CHAPTER 54

15 2 0
                                    

Chapter 54

CEARA'S POV

"Who is he?" Kade asked me again.

Bumaling ang ulo ko sa kanya. "Ha?" tanong ko sa kanya. Hindi ko narinig ang sinabi niya sa akin.

"Sino siya?" Tinapunan niya nang tingin si Marcus na malapit na sa amin. "Is he one of your friends who will attend Miesha's birthday?" he asked curiosly and turned to me.

"Y-Yes. He is their friends," I answered him.

"What about you? Isn't he your friend?" he asked again.

"No," agad kong sagot. Kumunot ang noo niya pero hindi niya magawang magtanong dahil nakalapit na sa amin si Marcus.

"Pre!" Leo grinned and hugged Marcus and patted his back.

Pinanood ko silang magyakapan at magkumustahan sa isa't isa. Inalis ni Marcus ang tingin niya kay Kade at humarap sa mga kaibigan namin para kumustahin din sila. Nang matapos, lumingon sa akin si Betty kaya napatingin ako sa kanya. Palihim niya akong sinenyasan na lumapit kay Marcus para batiin ito. Tinitigan ko siya nang masama at tumingin sa ibang direksyon. Aksidenteng nagtama ang mga mata namin ni Kade kaya huli na para makaiwas ako sa sasabihin niya.

"Hindi mo siya lalapitan?" pagta-Tagalog niya.

Napansin ng gilid ng mga mata ko na naglalakad papunta sa amin si Marcus kaya hindi ko sinagot si Kade. Isinarado ko ang bibig ko dahil baka marinig niya ang sasabihin ko. When he was already in front of us, that's when Kade noticed him. He immediately stopped our conversation and turned to face him.

"Hi," bati niya kay Marcus na may ngiti sa labi. He approaches him as if they have known each other for a long time.

I saw Marcus inspect Kade from head to toe of his body. My eyes narrowed at what he was doing to him. Baliw ba siya? Obvious na obvious ang ginagawa niya kay Kade. Kitang-kita naming lahat kung paano niya ito titigan. There is no problem with Kade. He looks handsome and the clothes he is wearing fits him. Nakasuot lang siya ng grey t-shirt at jeans. May relo sa isang wrist niya bilang accessories. Simple lang ang suot niya at effortless. Bakit niya tinitignan mula ulo hangang paa si Kade na parang hinuhusgahan niya ito?

Hindi pinansin ni Kade ang titig na ibinibigay sa kanya ni Marcus at itinaas ang kamay para makipagkamay. Nakangiti pa rin siya nang tanggapin ni Marcus ang kamay niya.

"Nice to meet you. I'm Kade," he introduced himself.

"Marcus Villante," buong pangalan ang sinabi ni Marcus.

I was about to roll my eyes when Kade called me. Tumaas ang dalawang kilay ko sa kanya, naguguluhan ako kung bakit niya tinawag ang pangalan ko kung silang dalawa ang nag-uusap.

"Why aren't you talking to Marcus?" he asked, clearly for our friends to hear in the back. I heard someone laugh. Si Leo.

Anong pag-uusapan namin? Tinatamad akong mag-say 'Hi,' at 'Hello' kung iyon lang naman ang sasabihin ko. Alangan sasabihin ko rin kung kumusta siya? Tama bang gawin ko iyon?

"Hi," maikling bati ko sa kanya at agad nag-iwas ng tingin.

Magrereklamo ako pero gagawin ko rin naman.

Naghintay pa kami ng ilang minuto kila Kennedy na lumabas bago namin sila nakita. Dala-dala nila ang mga bagahe at bags nila. Hindi pa nila kami nakikita kaya naghahanap ang mga mata nila sa mga taong naghihintay dito sa labas kung nasaan kami. Nagtulungan sila sa paghahanap sa amin at nang makita nila kami ay ako ang una nilang kinawayan at sumunod sila Jessie.

ANGUISH OF VENTURE (HIGH UNIVERSITY SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon