CHAPTER 3

45 31 0
                                    

Chapter 3

MARCUS'S POV

"Ma!" sigaw ko ng malakas kay Mama na nasa baba.

"Yes, anak?!" Narinig ko ang mga yabag ni Mama na dali-daling umakyat sa hagdan papunta sa kwarto ko. Nang makapasok si Mama sa kwarto ko ay humarap agad ako sa kanya.

"Okay ba, Ma?" tanong ko at itinuro ang suot kong damit.

Ngayong araw na ang acquaintance party namin kaya ganoon na lang ang ginagawa kong pagpapagwapo ngayon. Mali pala, araw-araw pala akong nagpapagwapo kahit saan man kami pumunta sa labas o kung nandito lang ako sa bahay. Hindi ko naman masisisi ang sarili ko dahil ang gwapo-gwapo ko. Tsaka baka makakita ako ng chicks sa tabi-tabi kaya dapat handa ako palagi. Hindi pwede makita nila ako na hindi nakapag-ayos dahil baka ma-turn off sila sa akin at iyon ang pinakaayokong mangyari sa akin.

Nagsalubong ang dalawang kilay ni Mama nang mapatingin ito sa damit ko. "What the hell, Marcus?! What are you wearing?!" Mama said with exasperation in her tone.

"Para sa party?" hindi siguradong sabi ko. "Pangit ba, Ma? Hindi ba maganda? Magpapalit ba-"

"I mean, kung bakit ganyan ang suot mo Marcus?"

"Ano bang problema rito sa suot ko, Ma?" tanong ko at nagbaba ng tingin sa damit ko.

Inis na nameywang si Mama sa harap ko. "Bakit may nakalagay na 'LET'S FUCK,' sa shirt mo?! Pati ba naman sa eskwelahan, dadalhin mo ang pagkalibog mo Marcus?! Naka-capital letters pa 'yan lahat!"

I looked down at my shirt again. Napasimangot ako. "Masama bang magsuot ng ganito, Ma? Dapat nga magpasalamat ka sa akin dahil hindi cherry at banana ang nakalagay dito."

"Marcu-!"

"At, Ma!" pagputol ko kay Mama. "Hindi ako malibog tulad ng sinabi mo kanina. Anak mo ako tapos pagsasabihan mo ako ng ganyan? Ang sakit, Ma."

Parang manghang-manghang tumingin sa akin si Mama. "Ang galing mo talaga, eh, noh? Ikaw pa ang nagsabi niyan, eh di mo nga nasunod ang sinabi kong huwag ka munang mambabae dahil kakasimula pa lang ng klase! But what did you do, Marcus? Palitan mo iyan ngayon din."

"Ma, please," pagmamakawa ko. Hindi ko kasi gustong palitan ang damit ko.

Ang cool kaya.

"No. Palitan mo iyan o mananatili ka na lang dito sa bahay?"

Napasimangot ako. "'Kay fine." Napabuntong-hininga pa ako tsaka ako tumalikod papunta ulit sa kabinet ko.

Wala akong magawa kundi sumunod na lang kay Mama dahil alam kong totohanin talaga niya ang sinabi niya. Kasi kapag nakakapagbitaw ng mga salita si Mama, gagawin at gagawin niya talaga ang sinabi niya kaya ganun na lang ang takot ni Papa kay Mama.

Kami rin naman.

Naghanap na ako ng masusuot ko.

Ang tagal-tagal ko kayang pumili ng damit na isusuot ko tapos nang makapili na ako sa wakas, ito namang si Mama, panira. Isang oras. Halos mag-iisang oras akong pumili ng mga damit ko tapos si Mama hindi man lang na appreciate ang effort ko sa pagpipili ng damit ko? Ang hirap kaya at nagsasayang lang ako ng oras. Pero dahil gwapo ako, kahit ayaw ko, magsasayang lang ako sa pagpipili ng damit. Ganun talaga, eh. Ang gwapo ko kasi.

At tsaka hindi niya ba alam na ang ganda-ganda nitong t-shirt ko? Mahal pa dahil galing ito sa ibang bansa tapos aayawin niya lang ng ganon-ganon? Ano pa ang kwenta nitong shirt ko kung hindi ko naman pala ito susuotin dahil kitang-kita ko sa mukha ni Mama na hindi na niya gustong suotin ko pa ito ulit.

ANGUISH OF VENTURE (HIGH UNIVERSITY SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon