Chapter Thirty two

7.5K 305 71
                                    

Banana


Mabilis na hinila ni Miss Tala Liandro si Alexandria paalis sa harapan naming lahat. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa pero mas mabuti na rin iyon. Mas mabuting nilayo niya ito sa amin dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling sa harapan naming lahat ito magsimulang mawala sa sarili.

Malamig naman ang hangin kanina pero bakit hindi ko na ito maramdaman sa balat ko tuwing dumadampi?

Sobrang bilis na rin ng tibok ng puso ko kasabay ng pagpintig sa sintido ko nang pilit kong pinapasok ang nangyari sa isipin ko. Sumasakit ang ulo ko at para na rin akong masisiraan ng bait.

Nasasaktan ako.

Nasasaktan ako para sa kaibigan ko.

Wala sa sariling bumitaw ako sa pagkakahawak sa kamay ni Victoria at tumayo. Wala akong pakialam sa paligid kahit na umiiyak pa sila Ate Toni at Ate Sherez. Pati ang mahihinang pagsinghap mula sa ibang kasama na ngayon ay tahimik na. Wala akong pakialam sa kanila.

Sigurado akong gulat sila at maraming katanungan pero wala talaga akong pakialam. Dahil ang laman ng isip ko ay kung ano ng nangyayari kay Alex sa mga oras na ito. Kailangan niya kami pero wala kami doon.

Inis na inis kong tinadyakan ang malapit na monoblock na upuan sa tabi.

"God damn it!" Hindi ko na mapigilang ilabas ang galit at mainis dahil sa nangyari. Nasasaktan ako para kay Alex. Sa ginawa niya at sa mga nakikita ko sa mga mata niya na hindi ko halos maintindihan pero alam na alam kong puro ang galit at sakit lang ang nando'n kahit itago pa niya. Sinipa kong muli ang upuan kahit nakaramdam ako ng sakit sa binti ko dahil sa ginawa kong 'yon.

"Banana, calm yourself!" Nilingon ko si Alicia. Tumayo na rin pala siya. Habang sila Hera ay pilit na pinapatahan sila Ate Toni. Gulat ding nakatingin ang iba sa p'westo ko.

"How can I calm down, Alicia?!" Inis na sigaw ko rito. Pakiramdam ko ay sasabog ako dahil sa galit na nararamdaman ko sa mga oras na ito. O kaya ay talagang sumabog na ako dahil ganito na ang ginagawa ko. Pero malayo pa ito para masabing sumabog na ako. "Fuck you!"

"Fuck you too, Banana! I told you to calm down! You permitted her to do that! You gave the fucking permission, Uno! Why the hell are you acting up this way?! 'Wag sa harap nila!" Mabilis akong lumapit sa kaniya at humawak sa damit niya ng mahigpit. Nanggigigil ang kamay kong nakahawak dito. Blangko lang akong nakatingin sa kaniya ng deretso na ikinaiiling niya. Wala siyang lakas ng loob ngayon na titigan ako sa mata dahil alam kong may kasalanan din siya. Hindi siya pumalag o humawak man lang sa kamay ko para bitawan siya. Hinahayaan niya lang ako. Tinawag na rin niya akong Uno. Pangalan na kahit kailan ay hindi ko narinig mula sa kaniya kundi ay ngayon lang.

I permit Alex to do that.

Meron na akong ideya what she's gonna bring up pero tumango lang ako sa kaniya. I let her do what she wants. Kahit hindi siya nagtanong vocally, nababasa ko ito sa mga mata niya.

She asked me silently.

The fuck that I let her.

"Sabihin mo nga sa akin, Alicia kung bakit hindi ko ibibigay ang permiso kung kitang-kita sa mata niya ang pagiging desidido na gawin sa harap nila ang bagay na iyon? Sabihin mo sa akin kung bakit hindi ko siya kayang pigilan sa gusto niya? You also gave the fucking approval, Santillan! Hindi lang ako!" Sigaw ko sa mukha niya. Blangko rin ang tingin niya pero hindi nakaligtas sa akin ang sakit na dumaan sa mga kulay green niyang mata. Hindi lang naman ako ang pumayag kung hindi ay sila rin. "Putang inang laro 'yan!"

Pablya ko siyang binitawan.

"Banana. Not now, please." Tumawa ako ng pagak dito. Gusto kong umiyak at magwala dahil sa nangyari. Gusto kong manakit sa mga oras na 'to.

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon