Chapter Five

10.3K 406 74
                                    

Banana


Tamad na tamad akong naglalakad at parang lasing lang kasi inaantok ako. Ang aga kasi ng pasok ko ngayon.

Gusto ko mag aral pero tamad na tamad naman ako pumasok. Pero masipag lumandi pagdating sa Propesor.

Isa pa itong Irog ko. Hindi ko makalimutan ang gabing nakitulog ako sa kanila. Iyong pagtatanong niya at pagmamaldita sa akin. Akalain mo nga naman na parang interesado itong makilala ako. Kung makikilala na ba ako nito ng buo e hahayaan na ako nitong gustuhin siya?

Mayabang ako pero hindi ko itatanggi ang kaba ko no'ng gabing iyon habang kasama sila ni Ashlyn sa iisang k'warto. Para ako nitong sinusunod sa mga tingin niya na akala mo pag nakagawa akong mali ay malalagot ako.

Kailan kaya ako makakapunta ng bahay nila. Namimiss ko ata makipagbardagulan sa Propesor na 'yon.

Masyado ko na naman siyang iniisip. Malala ito.

Ang dami ngang mga estudyanteng nagkalat dito sa University kung nasaan ako ngayon at ang aga-aga ay nag aalmusal ng tsismis at kaingayan. Kung saan nila nakuha ang lakas nila sa umagang ito ay edi sana all.

Kinapa ko naman ang cellphone ko ng maramdamang nag va-vibrate ito hudyat na may tawag ako. Hm, himala ata ito.

Paglabas ko nito ay si Alicia ang nakita kong tumatawag. Wala ko ring ganang sinagot ito.

Magsasalita na nga sana ako ng unahan naman ako nito.

["Nakita mo ba si Alex?"] Tumigil ako sa paglalakad at kunot noo sa narinig. Alam kong nasa gitna ako ng hallway ng eskwelahan pero wala akong pakialam. Pansin ko ding pinagtitinginan ako ng iba pang estudyante pero ayos lang din.

Desisyon naman ako e.

Bigla na lang ding nagising ang diwa ko sa tanong na 'yon na akala mo ay nawawala si Alexandria. Iyon talaga ang naging bungad nito sa akin. Wala man lang bang 'kumusta Saging? O kaya hello man lang?'

Ngayon na nga lamang tumawag si Alicia sa akin pero tumawag lang ata siya para mag alala ako patungkol  kay Alex. Matagal ko ng hindi nakikita si Alex e. Hindi ko rin naman siya sinasadya sa Condo niya no'ng mga nakaraan. Basta alam niyang narito ako at nag aaral ay sapat na. Sigurado namang tatawagan ako no'n pag may kailangan siya e.

Sa ilang minutong nakatayo ako sa gitna ng hallway ay nakita ko ang aking irog na nagtatakang nakatingin sa akin habang naglalakad. Napansin siguro ako nito. Dahil sino ba naman kasing engot ang titigil sa gitna ng hallway para lang makipag usap sa cellphone?

Syempre ako lang kasi mayabang ako. Batas pa ako.

"Hindi ko siya nakita Alicia, bakit? Hindi ba't magkasama kayo sa iisang University?" Bumuntong hininga ito sa kabilang linya. Magaling din kasi ang Ama ko na dalhin ako dito sa Manila pero bakit hindi ako sa Black Lily pinasok? "Maski ba diyan e nalilihisan kayo ng isang 'yan?"

Pero ayos na din sa akin dahil nandito si Miss Dela Merced sa University na ito na kasalukuyang pinapanood ko sa mga galaw niya habang binabati siya ng mga estudyanteng nadadaanan siya o nakakasalubong. Ang bait sa ibang estudyante pero pagdating sa akin ay akala mo dragon kung makabuga ng apoy.

["I saw her Father, last night. Outside the building where her condo is, Banana. Thankfully, Elliot saw Alex is out with her friends last night too. But then, I don't know where she is and if she saw her Father."]

I cursed. I can hear the irritation in Ali's voice. Naiinis na rin ako dahil nabanggit na naman ang hukluban na 'yon at posibleng nakita ni Alex ang Tatay niya kagabi. At bakit naroon ang matandang hukluban na iyon sa Condo niya?

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon