CHAPTER 63

10 1 0
                                    

Chapter 63

CEARA'S POV

Dahil inubos ni Marcus ang inihandang lunch ko para sa sarili ko, naglabas ulit ako ng plato, kutsara at tinidor. Humila ako ng isang upuan at tahimik na umupo. Nasa kalagitnaan ako sa aking kinakain nang makarinig ako ng mga yabag papunta rito sa hapag-kainan. Pinunasan ko ang bibig ko ng napkin at lumingon sa kanya.

"Anong kailangan mo?" pagtataray ko.

Napahinto siya sa paglalakad at nagkasalubong ang dalawang kilay niya.

"Hindi ba ako puwedeng kumuha ng tubig?" tanong niya sa akin. I rolled my eyes and faced my plate.

Nag-focus ako sa pagkain ko pero pinapakiramdam ko ang bawat galaw niya. I heard the refrigerator door open and he got some cold water inside.
Natahimik kami ng ilang minuto pero nabasag ito nang tumunog ang baso ng tubig na nakalagay sa harapan ko.

"Ano 'to?" tanong ko.

"Hindi mo ba kilala ang tubig?" Lumiit ang mga mata ko sa kanya.

"Huwag mo akong ganyanin," naiinis kong sabi sa kanya.

Nagkibit-balikat lang siya sa sinabi ko at umalis. Mariin kong ipinikit ang mata ko at huminga nang malalim.

Kaunting tiis na lang.

Pagkatapos kong kumain, nagligpit ako at hinugasan ang pinagkainan namin. Lumingon ako sa labas ng kusina nang marinig ko ang selpon kong tumutunog. I quickly washed my hand and wiped it with a dry cloth. Tumigil sa pag-ring ang cellphone ko at akala ko tapos na ang tawag, but when I got to the living room, I saw Marcus holding my phone, talking to someone.

"Hoy!"

Mabilis akong lumapit at hinablot ang selpon ko sa kanya.

"Bakit mo pinapakialaman ang phone ko?" react ko.

Tinuro niya ang kamay kong nakahawak sa selpon. "Someone's calling. You are busy, so I answered it," he said calmly.

"Sa susunod, huwag mo nang uulitin."

I turned my back on him and went back to the kitchen. I put the phone close to my ear when I heard someone laughing on the other line.

"Anong tinatawa mo?" pagsusungit ko kay Betty.

She laughed. "Wala lang. " Tumawa siya ulit.

"Sige. Papatayin ko na-"

"Wait lang!"

"Madali lang naman akong kausap," dagdag ko pa.

Tumawa siya nang mahina at saka tumigil. "Kasi naman, para kayong aso't pusa kung mag-away ni Marcus.....Parang dati," she whispered the last words, but I heard it clearly.

I lean on the counter and put my hand across my chest.

"Wala na akong pakialam sa nakaraan," walang ganang sabi ko.

"Parang dati nga! Ikaw talaga! Parang hindi ka pa naka-get over sa nakaraan!"

"Kasalanan mo kasi!" sigaw ko. Nang matandaan kong hindi ako nag-iisa, hininaan ko kaagad ang boses ko. "Bakit kasi kailangan mo pang banggitin?"

"Wala lang." I imagined Betty shrugging her shoulders.

"Kumusta si Miesha?" pag-iiba ko sa usapan. I don't want to waste even a minute on useless things.

"Hinahanap ka niya kanina. Ini-explain kong busy ka kasama ang daddy niya. Huwag niyang isumbong kay Kade." Nanlaki bigla ang mata ko sa sinabi niya. Malulungkot sana ako kasi hinahanap ako ni Miesha pero panira talaga itong si Betty kahit kailan.

ANGUISH OF VENTURE (HIGH UNIVERSITY SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon