CHAPTER 12

2.3K 110 2
                                    

Khyrieze Llanelli Villaraigosa's POV

Kanina pa ako pabalik-balik nang lakad sa living room habang hinihantay sila manong Jose kasama ang mga ka-groupmates ko. Since sabado ngayon, naisip nila na umpisahan na yung research paper namin para maagang matapos. Wala din naman kasi kaming Training this day kaya saktong sakto. Dapat dun kami sa bahay nila kambal but because I'm grounded, Mom told me na silang lahat nalang ang papuntahin ko dito since we have a space for that naman daw. Kung ako lang ayoko, but I have no choice.

"Kerby!" napalingon ako sa tumawag sakin at nakita ko silang apat na kakapasok palang sa main door. "Gosh! Yayamanin ka pala, we never thought na taga highlands ka nung sinabi mo na taga Greenwood village ka. Akala namin sa bungad lang kayo, gosh may pa service pa!" manghang sabi ni AV habang nililibot ang mata.

"Stop acting like an idiot sis" naiiling na komento ni AA.

"Totoo naman kasi siya A! Kayo mayaman din kayo pero not like Kerby na sa mansyon pala nakatira! I wonder anong ginagawa niya sa San Benito when she can afford naman na pumasok sa private school sa kabilang bayan or maybe sa manila" Billy spoke kaya napatingin ako dito na mangha din na nililibot ang mga mata sa entrance nang bahay. That's one of my reasons kung bakit ayokong dito kami gumawa, baka imbis na yung project ang pag usapan namin, yung buhay ko nalang ang ma-usisa nila.

"Hoy babe! Maganda naman sa San Benito ah? One of the prestigious public high school kaya yon, wag mong minamaliit yun dahil ang San Benito ang dahilan kung bakit ka may pera at nakakapang babae!" Cheryl said. She's right, kilala din naman at maganda ang turo sa San Benito even though its a public school. Tapos may pa allowance pa kapag varsity ka.

"I know babe! Pero kahit na, gusto ko lang malaman yung reason niya kung bakit don siya nag aral" Billy said then look at me. She's using her masungit at seryosong captain look but I just rolled my eyes on her. We're not on the court so she can't boss me around.

"Tara na, para matapos nadin tayo." sabi ko nalang at tatalikod na sana pero hindi naman ako pinalaking bastos nila Mom. "Oh I'm sorry. Welcome to our house nga pala, just feel at home. Wag kayong mailang or what. If you need anything just find Manang Linda, she'll help you" I said before extending my hand and lead them to our living room.

"Khyrieze ito na yung miryenda na pinahanda ng Mommy mo" speaking off. Manang Linda is here while preparing the snack on the table.

"Guys siya nga pala si Manang Linda. Manang ito nga po pala si AA, Billy, AV and Cheryl, mga kaklase ko" pagpapakilala ko sa kanila, ngumiti naman si Manang dito.

"Mga hija, kapag may kailangan kayo at nakita niyo ako magsabi lang kayo. Osiya, mauna na ako at may aayusin lang ako sa kusina" pagpapaalam nito kaya tumango lang ang mga kasama ko.

"Mga pala Kerby, nabalitaan mo ba yung nangyare kay Step?" pagsisimula ni Cherry. Oh... I didn't notice na kulang kami.

"Oh what's with her? Bat wala siya?" I asked. "You guys eat something bago tayo mag simula" sabi ko bago kumuha ng Pizza at muling ibinaling ang tingin kay Cheryl.

"She sprained her ankle sa pagkakahulog niya kahapon while they are practicing some stunts. She wanted to say sorry na hindi siya makakarating" She explained. Tumango naman ako at binaling ang tingin kay AA.

"So what's your opinion AA?" tinignan ako nito.

"I told her na sa susunod nalang siya bumawi. Well pwede naman natin siya I video call but I prefer not to, hayaan muna natin siyang magpahinga" Mahabang sabi nito kaya napatango lang ako.

"Well okay naman sa Leader natin, sakin din so tell her that it's okay" sabi ko naman. Okay nadin yun, medyo hindi din kasi ako komportable sa prisensya nung babae nayun. Especially after what she said about Rian.

"Sara texted me, nasalabas nadaw sila ni Rian at ayaw silang papasukin nung Guard niyo." sabi ni AV kaya bigla naman akong napatayo.

"Palabas na kamo ako" sabi ko bago sila patakbong iniwanan. I hurriedly run until I reach our gate.

"Hindi po talaga pwede pumasok si Ms. Rian, baka po malintikan ako kay Maam Llanne" rinig kong pagmamatigas ni Kuya Isko.

"Kuya Isko, classmates ko sila alam ni Mommy to" sabi ko at lumabas sa gate.

"Nako Khyrieze kabilin-bilinan po kasi ni Ma'am na wag muna papupuntahin si Rian kahit na sinabi niyo pa" kamot ulo na sabi nito. Nakita ko naman na bahagyang napaatras si Rian.

"Kuya akong bahala, alam niya naman na may gagawin kaming group project e. Just please kuya ako ang bahala sayo" pakikiusap ko dito. Napabuntong hininga naman ito.

"Bahala na Khyrieze, sana warningan lang ako at wag tanggalan ng trabaho kapag nalaman niya ito" nag aalalang sabi ni kuya Isko.

"It's fine Kuya guard, hindi na ako mag pipilit. Pasensya kana" Rian said before walking away.

"Rian wait!" tawag ni Sara dito pero pinigilan ko siya.

"Pumasok ka nalang muna and don't tell them anything, sabihin mo may binili lang kami." sabi ko bago siya iniwan at sinundan si Rian.

"Ri Wait lang" paghabol ko dito huminto naman ito pero hindi ako hinarap. "Come on, kakausapin ko si Mom. Besides ang alam niya classmates talaga tayo so pangatawanan nalang natin. I'll inform my real classmates nalang din para hindi sila maguluhan" sabi ko bago siya iharap sakin nung tuluyan na akong makalapit.

"Kawawa naman si Kuya Isko, siya malilintikan kay Tita. Pwede pa naman tayong magkita sa monday" napakamot naman ako sa ulo.

"Pero nandito kana. Akong bahala, I promise makikita mo pa siya sa susunod." pag assure ko sa kanya. She jush sigh before holding my hand.

"Tara na nga, baka wala pa kayong magawa kakahintay nila sayo dahil andito ka at kinukulit ako." she said sounded defeat.

"Well kaya ni AA yun, sa sobrang talino niya kaya niya mag isa yon pero syempre dapat tumulong kami para may grades kami." I paused. "Ako ito na yung ambag ko, bahala na sila sa iba" natatawang sabi ko at sabay na kaming naglakad pabalik sa bahay.

"Hoy at anong ambag mo? Yung place lang?" natatawang sabi niya sakin.

"Yep, tsaka masarap na meryenda. I hate English, mas gusto ko pang mag solve kesa mag sulat ng kung ano ano" nabo-boringan na sabi ko. Nang makarating kami kay Kuya Isko ay tumango nalang ito na tila pumapayag na.

"Sorry sa kanina Ms. Rian, trabaho lang po" pagpaumanhin nito.

"No worries kuya, pasensya nadin. Basta kapag nawalan ka ng trabaho hanapin mo ako sa Bonifacio babalikan ko tong makulit na to dahil nangako siya na walang mangyayaring masama sayo" biro pa ni Rian kaya natatawang tumango lang si Kuya Isko.

"Tara na nga sa loob, nagugutom pako e" reklamo ko naman at tuluyan nang pumasok sa gate.

"Dapat kasi kumain ka nalang tapos hindi mo na kami nilabas, paalis nadin naman ako si Sara lang nag pipilit. Nahihiya ata na hindi ako kasama tapos papasok siyang mag isa" kwento nito. Tumango tango naman ako.

"Baka yun kasi yung reason niya why she's late" I said then open the front door for her.

"Sort of, hinintay niya kasi ako tapos sinamahan muna namin si Daryl until makauwi si Mommy. Alam mo naman si Daryl, maka Ate at maka Mommy lang" tumingin lang ako sa kanya at ngumiti naman siya sakin.

"Ayan na ang lovers!" as I heard that, I immediately removed my hands from Rian na kinakunot ng noo niya. I apologetic look at her. She just nod.

"Shut up guys, tara at kumain muna para makapagsimula na talaga." seryosong sabi ko at naupo na sa pwesto ko kanina while Rian sit on the space beside her best friend.

_____________________

Another update! Hope you like it! Take care everyone! 😘

 Abstract Where stories live. Discover now