CHAPTER 4

43 28 0
                                    

Chapter 4

CEARA'S POV

Nang makapa ko na ang upuan ay agad ko itong inupuan. Pero ang hindi ko inaasahan na mangyari ay imbis na upuan ang mauupuan ko ay iba ang naramdaman ko. Kahit nakapikit at nakapiring ang dalawang mga mata ko ng panyo, alam na alam ko kung ano ang inupuan ko ngayon.

Agad akong tumayo at tinanggal ang panyo sa mga mata ko. Saktong pagkaharap ko sa kanya ay kakatanggal lang din nito ng piring sa mga mata.

"Bakit mo ako inupuan?" inis nitong sa akin.

Inis ko rin siyang tiningnan at dinuro. "Hoy! Huwag kang mag-assume na gusto talaga kitang upuan dahil ngayon pa nga lang ay nandidiri na ako sayo!"

Ang kapal talaga ng mukha ng unggoy na 'to. Akala niya naman sinadya ko talaga siyang upuan kahit hindi naman totoo. Pangit na nga at mayabang, assumero pa.

"Ikaw pa talaga ang nadidiri sa akin, eh, ikaw nga ang kumandong sa akin." Napasinghal ako sa sinabi niya.

Ang kapag talaga.

"For your information, hindi ako kumandong sayo, naupuan kita ng hindi sinasadya kaya huwag mong sabihin na kumandong ako sayo dahil hinding-hindi ko gagawin iyon sayo sa buong buhay ko!" sigaw ko sa kanya.

Kumandong daw ako sa kanya kahit hindi naman. Alam naman niyang natatakpan din ng panyo ang mga mata ko kaya wala akong kahit anong makita. Hindi ko naman alam nang makapa ko na ang upuan ay nauna na pala siyang nakaupo sa akin kaya umupo rin ako kaagad. Inaasahan kong hindi pa siya nakakaupo dahil wala pa namang sinabi si Ma'am na tapos na ang laro kaya nagulat na lang ako nang umupo ako ay iba ang naupuan ko, hindi ang upuan.

"Tumigil na kayong dalawa, Ceara and Marcus," saway sa amin ni Ma'am Marian nang makalapit ito sa amin.

"Ma'am hindi ko naman hahayaan na maging makapal ang mukha ng isang unggoy na pangit na 'to." Tiningnan ko si Unggoy. "Narinig mo naman ang sinabi niya Ma'am diba na kumandong daw ako sa kanya? Alam mo Ma'am na hindi iyon totoo pero kung magbintang 'tong Unggoy na pangit na 'to, parang ang laki-laki na ng kasalanan ko sa kanya." Humarap ako kay Unggoy at tinaasan siya ng kilay. "Aksidente lang ang nangyari kaya huwag kang magsalita riyan na para bang gustong-gusto kong magpakandong sayo, Unggoy na pangit!"

Wala na akong pakialam kung aasarin niya na naman akong lumalaki ang dalawang butas ng ilong ko at mga mata basta mailabas ko lang ang katotoohanan sa kasinungalingang pinagsasabi niya.

Naramdaman ko ang pagpatong ng kamay ni Ma'am sa balikat ko. "Huminahon ka, Ms. Valdez. Didn't I tell you not to take the game too seriously?"

"But it's not about the game, Ma'am," I said. "It's about him." I looked badly at Marcus who was also looking badly at me. "It's about him suddenly accusing something that isn't true. Tama ba ako, Ma'am?" I asked our adviser.

Ma'am Marian sighed. "I know pero hindi niyo kailangan magsigawan sa isa't isa, Ceara and Marcus." Humarap si Ma'am kay Unggoy. "Gaya nga ng sinabi ni Ms. Valdez, Mr. Villante, hindi niya sinasadya ang maupuan ka sa laro kaya huwag mo ng palakihin pa ang tungkol dito. Walang magbibintangan sa inyong dalawa dahil hindi natin gusto ang nangyari."

Napangisi ako. "Yes, Ma'am."

Hindi ko maitago ang pagngisi ko dahil sa saya. Masaya ako dahil tama ako. Masaya ako kahit nararamdaman ko ang mga matatalim niyang mga titig sa akin. Masaya akong makita ang galit niyang mukha. Hindi ako pinagtatanggol ni Ma'am pero alam kong ikinalulungkot talaga ng isang diyan na talo siya. Talo siya sa pamamarang alam niyang mali talaga siya. Na hindi niya dapat ako inakusahan sa isang bagay na hindi naman niya gusto at hinding-hindi ko gusto. At masaya ako dahil masaya ako.

ANGUISH OF VENTURE (HIGH UNIVERSITY SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon