CHAPTER 10

40 32 0
                                    

Chapter 10

CEARA'S POV

Natapos ang sayaw na nakahilera kaming lahat habang nakalagay ang dalawang kamay sa baywang at nakataas ang mga noo namin. Narinig namin ang matinding palakpakan at malalakas na sigaw mula rito sa taas ng entablado. Mga hiyawan na nagsasabing magagaling kaming sumayaw at hindi sila makapaniwala sa naging kalabasan ng sayaw namin.

Umabante kami at naghawak kamay, nasa magkabilang-gilid ko si Betty at Anais. Sabay ng pag-bow namin ay ang pagsabi ng pagsasalamat sa mga manonood namin. Sa mga kaklase at ka-schoolmate naming sumuporta sa amin mula sa simula hanggang sa matapos kaming sumayaw. Ang walang tigil nilang sigaw na nangingibabaw sa lahat ng mga paaralan na nandito ngayon. Na kahit na nakakabingi at nakakasira sa tainga, masarap at masaya naman sa pakiramdam.

"Let's give a big round of applause for Blazing Crushers!" said our host for this event.

I know na parang hindi maganda ang Blazing Crushers na pangalan namin pero hindi rin naman pangit. Wala na kasi kaming naisip na pangalan para sa grupo namin kaya nang una naming naisip iyon, iyon na ang ginamit namin at hindi na pinalitan pa.

Nagpalakpakan ulit sila sa amin habang sinisigaw ang pangalan ng grupo namin. Pumunta na kami sa likod ng stage at nang mawala na kami sa mga paningin nila ay pare-parehas kaming bumagsak sa sahig. Hindi namin pinansin o tinapunan man lang ng tingin ang mga kalaban naming grupo na nasa backstage rin. Pagod kami at hapug-hapo sa tuloy-tuloy na limang minutong pagsasayaw namin. Kahit ilang taon na kaming sumasayaw ay napapagod pa din kami. Kasi sino ba namang hindi kung limang minuto kaming sumasayaw tapos ang bilis pa ng mga dance steps namin?

"G-Good job, guys! Ang galing natin!" sigaw sa amin ni Marky na nakahiga sa malamig na sahig kagaya ko. Ang iba ay nakaupo na habang nakayuko ang ulo at ang iba naman ay nakasandal sa pader at tagaktak ang pawis at mabilis ang pagtaas-baba ng dibdib dahil sa paghinga.

"Yeah! We made it! We made it!" pagsang-ayon ng isang sa amin.

Huminga ako ng malalim bago umupo at sumandal kay Anais. Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya at pumikit, hinahabol pa din ang paghinga ko.

"Grabe, mamatay na yata ako," nakapikit kong saad sa kanya.

"Ihanda na natin ang kabaong mo?" biro ni Betty. Iminulat ko ang mga mata ko at nilingon siya.

"Huwag mo akong biruin diyan, pagod ako, baka masabunutan kita." Nakatingin ako sa kanya ng masama at ngumuso naman ito.

"Ito naman, hindi mabiro."

Huwag mo nga akong biruin!

Dahil ayaw kong maubos ang energy na natitira sa katawan ko ay hindi ko na siya pinansin. Kailangan ng energy at mahabang-mahabang pasensya sa mga babaeng 'katulad niya dahil hindi siya titigil hangga't hindi niya napipikon ang isang tao. Alam niya kasing ang dali kong mapikon kaya ang dali lang niyang asarin ako hindi katulad ng ibang mga kaibigan namin. Hindi ko maisip na kapag ako ang namimikon, tuwang-tuwang ako dahil naakakaasar ako. Pero hindi ko alam na sa oras na nakahanap ako ng katapat ko na magaling ring sa pang-aasar ay hindi ko kinakaya dahil naiinis ako kaagad. Hindi ako natutuwa.

Nang maayos-ayos na ng kaunti ang mga pakiramdam namin ay tumayo kami at umupo sa mga upuan na nasa backstage para sa mga dancers. Alam kong ang lapit-lapit lang ng mga upuan pero hindi pa namin nagawang umupo at sa halip ay humiga kami sa sahig dahil sa sobrang pagod at panghihina ng mga katawan namin. Hindi namin kinaya.

"Sinong gusto ng tubig?" tanong ni Lisha at kanya-kanya kaming nagsitaasan ng mga kamay.

Bakit pa ba siya nagtatanong, alam niya namang kailangan talaga namin ng tubig?

ANGUISH OF VENTURE (HIGH UNIVERSITY SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon