Chapter Twelve

9.3K 362 30
                                    

Victoria


I am with my friends right now. Just chilling and probably asking for any tsismis again. Knowing them, halos iyan na ang bumuhay sa kanila.

Hindi ko kasama si Ashlyn kasi si Mom ang nagsundo sa kaniya sa may Elementary building ng school kanina. Kaninang umaga lang kasi nakauwi sila Dad and Mom galing Pangasinan. I remembered na sinabi nilang may meeting sila doon pero lagi na lang kasi silang nasa Pangasinan at minsan halos hindi ako maniwala sa meeting na sinasabi nila. I wonder why... if meeting pa ba ang pinupuntahan nila roon or what.

Kahapon naman ay tuluyan ng gumaling si Ashlyn kaya laking pasasalamat ko na rin.

Today is Tuesday and nandito kami sa Coffee shop ni Toni. Hindi gaanong matao ngayon kaya nakakapagtaka na rin pero kung sabagay nga naman kasi weekdays, some are busy with their work.

The place is too cozy and so relaxing. Kaya hindi nakakapagtaka when there are a lot of students or a worker who enjoy their peace in here, reading and doing their work plus the aroma of coffee they made. Kahit kaming mga magkakaibigan ay ito na rin ang pinupuntahan namin kung gusto naming mag kita-kita.

You can also find any coffee you wanted in here. Pwede ka rin sa simpleng black coffee na tinitimpla lang sa bahay but different taste.

This place is too welcoming. May ilang branch na rin ito but Toni always stays here kasi ito ang una niyang napatayo. Her coffee shop is named"The Rivers." Hindi naman mukhang rivers ang coffee and yet, too confusing pa rin for me ang naging pangalan nito. I am asking her about the name and 'til now iiling lang siya kaya sa huli ay hinayaan na rin naman namin.

But I'm proud of all her achievements in life.

"So, how's Ashlyn pala, Vic? Balita ko nagkasakit siya sabi na rin ni Tita?" I nodded. Nagpahalumbaba akong nakatingin lang sa kanila.

"Actually, magaling na siya kahapon pa." I am with Toni, Jade, and Lila. They are my friends noong college pa kami at hanggang ngayon we are all still friends pa rin. Hindi mapaghiwalay.

"What about Banana Crescencio?" My face contorted when Jade asked about her. That kid again. "Any progress?"

What kind of progress ba she's asking?

Speaking of the flirty one. After breakfast yesterday, she got home but never attend my class, until kanina. She's nowhere to be found again. Lilitaw at bigla talaga siyang mawawala minsan, like a mushroom, nagmumukha tuloy siyang mushroom na talaga.

"Nah, still naughty. The last time I talked to her is yesterday morning galing siya sa bahay kasi may sakit si Ashlyn."

Malokong ngiti bigla ang binigay nila sa akin na ikinailing ko. Gagawan na naman nila ako ng issues with that kid.

Bakit naman kasi sinabi ko pa?

"Ow, magkasama pala kayong inalagaan ang anak niyo e." And now, Lila chuckled. Good grief. They are going to tease me again.

Sinasabi ko na nga ba. For sure ay hindi na naman nila ako titigilan nito.

"Wala nga kasi sila Mom that night at tsaka she called so I ask for her to come. My plan is dalhin si Ash sa hospital pero 'di rin nangyari." At bakit ba ako nag e-explain? So they can not think any malicious with me and that kid?

"Oh, but you can call any one of us naman Victoria Dela Merced but you never did. So, si Banana lang talaga naisip mong p'wede papuntahin, ano? You like her na siguro 'no?" See? They are teasing me again.

I just shook my head as I disagree with them. It doesn't mean that I already like that kid. Mom and Ashlyn suggested it so it's not my fault if I ask Banana the time she called. Tsaka inisip ko rin naman sila. It is just that ayokong mang istorbo.

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Where stories live. Discover now