CHAPTER 12

34 29 0
                                    

Chapter 12

CEARA'S POV

"Let's open our gifts na!" masiglang sabi ni Betty na may halong pagka-excited sa boses nito. Pumunta siya sa nakatayong christmas tree na nasasabitan ng iba't ibang kulay ng christmas balls at light.

"Betty huwag kang masyadong excited! Hindi pa kami tapos kumain!" sigaw ko sa kanya mula sa kusina. Tanaw na tanaw kasi mula rito ang kinaroroonan ni Betty kung nasaan nakatayo ang mataas na christmas tree.

"Bilisan niyo please! Nakahanda na ako!" Binitbit nito isa-isa ang mga regalo niya at umupo sa sofa at hinintay na matapos kaming kumain.

Napailing ako at hinayaan na lang ang kaibigan kong maghintay sa amin. Inubos ko na ang kinakain kong menudo at kanin. Nang matapos ako ay nanatili akong nakaupo at hindi umalis sa hapag-kainan, hindi naman ako katulad ng kaibigan kong napaka-rude na hindi man lang kami hinintay matapos kumain at tumayo na agad.

Walang manners talaga.

Tumayo lang ako nang matapos na ang lahat at nagsimula nang magligpit ng pinagkainan namin.

"Girls, just wait for us in the living room, kami na ang bahala ditong magligpit," sabi ni Leo nang ililigpit sana naming mga babae ang kanya-kanya naming pinagkainan.

Nagkatanginan kaming apat nina Anais, Jessie, Nally bago sabay na tumango kay Leo.

"Thank you," pasasalamat ni Anais sa kanila.

Hinayaan na namin ang mga lalaki katulad ng sinabi sa amin ni Leo at pumunta sa sala. Umupo kami sa tabi ni Betty na yakap-yakap nito ang mga regalo.

"Kunin niyo na ang mga gifts niyo dali!" utos sa amin ni Betty. Tumayo si Anais at Jessie pero ako ay nanatili lang na nakaupo sa sofa. Tinatamad akong tumayo tsaka kakatapos ko lang kumain. Kung sa iba ay dapat naglalakad pagkatapos kumain para mabilis bumaba ang kinain, sa akin ay iba, nagpapahinga ako pagkatapos dahil tinatamad ako.

Pinapanood ko silang kumuha ng mga regalo nila sa ilalim ng christmas tree na nakatayo sa sentro ng sala. Nang makuha na nila ang mga regalo ay bumalik sila sa pagkakaupo. At dahil tinatamad akong kunin ang akin, si Betty na ang kumuha ng akin.

"Ang tamad mo. Ilang hakbang lang ang christmas tree pero hindi mo pa magawang tumayo," pagreklamo nito.

"Sino ba naman kasing nagsabi na kunin mo ang akin? Inutusan ba kita? Diba hindi naman? Ikaw ang kumuha tapos magrereklamo ka? May sira ba 'yang utak mo?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.

Ano kaya 'yon? Wala namang nag-utos sa amin na kunin niya ang akin. Siya mismo ang kusang nagbibit at nagdala ng regalo ko sa akin tapos magrereklamo siya na ang tamad-tamad ko dahil hindi ako tumayo at kinuha ang akin? Hindi ko siya maitindihan kaya kailangan na siguro nitong magpa-checkup sa ulo dahil baka may sira talaga.

"Kita mo lang, wala man lang akong narinig na pasasalamat mula sayo." Umiling si Betty, tila nadismaya sa ugali ko.

"Paano ako magpapasalamat kung nagrereklamo ka, ha? Ikaw mismo ang kumuha ng regalo ko kahit hindi kita inutusan na kunin," sabi ko.

"Tumigil na kayong dalawa. Betty ibigay mo na sa kanya ang regalo niya at umupo ka rito sa tabi ko," pag-awat sa aming dalawa ni Jessie.

Dumila sa akin si Betty bago ibinigay ang regalo ko sa akin. She sat down next to Jessie afterwards. Pinaglayo kami ni Jessie dahil alam nilang kapag wala pang umawat sa aming dalawa ay hindi kami titigil. Parang kami lang dalawa ni Marcus pero mas malala ang sa amin. Nagsisigawan kaming dalawa at ang turingan namin ay magkaaway at hindi magkaibigan.

Bigla akong nainis.

Bakit pumasok sa usapan si Unggoy?

Habang hinihintay namin ang mga lalaki, binuksan namin ang TV para manood ng kung ano ang pagkaka-interesan naming lima. When we didn't see anything good to watch on TV, Betty opened the Netflix app. We scrolled and scrolled hanggang sa mag-request si Nally ng panonoorin.

ANGUISH OF VENTURE (HIGH UNIVERSITY SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon