Chapter Fifty four

8.2K 317 133
                                    

Banana


Nakatitig lang ako sa mga papel na hawak habang nandito sa opisina ko.

Nandito ako sa Mansyon at ginagawa ang dapat na gawin. Naghahanda para sa panghuhuli ng mga dapat hulihin.

Hindi naman magiging mabigat kasi hindi naman ako gano'n katanga para hindi malaman ang lahat.

Matagal na ako rito sa Pangasinan. Lahat ng oras at araw ay ginugol ko sa paghahanap ng ebidensya at hinanap ang pinakamastermind ng lahat ng ito.

Napatingin ako sa pintuan ng may kumatok doon.

"Bukas 'yan." Si Poppy ang nakita kong nagbukas at pumasok ng k'warto kung nasaan ako kasunod si Silvestre.

"Uno."

"Nahuli niyo na?" Bungad ko sa kanilang dalawa na ikinatango nila. "Okay then. Nasa chamber na ba? Kayo na ang bahala sa kanila. Make sure na wala na sila 'pag nakuha na ang mga boss nila. Itira niyo ang mga iyon sa akin."

"Masusunod. Pero iyong boss nga nila ay nagtatago." Natawa ako ng mahina bago ibaba ang papel na hawak ko.

Hindi naman nagtatago 'yon e.

Sa tagal ko rito kasama si Alex ay hindi ko na pinabayaan ang lahat ng galaw ng miyembro ng organization.

Si Alicia ay wala rito dahil ang sabi niya ay susunod na lang daw. May isang buwan na ako rito pero wala pa rin siya. Ano bang nangyari sa kanilang dalawa ni Imperial? Bago kasi ako magpaalam sa mga kaibigan ko ay narinig ko pa si Imperial na sinisigaw ang pangalan ni Alicia. Nag away ba ang dalawa? Pambihira, pagkatapos nilang mag away sa harapan namin ay nag away na naman sila. Kung magkalimutan na lang kaya sila?

Basta ako, may kilig pa ring nararamdaman sa tuwing naaalala ko ang gabing nagpaalam ako kila Victoria.

Pambihira, lumalandi na ata ako.

"Ako ang pupunta sa kaniya kung nasaan na siya ngayon. By midnight aalis ako." Kibit balikat ko sa dalawa at ngumisi.

"P'wede bang sumama?" Napataas ako ng kilay kay Poppy. "Para makita ko kung paano mo siya kaladkarin? I mean, 'sila'." Ang hirap pala maging stupid minsan. People will deceive you for some reason na minsan ay invalid naman. Walang mga k'wenta at hindi pa worth it pakinggan ang rason.

"A show, Poppy? Bakit hindi?"

Natawa siya, maliban kay Silvestre na walang ganang nakatitig lang sa akin. Ngumisi ako rito na ikinailing niya. Parang alam niya ang tumatakbo sa isipan ko e.

"Labas muna Poppy, iwan niyo si Silvestre rito." Nagtataka man si Poppy ay hindi na siya nagtanong pa.

Hm, ano nga ba ulit ang sasabihin ko kay Silvestre? Pambihira medyo buffering bigla ang utak ko.

"What is it?"

"Nakalimutan ko bigla e." Natatawa kong komento. Tinignan ko pa ang ilang mga papel sa mesa pero hindi ko na maalala ang dapat na sabihin. Nakalimutan ko talaga, parang tanga naman e. Mabuti na lang at nakita ko ang picture ng tatay ni Alex sa tabi— picture no'ng pinatay siya at puno ng dugo. "Naalala ko na. Alam mong hindi lang apat ang traydor rito sa mansyon, hindi ba? Maliban sa wala namang mga k'wentang tauhan nila."

"Masyado kang matalino, Banana. Pero wala naman na talaga akong alam kung sino pa. Silang apat lang talaga ang alam ko, hindi kasama ang bilang ng tauhan nila. Pero all in all, I know them. Why?" Umiling ako, humihina na siya o okyupado ng iba ang isip niya? Masyado siyang tahimik ngayon.

Kinuha ko ulit ang papel na hawak ko kanina bago ilapag sa harapan niya. Itong papel na ito ang reason kung bakit ko siya pinaiwan.

"Oh sige, basahin mo." Wala naman siyang ganang nagkibit balikat at inabot ang papel para basahin. Binigyan ko lang siya ng oras para basahin ito. Kapansin-pansin naman ang pagkakakunot ng noo niya. Naupo rin siya ng maayos at mas mabilis na binuklat pa ang isang papel na nakatupi na nakaipit sa likod nito.

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon