Chapter Eleven

9.4K 376 26
                                    

Banana


Akalain niyo iyon?

Ang nag iisang bagay na masyadong malabong mangyari ay nangyari na nga.

Minsan talaga ay gustong-gusto akong pasiyahin ng mundo.

Mabuti na lang din pala at tumawag ako sa aking irog at nalaman na hindi maganda ang pakiramdam ng anak namin.

Anak namin. Napakagandang pakinggan, aba. Bagay na bagay.

Pinapunta nga talaga ako dito ni Victoria sa bahay nila dahil may sakit nga daw ang anak namin. Hindi ko maipagkakaila na kakaiba sa  pakiramdam ang ginawa niyang iyon. Hindi naman kasi inaasahan iyon pero nakakatuwa na sa dami ng kaibigan nito ay hinayaan niya akong magpunta rito sa kanila.

Pakiramdam ko tuloy ay kailangan ako nito at mahalagang malaman ko rin ang lagay ni Ashlyn kahit sabihin nating nagyayabang lang ako at hindi talaga ganito ang nasa isip o dahilan ng Mommy ni Ash.

Maraming p'wedeng maging rason kung bakit ako ang tinawagan. Masyado lang akong kinakain ng kilig at pagiging asyumera ko sa buhay nilang dalawa.

Pero kahit na, ako pa rin si Banana at isa akong Crescencio.

Hindi ako basta kung sino lang na p'wedeng balewalain sa tabi.

Pagdating ko pa nga dito ay sobrang pag aalala ang makikita at mababakas sa mga magaganda niyang mata ng makita ko ito pero napalitan iyon na parang nagtataka ng makita niya ako.

Ikaw ba naman ay dumating sa hindi magandang ayos ay syempre magtataka talaga siya.

Ang kaso, hindi niya ako sinusungitan ngayon. Naninibago ako dahil sa kakaiba niyang reaksyon at hindi pagsusungit sa akin.

Akala ko tuloy ay napaamo na siya ng charms ko e.

Pambihira, ganito ba nagagawa sa kaniya pag nag aalala? Nagiging mabait sa akin? Hindi ako sanay sa pagiging mabait niya e. Pangit kaya ugali nito pagdating sa akin.

Nagising na rin pala si Ashlyn pagkatapos gamutin ng asawa ko ang kamay at pasa sa mukha ko. Binalutan niya nga rin ito. Hindi na nga sana ako papayag pero sa tuwing titingin ako sa kaniya ay hindi ko mapigilang matahimik at mag aalala na rin sa kaniya mismo.

Paanong hindi ako mag aalala sa kaniya e sobrang nag aalala ito. Hindi na rin namin dinala si Ashlyn sa hospital ng sumabay ito sa amin na kumain nang magising ito. Mabuti na lang din at bumaba na ang lagnat nito.

Masaya pa nga si Ashlyn ng makita kaming dalawa ng Mommy niya na magkasama at binabantayan siya. Mas gumanda pa nga ata ang pakiramdam niya dahil doon. Family goals ang tawag doon.

Mainggit ang gustong mainggit.

Hindi naman din siya gano'ng mainit kanina, ang kaso paminsan-minsan naman ay umuubo siya.

'Di bale at magiging ayos din siya.

Gusto ko pa sanang lumabas para kunin ang sigarilyo na naiwan sa sasakyan ko. Gusto ko kasing magsindi ngayon kahit isa lang. Pero hindi ako sigurado kung matutuwa ang mga kasama ko dito pag nakita o naamoy ang sigarilyo.

Nakahiga na ang irog ko sa tabi ni Ashlyn habang nakayakap ng mahigpit sa anak. Hindi nga lang ako sigurado kung tulog na siya.

Nagpapahinga na ang dalawa samantalang ay hindi ako madalaw ng pagod at antok.

Nandito ako sa may veranda ng k'warto ni Ashlyn nagpapahangin habang nakasandal sa pader na nandito sa veranda. Medyo malamig pero ayos lang. Kaya nga ako nandito para magpahangin hindi para lamigin lang at magreklamo.

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon