CHAPTER 64

9 0 0
                                    

Chapter 64

CEARA'S POV

Panay ang irap ko sa katabi ko.

"Iyan ba ang pormahan ng ayaw sumama?"

"Fuck you." Itinaas ko ang gitnang daliri ko. Tumawa ang kausap at pinanood akong ayusin ang sarili sa harap ng salamin.

What is the problem with her wearing a red off shoulder long sleeve bodycon mini dress? May hiwa ito sa gitna ng dibdib at may tali na ginawa kong ribbon. Isang hila lang rito ay tiyak na makikita ang kanyang hinaharap. Ewan ko kung anong masama rito o nakakatawa kung bakit nakikialam sa desisyon ko si Betty.

"Lumabas ka na nga ng kuwarto ko," asik ko. Kanina pa siya rito.

"Ayoko nga!" Nagkrus ito ng mga braso at sumimangot ang mukha.

Bumuntong-hininga na lamang ako sa kawalang magawa. Ipinagpatuloy ko ang pag-aayos. Suot-suot ko ang isang silver chain bracelet na may disenyong bulaklak at ang kaparehas nito, black sling bag, at ankle strap heeled sandal.

"Tell me why I agreed to this?" I asked between putting lipstick on my lips.

"Kasi kung hindi ka papayag ay isusumbong kong may anak kayo ni Marcus," pang-ilang pang-aasar niya sa akin ngayong gabi. Huminto ako at tinitigan siya nang masama. "Okay. Okay. Joke lang naman." She sighed in defeat. "Kasi....." Unti-unti itong umatras. ".....mami-miss mo siya kapag bumalik siya sa Pilpinas."

"Labas!" turo ko sa pinto.

"Sorry, Cessy! Sorry!" hingi agad nito ng tawad nang lumapit ako sa kanya.

"I said get out," I pointed to the door. Lumabi siya pero hindi kumilos. "Isa....."

"Eto na! Eto na!" Binuksan ni Betty ang pinto at bago nito isara ay may huli pa itong sinabi, "Bilisan mo kasi! Hinihintay ka na ng Mahal mo!"

Before I could reach her, she quickly closed the door. I rolled my eyes and sighed. Nakakapagod kung ganoong kaibigan mayroon ka.

Mabilis kong tinapos ang ginagawa ko.
Bumaba siya at naabutan ang mga kaibigan niya sa sala. Siya na lang pala ang hinihintay kaya grabe kung makautos si Betty na bilisan kong gumalaw.

"Sabihin niyo nga sa akin kung hindi excited si Cessy. Sabihin niyo sa akin. Hindi kasi halata!"

"You look so beautiful," Kade whispered when I got all the way down the stairs and stood by his side. His arm wrapped around my waist.

"Wala ba kayong balak sumagot?" Lahat kami ay tumalikod. "Hey! Ang sasama niyo!"

"Bye, Miesha. Babalik agad si Mama," paalam ko kay Miesha. Nasa labas sila nina Mama at nakaupo sa lounge chair sa may gilid ng pool. Kalaro nito ang anak nila Betty.

"Saan ba kayo pupunta?" tanong ni Papa.

"Kakain lang po sa labas," sagot ko. Which is true naman. Hindi ko lang isinama na makikipagkita kami kay Marcus.

"Mag-iingat kayo."

Nakita ko ang dumaang pagdududa sa mga mata ni Papa nang makita ang suot ko. I just kept my mouth shut. I kissed them both sa cheeks at sa labi naman kay Miesha.

"Bye. Bye." Kumaway ako kay Miesha.
She watched me until we got out of the house and out of her sight. Isasama ko sana siya kung hindi lang pangmatanda ang pupuntahan namin.

Sumakay kami at nagpahatid sa pupuntahan namin. It's a famous night club that many people go to. I don't know who planned for us to meet there, but I don't care anymore. All I want is for the night to end soon as possible so I can go home.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 18, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ANGUISH OF VENTURE (HIGH UNIVERSITY SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon