CHAPTER 61

15 1 0
                                    

Chapter 61

CEARA'S POV

Nasa Crissy Field West Bluffs kami ngayon ni Kade. This is where Kade and I will go on a date. Actually, he wanted us to have a picnic date and I agreed. He chose which place we would have a picnic at go na go naman ako. Hindi naman ako choosy pagdating sa klase ng date na mangyayari. Kahit simpleng date, ayos lang sa akin. Basta kasama ko si Kade kuntento na ako.

Inunahan ko si Kade at tumakbo sa isang lugar na walang masyadong tao na nagpi-picnic din kagaya namin, naglalaro, namamasyal at kahit ano pa.
Marami kasing outdoor activities ang puwedeng gawin dito sa West Bluffs.
I saw many people everywhere, so I had a hard time finding a place where Kade and I would have a picnic date. Nang makahanap ako ng pagpupuwestuhan namin, huminto ako at hinintay siyang makalapit sa akin.

He smiled and looked around. "Here?" he asked.

"Walang masyadong tao dito. Gusto mo ba roon?" turo ko sa gitna kung saan maraming mga tao ang tumatambay.
Umiling siya sa akin.

"I'm fine here," he said.

Tinulungan ko siyang ilatag ang picnic blanket sa damuhan. Clean white and red checkered ang background pattern nang blanket na inayos ko. I hold the bottom of my dress and sat comfortably on the blanket. Red Floral Puff Sleeve Knot Side Wrap Dress ang suot ko para sa date namin. Hindi ako masyadong nag-ayos at light make up lang ang inilagay ko sa mukha ko. But I can say that I'm beautiful even though I'm simply dressed. Nakaputing polo shirt naman si Kade at tattered jeans. Hindi ko man sabihin sa kanya, sana alam niyang ang guwapo–guwapo niya.

"Nakatulala ka sa akin," napansin niya kasi matagal niya akong pinagmamasdan na nakatingin sa kanya.

"Wala lang." Nagkibit-balikat ako at ngumiti nang matamis sa kanya. "Ang guwapo mo kasi."

Ayan na! Nasabi ko na!

Nakangiting yumuko ang ulo niya sa akin, tila nahiya sa sinabi kong ang guwapo niya.

"Huwag kang mahiya. Ako nga kapag sinasabihan mo akong maganda, hindi ako nahihiya kasi alam kong maganda ako," pagmamalaki ko. Sana makatulong ang sinabi ko kay Kade para hindi na siya mahiya sa tuwing sasabihan kong guwapo siya.

Inilapit ko sa akin ang picnic basket na dinala namin dito. "Baka gusto mo nang malamig na tubig para hindi ka mainitan?" tanong ko dahil namumula ang buong mukha, tainga, at leeg niya.

"N-No, thank you," he stummered while looking away from me. Pinagdikit ko ang dalawang labi ko at nagpipigil ng ngiti.

One by one, I took out the food we brought for our picnic date from the basket. Mozzarella Sticks, Egg Salad, Homemade Beef Burgers, dalawang tumbler ng Cucumber Juice, chips, at fruits. Kade helped me, but I noticed that he kept glancing at me. Hahayaan ko sana siya dahil baka nagagandahan na naman siya sa akin pero nararamdaman kong kinakabahan siya. Nang makuha namin lahat ng pagkain sa basket, napatingin ako sa kanya.

"May problema ba Kade? Hindi mo ba gusto rito? Puwede tayong lumipat ng ibang puwesto," sunod-sunod kong tanong sa kanya.

Malungkot niyang ipinilig ang ulo. "I should be the one asking you that. Is it okay with you that we date here? Is this the kind of date you want?"

"Kaya ka ba kinakabahan?" Kade was taken aback by what I told him. Hindi niya inaasahan na malalaman ko ang nararamdaman niya. Feeling guilty, he nodded his head.

"This is our first date and I want it to be memorable for you. I want you to feel how special you are to me," sincere niyang sabi sa akin na humaplos sa puso ko.

Ngumiti ako sa kanya at ipinatong ang kamay ko sa isang kamay niyang nakatukod. "Pinaparamdam mo sa akin araw-araw na mahalaga ako sayo, 'wag kang mag-alala. First date natin ito kaya dapat mag-enjoy tayong dalawa. Mas okay 'to kaysa kumain tayo sa restaurant at gumastos nang malaki.
Gusto ko nang simple lang at ito iyon. Kahit sa bahay pa tayo mag-date, walang problema sa akin," pagpapagaan ko sa loob niya at mukhang umepekto nang makita kong ngumiti siya.

ANGUISH OF VENTURE (HIGH UNIVERSITY SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon