CHAPTER 11

2.3K 122 1
                                    

Khyrieze Llanelli Villaraigosa's POV

"So kelan tayo gagawa?" AV said. Napalingon ako sa kanya, Im not sure if she's talking to me.

"Gagawa? What do you mean? Ako ba ang kausap mo? " kunot noong tanong ko dito. She rolled her eyes on me bago napatingin sa mga kasama namin na kanina ay hindi ko napansin. Nakabilog ang mga upuan nila paharap sa akin. Shit! Anong nangyayare?

"Hala lagot ka, hindi ka nakikinig!" Billy said. She's our basketball team captain and also my classmate.

"H-huh? Saan?" nagtatakang tanong ko. I look around and I saw my other classmates doing their business with their own circle. Wait, may activity ba kami ngayon?!

"Sabi kasi ni Ma'am mag groupings daw, 7 persons so since tayo yung magkakalapit kami na yung bumilog. Umalis muna siya since pinatawag siya nung Head" pag explain ni Cheryl, she's also my teammate. Napatango ako bilang tugon.

"Kanina ka pa kasi tulala sa labas, what's wrong?" Sara asked, she's the captain of Volleyball team kaya medyo kilala ko na siya.

"Nothing, inaantok lang ako" I just said. Hindi ko naman pwedeng sabihin na nahuli kami ni Rian sa kwarto ko na naghaharutan, literal na nag haharutan at akala ng Mom ko ay may ginawa kaming kakaiba. I need to protect Rian at all cost.

"Ayan, tulala ka nanaman" Step smirked. Tinaasan ko lang to nang kilay. She's one of the cheerleader, matagal na siyang feeling close sakin but I just don't mind her.

"Sino ba leader" AA asked. Nagkatinginan kaming lahat bago napatingin sa kanya.

"Ikaw siyempre" sabi nang kapatid nito. Napabuntong hininga naman si AA.

"And what's our topic?" AA added.

"Ano daw ba gagawin?" walang alam na tanong ko. Pambihira kasi, kanina pako tulala sa kakaisip kung paano magiging okay ang lahat. Mom decided to ground me for 2 weeks, at nakakalimang araw palang ako pero feeling ko isang buwan na. Nung linggo ko pa huling nakita si Rian, hindi ko din siya macontact because I have no gadget with me dahil kinuha lahat ni Mom. I tried to look for Rian but I can't see her on the entire campus. Hindi naman ako makalabas para puntahan siya sa kanila dahil hatid sundo ako ngayon. Jeez!

"Teka tulala nanaman si Kerby" AV stop her sister from talking nang mapansin ako nito.

"You seem so bothered, ano bang nangyayare mate?" Billy asked. I bit my lower lip dahil hindi ko talaga pwedeng sabihin.

"She probably looking for her girlfriend, nakita ko siya sa C kanina nag aantay tapos nung mga nakaraang araw sa trainning nang Volleyball" Ito na ata ang isa sa pinaka mahabang salita na binitiwan ni AA. What? Nakikita niya ako? And anong girlfriend?

I was about to speak when Cheryl speaks "You have a girlfriend?!" Gulat na sabi nito. Napabuntong hininga naman ako.

"Hin—" I was cut off by someone once again. Damn it!

"Sa C? Si Rian lang yung kilala kong player ng Volleyball na taga C. Girlfriend mo si Rian?!" gulat na komento ni Sara.

"We're just friends" seryosong sagot ko naman.

"Baka ngayon friends na kayo, nag break na kayo? Hindi kana sinisipot?" AV teased me kaya sinamaan ko siya nang tingin.

"Shut up! I don't need to explain, basta magkaibigan lang kami" sagot ko naman.

"So I am right? Siya yung reason kung bakit ka nag kakaganyan?" AA interrupt. Tinignan ko ito before shrugged.

"Yes, no and maybe. Hindi ko pa siya nakikita since monday, nag aalala lang ako" Mahinang sabi ko naman.

 Abstract जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें