Chapter Twenty Two

8.8K 315 40
                                    

Banana


"Hanggang kailan ko ba hihintayin ang desisiyon mo, Crescencio?"

Hinayaan kong takbuhin ni Sisa ang kainan niya at maganang kumain. Napansin ko naman ang mga anak nitong nagtatakbuhan palabas at papasok sa cage nila't naglalaro.

Tahimik lang akong nakatayo sa harap ng Daddy ko.

Kung tawagin ako nitong Crescencio e akala mo hindi siya Crescencio.

Kakauwi ko lang kasama si Sisa. Mabilis kasi akong nagpaalam sa mag ina ko kanina pagkatapos kumain dahil anong oras na rin at kailangan ko pang iuwi si Sisa.

Pinahiram naman ni Tito sa akin ang isa sa mga sasakyan niyang nakalabas na agad kaya hindi ko na rin talaga hinindian dahil na rin sa pagod ko.

Nakatayo lang si Daddy habang suot ang pangtulog nito tapos seryosong nakatingin sa akin habang hawak ang isang dyaryo.

Hinihintay ata talaga ako nitong dumating.

Napakaweirdo rin naman ng Daddy ko ngayon. Naisip niyang tanungin ako ngayon habang suot ang pangtulog niya? Ang seryoso ng tanong niya na parang isang boss tapos ang suot niya ngayon ay pantulog.

Tinungo ko ang single sofa na nasa tabi niya lang bago ako naupo. Ang ganda kasi ng bungad ng Daddy sa akin. Pambihira, dapat pinapaupo muna ako e dahil nangangalay din naman ako.

Buti pa si Sisa ay pagpasok na pagpasok pa lang ng bahay ay deretso na sa kainan niya dahil sinabi ko kay Mommy kanina na ihanda ang kakainin ni Sisa.

Pagkatapos kong magkaroon ng magandang araw kasama ng mga mag iina ko ay mawawala agad iyon ng gano'n kadali dahil lang dito sa tanong niya?

Pambihira talaga. Ang hirap maging ako.

"Dad, hindi ba dapat tinatanong mo muna kung kumusta ako? O kumusta ang pag aaral ko?"

"Nag aaral ka pero lagi ka bang pumapasok?" Napasimangot ako. Paanong hindi ako nakakapasok lagi e ang dami kong inaasikaso na hindi p'wedeng pabayaan lang.

"Gusto kong maging pangkaraniwang estudyante, Dad."

"Banana, alam mong malabong mangyari 'yan." This life is sucks.

"Dad, sinabi ko naman na sa iyo 'di ba? 'Yong tungkol sa desisyon ko. May kasunduan tayo." Tahimik kong turan habang tahimik na nakatitig sa kaniya. Wala si Mommy nang dumating ako. "Nasaan si Mom?"

Mabuti na lang at hindi gano'ng kalakihan ang bahay ng magulang ko. Ayaw nila ng malaki dahil iilan lang naman kami tapos ako ay kung saan-saan pa nagsusuot at may ibang bahay ring inuuwian minsan.

"Upstairs." Tumitig ito sa akin. "Banana, I need your decision. Kailangan ka ng kompanya. Hindi ko na kailangan ng kasunduan na 'yan. Mas lalo lang tumatagal, anak!" Sumimangot ako sa kaniya. Galing akong Pangasinan no'ng kailan lang e. Gumagalaw naman ako kahit wala pa akong sagot o desisyon. Hindi pa ba sapat 'yon?

"Iyong kompanya ba talaga, Dad?" Tahimik siyang bumuntong hininga at naupo sa tapat kong isang single sofa. Naglabas ako ng isang sigarilyo bago ito sinindihan. "Or you are just using the word company?"

"Hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang dahilan kung bakit ka naninigarilyo." Hanggang ngayon ba ay hindi pa tapos ang usapan tungkol sa sigarilyo ko? "Banana alam mo ang ibig kong sabihin pagdating sa salitang kompanya."

"Hindi na po ba 'yan makakapaghintay?" Ang dami pang oras para diyan. Tsaka kailangan ko ng sarili kong buhay. Gusto ko pang mapasagot si Victoria at maalagaan si Ashlyn.

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon