CHAPTER 8

43 33 0
                                    

Chapter 8

CEARA'S POV

"Ilayo mo pa ang mga paa mo, Jacky! Huwag mong isarado!" sigaw ni Marky.

"Sorry."

"Paulit-ulit na lang tayong ganyan, Jacky. Ilang beses na kitang pinagsabihan pero ginagawa mo pa rin," mahinahong sabi nito. "Ilayo mo pa ng ganito ang dalawang paa mo." Umayos ng tayo si Marky at inilayo ang magkabilang paa niya na parang mag-i-i i-split na sa sobrang laki ng agwat sa isa't isa. "Huwag mong liitin para mas makagalaw ka ng maayos," pagpapaliwanag niya.

"Copy," said Jacky.

"Back to start!" Marky clapped his hands together. Pumwesto kaming lahat at siya naman ay ini-on ang speaker at sumama rin sa amin agad bago pa magsimula ang kanta.

"Freaky, freaky gyal

My freaky, freaky gyal"

Ang dalawang unang lyrics ng kanta ay freestyle lang na dance. Malaya kaming gawin ang gusto namin bago magsimula ang totoong sayaw namin.

"Shimmy shimmy shimmy yay, shimmy yah

Bad girls gon' swalla-la-la

Bust down on my wrist in this bitch
My pinky-ring bigger than this

Met her out in Beverly Hills, ay

Dolla got too many girls, ay"

Ini-step namin ang mga left foot namin. Malaki ang agwat sa isa't isa ng mga paa ko pero hindi naman gaanong kalaki na magiging pangit na tingnan. 'Yong sakto lang. And then, ginalaw namin ang dalawang balikat namin. Side to side. Una ang left shoulder na mag-side, medyo mababa pa, at pagkadating naman sa pangalawa ay mataas na. Ganoon din ang sa right at ginawa iyon ng dalawang beses.

"Bad gyal nuh swalla nuttin', word to the Dalai Lama

He know I'm a fashion killa, word to John Galliano"

Nang ang line na ni Nicki Minaj ay doon na ako medyo nahirapan. Dahil kung gaano kabilis ang sinasabi niya, ganoon din dapat kami kabilis gumalaw. Dapat lahat ay nasa beat ng kanta para mas maging maganda ang kinalabasan. Hindi pwedeng magkamali dahil mahahalata kaagad.

"He copping that Valentino, ain't no telling me 'no'

I'm that bitch, and he know, he know"

Gumilid ang mga lalaki sa line ni Nicki Minaj habang kaming mga babae naman ay naiwan at nagtipon sa gitna. Rumampa kami ng kaunti na parang nagmo-model bago namin iniikot ng bahagya ang katawan namin pagilid. Ang kanang kamay ay nakataas sa likod ng ulo habang ang kaliwang kamay ay nasa harap.

"I gave these bitches two years, now your time's up"

Mabilis ang paggalaw ng bawat mga kamay at paa ko. Kailangan kong siguraduhing tama ang bawat paghakbang ng mga paa ko dahil isang maling hakbang ko lang ay pwede akong matapilok o matumba.

Napaupo kaming mga babae sa sahig. Ang isang kamay ay nakasuporta sa bigat ng katawan namin. Gumalaw-galaw ang ulo at mga kamay bago tumalikod na parang nakadapa na sa sahig sabay nang pag-angat ng isa naming paa. Madami pa kaming mga ginawa sa sahig bago kami sabay na tumayo.

"I'm talkin' to ya

See you standing over there with your body

Feeling like I wanna rock with your body

And we don't gotta think 'bout nothin' ('Bout nothin')

I'm comin' at ya"

Remix ang music namin kaya napalitan ito ng kanta ni Arian Grande na 'Side to Side' pagkatapos ng line ni Nicki Minaj.

ANGUISH OF VENTURE (HIGH UNIVERSITY SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon