon alam mo na kung bakit kayo nandito."

Sarkastiko ako kaya siguradong alam nila ang ibig kong sabihin.

"Siya nga! Pero bakit kayo nangingialam?!"

"Paanong hindi?" Nagsisimula ng uminit ang ulo ko. "Hindi kayo marunong matakot."

"Si Victoria Dela Merced nga ang kailangan namin! Hindi naman kayo! Paano namin mapapatay ang babaeng iyon kung nakikialam kayo?! Sino ba kayo, ha?! Pakialamera!" Napatayo ako ng malakas na ikinatumba ng kinauupuan ko. Masama ang tingin na nilapitan ko ang nagsalita. Masyadong matabil ang dila niya.

Tiim bagang kong hinawakan ang panga nito ng mahigpit.

"Hindi niyo kailangan si Victoria." May diin sa bawat salitang binibigkas ko. Namumuro na sila sa akin. "Hindi ko rin gusto ang pagsigaw mo sa akin, lalaki. Maski ang mga salitang binitawan mo ay hindi ko gusto." Parang ang galit na tinatago ko sa kaloob-looban ko ay biglang lumabas dahil sa salitang iyon. "Kayo na nga itong gumagawa ng kapahamakan sa kanila ay kayo pa ang matapang?! Mga walang k'wenta!"

"W-Wala akong pakialam! Pakawalan mo kami! Isusunod pa namin ang anak ng babaeng iyon! Dapat ay nakuha n-namin ang batang 'yon kung hindi kayo nangialam! B-Bitawan mo ako!" Pilit nitong ginalaw ang ulo para lang matanggal ang pagkakahawak ko sa panga niya pero mas lalo ko lang hinigpitan ang hawak dito. Nagpintig ang dalawang tenga ko sa narinig ko sa kaniya. "S-Siguro kayo ang dahilan kung b-bakit nawawala ang ibang nautusan nila boss!" Nahihirapan mang magsalita ay pinilit niya pa rin ang sarili. Pabalya kong binitawan ang panga niya. Bumibigat na rin ang paghinga ko at kaunti na lang ay baka magdilim na ang paningin ko sa dalawa. "B-Bitawan mo ako! Walang hiya ka!"

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon