CHAPTER 9

45 32 0
                                    

Chapter 9

CEARA'S POV

Pagkapasok pa lang ng sasakyan ko sa HU at nang maka-park na ako ay kitang-kita ko na kaagad kung gaano kadami ang mga taong nagkakalat. May mga nakasuot na pink, blue, red, orange, violet, at iba pang mga kulay na kumakatawan sa kani-kanilang mga paaralan.

Tumingin muna ako sa salamin ng sasakyan ko. Inayos ko ang buhok ko sa pamamagitan ng pagsuklay dito ng ilang minuto. Naglagay din ako ng light makeup sa mukha ko para naman may buhay ang mukha ko at mas lalong gumanda. Madami pa namang mga paaralan ang pumunta sa amin. Madami akong makakasalamuhang mga estudyanteng nag-aaral sa iba't ibang mga paaralan na hindi ko kilala at ka-close kaya dapat maganda ako. Pagkatapos, naglagay ako ng pabango sa buong katawan ko. Pati buhok at mukha ko ay nilagyan ko rin kahit hindi dapat lagyan.

Nang matapos ay kinuha ko sa compartment ang shades ko at isinuot ito. I grabbed the black leather sling bag Gucci in the other seat before I got out of my car with my shades and sling bag on my left shoulder. Nakakuha ako ng iilang mga atensyon ng mga tao nang makalabas ako ng sasakyan ko.

"Ang ganda ko kasi," bulong ko at isinarado ang pinto ng sasakyan. Tumalikod ako at nagsimula ng maglakad papasok.

Pagkapasok ko ay mas madami pang mga tao ang sumalubong sa akin, mas higit pa sa parking lot at sa labas ng HU. Mas naging maingay ang labas at loob ng paaralan dahil sa mga hindi ko pamilyar na mga estudyante na nandito sa paaralan namin. Alam kong ang extramurals ay ginaganap sa labas ng school pero nagpasya ang paaralan namin at iba pa na sa loob na lang ng eskwelahan gaganapin kada taon ang extramurals.

Sa paglalakad ko ay may nadaanan akong mga grupo nang kalalakihan. Iniikot ko ang mga mata ko nang makita ang klase ng mga tingin na ibinibigay nila sa akin. Lalagpasan ko sana sila nang humarang ang isa sa kanila sa dinadaanan ko.

Ano namang kailangan ng bwisit na lalaking 'to?

"Hi, Miss," binigyan niya ako ng isang ngit, ngiting pang-manyak at may masamang balak.

Subukan niya lang talaga.

"What?" mataray kong tanong sa kanya.

Ang ganda-ganda nang umaga ako pero sisiraan lang ng isang ito. Hindi ko siya kilala pero kung makabati sa akin ay akala niya naman close kami. Kung makangiti, akala niya ay ang gwapo-gwapo niya.

"May I have your-"

"No," I immediately said. Kahit sinabi ko iyon, nanatili pa rin ang lalaking kaharap ko na nakangiti.

Baliw yata to, eh.

"What about your-"

"Sino ka ba?" pagpuputol ko ulit sa sasabihin niya sa pangalawang pagkakataon. Nawala kaunti ang ngiti ng kaharap kong lalaki.

"Hi, Miss. Ako pala si Waiz," sumingit ang isang lalaki at inakbayan ang kaibigan niya. Inilahad nito ang kamay niya sa harap ko pero ang tanging ginawa ko lang ay tingnan ito at hindi tinaggap.

"And so? Anong pakialam ko sa pangalan mo?"

Ano namang pakialam ko sa pangalan niya? Mapapakain ba ako ng pangalan niya kapag nagpakilala siya? Tsaka kahit magpakilala pa silang lahat sa akin, hindi ko ibibigay ang number ko sa kanila. Hindi ko sila gusto. Maayos sana kung nagwa-gwapuhan ako at type ko dahil ibibigay ko kaagad ang number ko. Type ko, eh.

"Miss, number mo lang naman ang hinihingi namin," pangungulit nito.

"Oo nga."

"Parang number lang, eh."

"Ang ganda mo pero pakipot ka naman," sunod-sunod na pagsang-ayon ng mga kasama ng dalawa sa gilid.

Pakipot ako? Anong magagawa ko kung ayaw kong ibigay ang number ko?

ANGUISH OF VENTURE (HIGH UNIVERSITY SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon