CHAPTER 5

44 28 0
                                    

Chapter 5

CEARA'S POV

Paper Dance. Ito ang susunod naming lalaruin. Itong laro na ito ay kailangan ng dalawang tao at sa gitna nila ay may nakalagay na newspaper. Kagaya nang nilaro namin kanina na Trip to Jerusalem, magpapatugtog si Ma'am Marian ng kanta at sa oras na tumigil ito, ang dalawang mag-pair ay kailangang tumapak sa loob ng dyaryo na hindi lumalagpas ang mga paa. At kapag nagtagumpay ang mag-pair sa unang round ng laro, tutupiin nila ang newspaper hanggang sa lumiit ito ng lumiit. Ang dalawang mag-pair na matitira, ay ang panalo.

"Partner tayo Anais," pag-aya ko sa kaibigan ko nang bigyan kami ni Ma'am ng oras para makapili ng partner namin. Kakatapos lang din naming kumain kaya magpapahinga narin muna kami bago maglaro.

"Kaya mo ba akong buhatin kapag naging maliit na ang newspaper?" tanong ni Anais. "Mas maganda sana kung ang makaka-partner nating dalawa ay malakas at magaling mag-balance. 'Yong kaya tayong buhatin na hindi nahuhulog para manalo ang isa man sa atin," suhestiyon niya.

"Kaya mo bang magpabuhat sa mga kaklase nating lalaki?" tanong ko rin pabalik sa kanya.

"Oo. Bakit naman hindi? Laro lang naman 'to kaya bakit ko po-problemahin ang pagbuhat lang ng isa sa mga kaklase nating lalaki?"

Tumaas ang isang kilay ko. "Ako hindi ko gusto. Kahit laro lang naman 'to, hindi ako sanay at komportable kapag may nagbubuhat sa aking isang lalaki," sabi ko.

"Paano na 'yan? Hindi mo naman siguro ako kayang buhatin," nakangusong sabi ni Anais.

Hindi ko nga kayang buhatin siya kapag naging maliit na ng sobra ang newspaper dahil baka matumba pa kaming dalawa tapos magkabukol sa ulo kapag binuhat ko siya. Or worse, baka mabalian kami ng buto sa katawan kapag nawalan ako sa pagbabalanse ko. Ang katawan ko ay hindi malakas para makabuhat ng isang babae. Hindi naman ako payat at hindi rin ako malaman na babae. Sakto lang. Saktong-sakto lang pero ang saktong iyon ay hindi pa rin sapat para mabuhat ko si Anais. Kulang iyon.

Nilibot ko ang tingin ko sa mga lalaki kong kaklase. "Kapag pinapili ka sa mga kaklase nating lalaki, sino ang pipiliin mong magbubuhat sayo?" Natahimik si Anais at hindi makapagsalita. Nang lumingon ito sa direksyon ng iba ay sinundan ko ang nilingunan niya. "H-Huwag mong sabihing may crush ka talaga sa Unggoy na iyon?" hindi makapaniwalang saad ko nang makita kong nakatingin siya sa direksyon ni Unggoy.

No! Way! Hindi ko hahayaang mangyaring magkakagusto si Anais sa Unggoy na iyon. Hindi pwede! Hindi talaga pwede! Hindi sila bagay na dalawa! Magkaibang-magkaiba ang ugali nilang dalawa kaya hindi sila compatible para sa isa't isa. Mabait at mabuting tao si Anais, hindi palamura, at alam mong maasahan mo talaga sa mga bagay-bagay. Kabaligtaran naman ang kay Unggoy na hindi mabait, hindi mabuting tao, mapang-asar, mapambintang, sinungaling, mayabang, at ang taas-taas ng tingin sa sarili niya. Hindi ko hahayaang pabayaan lang ang kaibigan ko sa lalaking 'yon lalong-lalo na dahil sa mga ugali niya. Mabait si Anais at baka saktan lang nito siya.

Anais averted her eyes as both of her cheeks blushed.

So mayroon nga?

Napakaimposible! Akala ko magkakagusto si Anais sa isang lalaking katulad niya rin. Mabait at mabuting tao pero...pero bakit ganoon? Bakit siya nagkagusto sa Unggoy na iyon? Alam kong walang imposible kaya hindi dapat ako mag-react ng ganito pero kasi paano? Paano nagkagusto si Anais sa lalaking katulad ng Unggoy na iyon? Ano ang nagustuhan niya? Nadala ba si Anais sa itsura ng lalaking iyon? Sus! Ang pangit-pangit ng Unggoy na iyon kaya ano ang nagustuhan ng kaibigan ko sa Unggoy na iyon?

I looked at Anais in disbelief.

Huwag niyang sabihing tipo niya talaga ang mga lalaking katulad ni Unggoy? Gusto niya ng masama ang ugali ng lalaki at hindi mabait? Gusto niya ng ka-opposite ng ugali niya? Kung mabait siya, gusto niya ng pasaway. Kung mabait siyang tao, gusto niya naman ng masama. Ganoon ba ang gusto niya?

ANGUISH OF VENTURE (HIGH UNIVERSITY SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon