CHAPTER 51

28 1 0
                                    

Chapter 51

CEARA'S POV

"This is it! Lilipad na tayo mamaya para pumunta ng San Francisco! Oh my gosh!"

Kumuha ako ng damit na naka-hanger at ipinatong sa hita ko. Tinupi ko ito nang maayos at hindi nalulukot. I gently placed it on my side along with the other clothes I had finished folding. Kumuha ako ng ibang damit at sinimulang tupiin.

"Mas excited ka pa sa akin," puna ko sa kausap kong si Betty sa messenger.

Nakasandal ang selpon ko sa maleta na nakalagay sa ibabaw ng kama at nakatutok sa akin ang camera. Nakikita lang ang kalahating katawan ko dahil hindi ko ito maayos na nailagay pero nakikita ni Betty na nagtutupi ako ng mga damit.

"Who doesn't? It's Miesha's first birthday, Ceara! Hindi ka ba excited sa birthday ng anak mo?" tanong niya.

Sinulyapan ko siya saglit para makita niya ang masamang titig ko sa kanya. Lumukot ang noo niya at nagtataka kung bakit ang sama ng tingin ko sa kanya.

"I'm just saying, Cessy. Ang sama na agad ng tingin mo sa akin," kunwaring nalulungkot na anito. Umikot ang mga ko sa camera at nagpatuloy sa pagtutupi.

"Excited din ako. Mas pa kaysa sayo dahil anak ko ang magbi-birthday. Huwag mo akong i-judge," biro ko.

Hindi porke't hindi niya ako nakikitang nakangiti, tumatalon at sumisigaw sa cam kagaya niya ay hindi agad ako excited sa paparating na birthday ni Miesha. Siyempre excited ako.

Pinatong ko ang natuping t-shirt ko sa ibabaw ng isang shirt na naka-fold na at kumuha ulit ng bagong damit na tutupiin ko. Pinanood ako ni Betty hanggang sa bumukas ang bibig niya at kinausap ako.

"Sorry Cessy kung ganito ang nararamdaman ko pero nalulungkot ako dahil wala si Marcus sa birthday ni Miesha. Sa first birthday ng anak niya," nabigla ako sa sinabi niya.

Dahan-dahang gumalaw ang dalawang kamay ko sa hawak kong damit at nang ma-realize ko ang ginagawa ko ay inayos ko ang sarili ko.

"Iniisip mo pa rin iyan? Akala ko napag-uspaan natin?" tanong ko na hindi tumitingin sa kanya.

"It always enters my mind, Cessy. Hindi mo ako masisisi dahil naaawa ako kay Marcus," sabi niya sa akin.

"Hindi mo ba alam kung anong gulo ang mapapasok niya kapag nakita siya nina Mama at Papa?" Napaisip sa sinabi ko si Betty. "Kung nakita mo lang kung gaano kagalit si Dad kay Marcus. Parang sinusumpa niya na ayaw niya nang makita si Marcus pagkatapos ng ginawa niya sa akin. Ayaw kong sirain ang araw sa mismong birthday ni Miesha. Gusto kong maging masaya lang tayong lahat, okay?" I said.

Narinig kong nagdabog sa kabilang linya si Betty. I think sinuntok niya ang kama. Nasa loob siya ng kuwarto niya at mag-isa dahil nasa baba ang mag-ama niya. She groaned in annoyance at parang kiti-kiting humiga sa kama niya. Naglumikot siya habang nakahiga at wala akong ginawa kundi ay panoorin siyang maging baliw. I shook my head and folded my clothes. Tapos ko nang tupiin ang mga damit ni Miesha at akin na ngayon ang tinutupi ko.

"Kaysa magmukhang baliw ka riyan, nakapag-ayos ka na ba ng mga gamit niyo?" tanong ko sa kanya.

Nang tinignan ko siya ay nagpapahinga ito dahil napagod sa ginawa niya. Parang baliw lang. Her hair is messy and she is catching her breath while also looking at the camera.

"Kahapon pa. Nauna akong mag-ayos kaysa sa iyo."

"Hindi ako nakikipagkumpitensya sa iyo," sabi ko pabalik sa kanya.

"Nagsasabi lang ako. Ulit." Ngumisi siya at bumangon upang umupo. "But I'm really sad, Cessy. Hindi kita pinipilit pero kahit batiin lang ni Marcus si Miesha ng 'Happy birthday.' Dahil hindi siya natin isasama, puwedeng i-video call siya namin," paghingi ni Betty ng permiso sa akin.

ANGUISH OF VENTURE (HIGH UNIVERSITY SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon