Chapter Fifty six

7.7K 330 34
                                    

Banana


Walang akong gana habang nakaupo lang sa harap ng ilang mga kasamahan o masasabi kong miyembro ni Mr. Fernandez sa hawak niyang organization. Si Mr. Fernandez na pilit sinisiksik ang sarili na maging pinuno ng limang organization na hawak namin.

Nakausap ko na rin si Dad tungkol dito at totoo ang sinasabi ni Mr. Fernandez. Inayawan siya tungkol sa gusto niya dahil hindi p'wede iyon. May sarili siyang organization kaya't dapat huwag niyang angkinin maski ang apat pa dahil umpisa pa lang naman ay hindi niya pag aari ang ibang organization.

Pumuputok ang mga butsi ng lahat ng mga narito at halos mabasag ang tenga ko sa ingay o sigaw nila kakatanong sa akin.

Nakarating na rin sa kanila ang balita tungkol sa pinuno nila. Ang nakakainis pa ay ang tagal nakarating sa kanila ito.

Hindi lang pala sila ang narito. Dahil nandito rin ang mga miyembro ng apat pang organization kasama ang humahawak sa kanila dala ang mga galit nila.

Itong si Fernandez ay hawak ang organization niyang 'S Black Friday' na siyang pinakamahirap hawakan dahil illegal lang ang ginagawa nila na hindi ko alam na sa dami ng organization ay isa pa talaga sila sa pinayagang hawakan ng ViPe Organization. Puro sila sakit ng ulo.

Ang kay Mr. Rigor naman ay ang 'Heavenly Evil' na siyang mas nagtatao sa pag aangkat ng mga baril o armas ng ViPe Organization. Hindi lang naman sila dahil kasama na rin ang mga tao ko o miyembro ng ViPe ang gumagawa rin ng gawain nila. At isa pa, ang mga kagamitan sa paggawa ng armas ay galing sa kanila.

Ang kay Mr. Bernabe naman ay ang 'Glory Organization' na nag su-supply sa amin ng ibang kailangan ng ViPe at siyang asset namin sa labas ng iba't ibang bansa.

Ang 'Wednesday Organization' ay hawak naman ni Mr. Duque na siyang gumagawa ng paraan para patahimikin ang mga media para sa amin. Ang madalas na kunwari'y pulis ngunit pumipigil rin sa mga gobyerno na huwag mangialam.

Ang kay Mr. Maril naman ay hawak niya ang 'Serpent Ark' na kilala bilang matinik na grupo na siyang sumusunod sa ViPe Organization. Sila ang kakaiba at mas nangunguna sa apat. Sila ang mas matalino, madiskarte, at maraming kaalaman sa iba't ibang bagay. Kaya kahit mawala ang apat na organization ay sapat na ang Serpent Ark dahil kung ano ang kaya ng apat na grupo ay kayang gawin ng Serpent Ark.

Ang limang organization na ito ay hawak ng ViPe Organization at may kaniya-kaniyang role na talaga nga namang nakakatulong sa ViPe. Hindi lang naman iyan ang mga kaya nilang gawin. Hindi lang sila basta miyembro ng mga organization na 'yan dahil responsibilidad din sila ng ViPe Organization namin.

Iba't ibang Organization sila na nakiusap sa may hawak sa amin o ng mismong ViPe na gawin silang asset ng Organization na pinayagan naman ng nakakataas dahil ang laking tulong nilang lahat maliban sa organization ni Fernandez puro pasaway. Sa limang iyan ay ang Serpent Ark talaga ang sumusunod sa ViPe. Hindi na nakakapagtaka dahil ang may hawak ng ViPe Organization ay may mata rin sa kanila.

Sa mga susunod na ilang taon pa ay hindi lang ang ViPe ang lalago at mas makikilala. Dahil kung kilala na ang Serpent Ark ay mas makikila pa ito lalo.

Bumalik ang isipan ko ng sumigaw si Mr. Rigor.

Galit na galit siya na ikinatatahimik lang ng grupo ni Fernandez sa tabi. Hindi naman pala nila alam ang ginagawang kagaguhan ni Fernandez e. Sadyang maski sila ay nagawang traydurin ng sariling boss nila.

Oh, tamo 'yan. Wala rin talagang k'wenta ang isang 'yon.

"Dapat ay binigyan mo rin ako ng pagkakataon na mabawian ang Fernandez na iyon! Nagpuslit siya ng ibang mga papeles na makakasira sa Organisasyon na hawak ko e!" Nailing ako rito kay Mr. Rigor na halatang galit habang kunot na kunot ang noo niya.

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon