CHAPTER 24

43 31 0
                                    

Chapter 24

CEARA'S POV

"Good morning, Cessy!" Ngumiti ako kay Grace pagkapasok ko sa opisina. Agad siyang lumapit sa akin nang makita akong pumasok at sinalubong ako.

"Good morning, Grace," bati ko rin sa kanya pabalik.

Sinabayan niya ako sa pagpunta sa desk ko. Inilagay ko ang bag ko sa ilalim sa may paanan ko bago umupo. Inabot ko ang dalawang computer at parehong ini-on bago ko siya binalingan.

"Kumusta kayo rito?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya at umupo nang bahagya sa desk ko. "Ayos lang kami rito habang wala ka."

"But of course we missed you!" sulpot ni Charlotte sa pagitan naming dalawa ni Grace. "How are you? Ayos ka na ba?" tanong nito sa akin.

I nodded. "I'm fine now." I smiled a little at the two of them.

They knew I was absent and out of work for a few weeks because of Anais. They know what happened. Sinabi ko sa kanila para hindi sila magtaka at mag-alala sa akin kung bakit hindi ako papasok nang matagal sa trabaho.

"Mabuti naman." Charlotte smiled. Lumapit rin sa amin sina Kennedy, Lea, at Daren.

"Hi, Cessy!"

"Are you still crying because of your friend?" Lea asked me earnestly.

Siniko siya nang katabi nitong si Keneddy para patahimikin. "Pinaalala mo pa talaga sa kanya. We've already talked about making Cessy happy when she comes back, right, Lea?" said Charlotte.

"Hindi niyo kailangang pasayahin ako. I'm really fine. Wala kayong dapat gawin para hindi ko maalala ang pagkawala niya." Tumalikod ako pagkatapos sa kanila. I grabbed the mouse and started my work.

While I was busy with what I was doing, kitang-kita ko sa gilid nang mga mata ko na nagkatingin sila sa isa't isa. I just ignored them and focused my attention on my computer. Umalis din sila kalaunan nang maramdamang wala na akong balak na kausapin pa sila.

I sighed when Anais entered my mind. I close my eyes at pumasok ang imahe nang walang buhay niyang katawan at ang huli niyang paghinga. Nakita iyon gamit nang dalawang mga mata ko.

When this happens, you don't want to believe. I don't want to believe that Anais is already gone. But I can still feel the change, and since I can't rationalize it, I'll try to ignore it. Kasi kapag papansinin at papansinin ko, I know what will happen to me. I will cry and just cry.

Sa napakaraming paraan, mas masahol pa ang mawalan nang matalik na kaibigan kaysa mawalan ng kasintahan. Ang magkasintahan ay lumilipas para sa karamihan ngunit ang mga kaibigan ay dapat na nandiyan para sa iyo palagi. Ang pagkakaibigan ay isang espesyal na uri nang pag-ibig na hindi dapat kumupas. Hindi mo inaasahan na ang isang taong akala mo palagi mong maaasahan ay mawawala nang hindi nagpapaalam. That's what happened to Anais. She was unable to say goodbye to even one of us. Well, what do I expect? It happened all of a sudden, so did she still have time to say goodbye to us?

"Cessy. Cessy," tawag sa akin ni Grace. Napakurap ang mga mata ko nang ilang beses bago siya nilingon.

"Ah, y-yes?"

Tinuro nito ang gilid nang mga mata niya at sunod sa akin. "You are crying," she said sadly.

Napahawak ako sa pisngi ko at nabasa ang kamay ko. Tama nga ang sinabi ni Grace sa akin na umiiyak ako. My cheeks and eyes were soaked with my tears. I didn't realize that I was crying until Grace told me. Ang lalim-lalim nang iniisip ko kaya hindi ko namalayan.

"Sorry," I apologized. Mabilis kong pinunasan ang mukha kong nadaanan nang mga luha.

Someons saw me crying again.

ANGUISH OF VENTURE (HIGH UNIVERSITY SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon