Prologue

11.9K 184 8
                                    

"Can you please stop following me?!" I was sitting peacefully here sa park when I heard someone shout. Napalingon ako sa gilid kung saan ko narinig ang boses. Agad ko namang napansin ang isang babae na naka PE uniform katulad ng suot ko. She's being followed by a man na sa tingin ko ay nasa 30's na. Agad akong tumayo nang mapansin kong iba ang kinikilos nung lalaki.

Lumapit ako sa kanila while my hands are still on my pocket holding my pepper spray. Mahirap na, baka magkagulo pa. "Excuse me, may problema ba dito?" tanong ko nang makalapit ako sa kanila.

"Wala naman miss, nakikipag kaibigan lang ako dito kay ganda" nakangising sagot sakin ni Manong.

"Isn't obvious that I'm not interested?!" the girl raised her voice once again bago lumakad papalapit sakin.

Nagtangka pang sumunod yung lalaki pero pinigilan ko ito "Huwag kang lalapit" mahina ngunit mariin kong sabi. Based on his gestures, he's drunk.

"H-he's harassing me, please don't leave me alone with this c-crazy man" nanginginig na bulong nito sakin. Tumango ako before holding her hand.

Humarap ako sa lalaki upang makipag usap dito ng maayos. "Ganito nalang manong, baka gusto mo ng pang inom? Bigyan nalang kita tapos balato mo na sakin si miss ganda" sabi ko at dumukot ng wallet sa bulsa ko. Hoping na pumayag ito.

"May pang inom ako, ang kailangan ko ay si miss ganda" pilit nito na tila nauubusan na ng pasensya. Wala akong nagawa kundi ibalik ang walet ko dahil hindi naman daw niya kailangan ng pera.

I look around to see if anyone could hear us but unfortunately, we're in the dark side of the park. Meaning, walang ibang tao ang dumadaan dito.
"Kaya mo bang tumakbo?" bulong ko sa kasama ko dahil sa tingin ko ay hindi madadaan sa matinong usapan ang lasing na mamang ito. Hindi din naman ako sanay makipag basag ulo, so the only way out is to run fast as we can.

"I can, pero how sure are you na hindi niya tayo maaabutan?" mariin na bulong din nito.

"Akong bahala, basta pag sinabi kong takbo, takbo as fast as you can" kalmado kong sabi sa kanya. Tumango lang ito sakin.

"Ano ba ang pinagbubulungan niyo? Pwede ba miss ibigay mo nalang si ganda para happy happy na, tapos makakaalis kana" inis na singit ni Manong kaya napatingin ako sa katabi ko. She give me a sign na ready na siya kaya tumango ako.

"Teka manong, tawag ka ata nun" sabi ko sabay turo sa likod niya. Nagtataka itong lumingon kaya kinuha ko na ang tyempo. "Takbo!" mabilis na sabi ko at nagsimula na kaming tumakbo.

"Hoy! Bumalik kayo!" rinig kong sigaw nung manong. Lumingon pa ako at nakita kong hinahabol niya kami kahit na pasuray suray siya sa pag takbo. Damn!

"Konting bilis pa! Mahina kong sabi at patuloy na hinihila yung babae hanggang sa makarating kami sa palikong daan kung saan may mga matataas na halaman. I immediately pinned her there while covering her mouth. "Shhh. Calm down" mahinang sabi ko at nanatiling nakadikit dito. I felt her arms wrapped on me and her face buried in my neck. Damn! I can feel her warm breath.

"Walangya! Naisahan ako ng mga yon! Magbabayad talaga sila!" rinig kong sabi ng pamilyar na tinig kaya napapikit ako at pinigilang gumawa ng kahit na anong tunog. Damn it!

Nakarinig ako ng footsteps na papalayo. He's leaving. Nakahinga ako ng maluwag nang paglingon ko ay wala na nga ang lalaki. Geez! Muntik na yun! "T-thank you" agad akong napalingon sa babaeng nasa harap ko. I cleared my throat before ako humiwalay sa kanya.

"Are you okay?" tanong ko dito at kahit nasa madilim kaming bahagi ay natatanaw ko ang maganda nitong mukha.

"I am. Let's go na, baka bumalik pa yun dito" mahinang sabi niya kaya agad akong tumango. We didn't go back kung saan kami dumaan kanina. Mahirap na baka inaabangan kami nung lasing at baka may kasama na ito. Mas minabuti kong hilahin siya papunta sa may Street lights at tinunton namin ang daan palabas. Nawala yung kabang nararamdaman ko nang makarating kami sa entrance ng park kung saan maraming nang tao at mga food stall. We're definitely safe here.

"May sundo kaba or nag co-commute ka?" tanong ko dito. She doesn't look like a ordinary girl, she might have service or what.

"Commute, jan lang naman ako sa Greenwood" she said kaya bahagya akong nagulat. I didn't know na hindi lang pala ako ang taga Greenwood na nag aaral sa San Benito.

"Really? I live there too, which street are you?" tanong ko dahil hindi ko siya napansin ni minsan kapag lumalabas ako or nag jo-jog.

"Bonifacio, kayo?" sagot niya naman. Naglakad na kami patungong sakayan para mag abang ng jeep.

"Mabini, sa bungad pala kayo kaya hindi tayo nagkikita" nakangiting tugon ko naman. Tumango tango ito at tila may gusto siyang itanong pero piniling manahimik.

We filled with silence. Medyo gabi nadin kaya mas madalang ang dumadaang jeep ngayon. "Pwedeng magtanong?" Tanong nito.

"You're already asking miss" biro ko kaya pabiro akong sinuntok nito. Damn! That hurts.

"I'm Darianne, you can call me Rian or whatever you prefer" she said kaya tumango ako.

"I'm Khyrieze by the way" sabi ko and reach my hand for a handshake.

"Nice meeting you, Khyrieze" nakangiting sabi niya. Automatikong napangiti ako as she say my name.

"So what are you trying to say kanina, I'm sorry for being pilosopo" I said at napakamot sa noo ko.

Umirap naman ito bago magsalita. "I'm just curious kung bakit sa lawak nung park, doon mo pa naisipang tumambay sa likod. Hindi kaba natatakot?" tanong nito. I put my hand into my pocket and take a deep breath.

"That's my favorite spot, tahimik tsaka payapa. Hindi naman talaga nakakatakot dun tumambay dahil may nag iikot naman na guard, hindi ko lang alam kung bakit ngayon may lasing na nakapasok dun." I explained. Tumango ito. "Ikaw, bakit ka napunta doon?" tanong ko pabalik.

"Kasama ko yung mga friends ko kanina, nag unwind lang. Tapos ginabi na kami, since magkakaiba kami ng way pauwi humiwalay na ako." she paused. "Then I noticed na may sumusunod sakin kaya lumakad lang ako ng lumakad until I realized na mali na pala yung way ko. Imbis na palabas, napunta pako dun sa madilim na part ng park. Luckily you're there, gosh! I don't know what will gonna happen to me if hindi ka dumating" mahabang kwento nito. May dumating na na jeep kaya pinauna ko na siyang sumakay.

"Sa susunod, kapag gagabihin kayo magpahatid ka kahit sa sakayan lang. We never know kung kelan ka ulit malalagay sa alanganin" suggest ko naman at nagbayad na. Binayad ko nadin siya since parehas lang kami ng bababaan.

Tumango naman ito sakin bago muling magsalita "Anong grade ka na pala?" tanong nito.

"10 A" maikling tugon ko.

"Wow, star section. Ako C." pag sagot naman nito. Tumango lang ako bilang tugon. "Khyrieze, is it okay if... Mag sabay nalang tayo kapag uuwi?" she said in almost a whisper. Nag angat ako ng tingin dito at nakita kong nakayuko siya.

"Hmmm, I'm a student athlete. Every other day ang training ko, mahihintay mo ba ako?" napalingon naman ito sakin with wide eyes.

"Same here! Wait, anong sports mo?" excited na sabi niya.

"Basketball, ikaw?" balik na tanong ko naman.

"Volleyball. Grabe, why don't we know each other when in fact there's a lot of time that we might see each other na" nakangiting sabi nito.

"I don't know, maybe because I don't usually bond with a lot of people?" napakamot pa ako sa batok ko habang sinasabi yun. She just nodded.

"Para po!" sigaw nito, pag hinto ng jeep ay sanay na kaming bumaba at naglakad papunta sa gate ng Greenwood subdivision.

"Here's my number, text mo nalang ako if sasabay ka sakin or not. Nice meeting you Ri" nakangiting sabi ko naman sa kanya sabay abot ng calling card ko.

"I will. Thank you ulit" sabi nito at kumaway na sakin. Magkaiba na kasi kami ng daan, siya dederetso habang ako kakanan. Kumaway lang ako dito at nakangiting nag patuloy sa paglalakad.

 Abstract Where stories live. Discover now