CHAPTER 48

25 2 0
                                    

Chapter 48

CEARA'S POV

"Miesha!" I called my daughter's name and quickly took a picture of her when she faced me.

Nandito kami ngayon sa Kidzoona pagkatapos naming mamasyal nang kaunti at magpahinga pagkatapos kumain. Kinukuhanan ko siya ng mga litrato habang naglalaro sa gitna ng iba't ibang kulay na maliliit na mga bola. P-in-icture-an ko siya ulit nang ngumiti siya sa camera ng selpon ko. Ibinaba ko ang mga kamay kong may hawak na selpon at lumingon kay Kade na nilalaro ang mga bola. Iniitsa nito sa hangin at sasaluin ng kamay niya. Ginawa niya nang paulit-paulit hanggang sa bumaling siya sa akin dahil napansin niyang nakatingin ako sa kanya.

"You play too. Hindi mawawala si Miesha sa paningin mo. Dalawa tayong nagbabantay sa kanya," sabi niya sa akin.

"Hindi ko gustong maglaro. Gusto kong panoorin lang si Miesha," sabi ko naman sa kanya.

"Sige na."

Siniko niya ako gamit ang siko niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Maglaro ka lang diyan. Hayaan mo ako."

Hindi niya ako hinayaang hindi maglaro at binato niya ako ng bolang hawak niya

"Ano ba?" He smiled playfully at me and shrugged. He continued to throw the ball in the air and caught it.

Sinulyapan ko muna si Miesha na nilalaro ang mga bola at kinurot sa tagiliran niya si Kade. Hindi niya nasalo ang bolang naihagis niya at nahulog sa harap niya. His face crumpled and he grabbed his shirt and lifted it to look at his side. I swallowed when I saw his abs and I averted my eyes before he caught me looking at his body. Bakit kasi kailangan niya pang itaas ang damit niya at tignan? I mentally slap my face hard and focus on Miesha.

"It hurts," I heard Kade say to me. Napadaing siya na para bang sobrang sakit ang ginawa ko sa kanya. Mahina lang ang kurot ko, noh! Hindi masyadong masakit.

Napaismid ako. "Sorry."

Kinuha ko ang selpon ko at pinuwesto nang maayos ang selpon kay Miesha. Tumingin ako kay Kade at tinitignan niya pa rin hanggang ngayon ang tagiliran niya.

"Kade."

Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Ha?"

"Tabi ka kay Miesha. Kukuhanan ko kayong dalawa ng picture."

Agad siyang tumango at ibinaba ang shirt niya. Gumapang siya papalapit kay Miesha na napatingin sa kanya nang tumabi. Kinuha niya si Miesha at pinaupo sa kandungan niya. I adjusted the camera and Kade hugged Miesha while Miesha was holding a ball in her two hands. Alam na agad ng anak ko kung ano ang gagawin kapag may nakita siyang nakatutok sa kanya na selpon. She smiled and Kade smiled too. I also smiled when I saw their faces on my screen. Pinindot ko ang shutter botton and take a picture.

"Look!"

Mabilis akong lumapit sa kanila kahit maraming nakaharang na bola sa dinadaanan ko. I sat down next to Kade and one of his arms hugged me around my waist. Hindi ko nagawang pansinin ang ginawa niya dahil pinakita ko sa kanila ni Miesha ang litrato nila.

"I took a good picture, didn't I?" I asked Kade and he gave me a thumbs up.

I looked back at their picture and couldn't take my eyes off it. Para silang mag-ama sa picture. Kung ibang tao ang titingin nito, mapagkakamalan talaga silang mag-ama.

"Kayo naman."

Kinuha ni Kade sa kamay ko ang selpon ko at pumuwesto sa harap namin ni Miesha. Gusto niyang kami naman ni Miesha ang may litrato and he would take it. I carried Miesha in my arms and we smiled at Kade at the same time. Gaya ng ginawa ko ay lumapit si Kade at pinakita ang kuha niya.

ANGUISH OF VENTURE (HIGH UNIVERSITY SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon