CHAPTER 49

22 2 0
                                    

Chapter 49

CEARA'S POV

"Alam mo naman na hindi mo siya laging maiiwasan, Cessy. Diba?" banggit ni Betty sa akin sa tawag.

Nagsalubong ang dalawang kilay ko at tinapunan ko siya ng masamang tingin sa selpon ko. Ginagamit ko kasi ang laptop ko dahil nagtatrabaho ako. Kakauwi ko lang galing sa trabaho pero nakatutok ako sa latop ko at nagtatrabaho ngayon sa bahay. I need distraction. I still don't know what to do. Until now I have not thought of a solution to the problem I am facing now. Parang hindi talaga ako nabibigyan ng solusyon sa problema ko dahil mas lalo akong pinahihirapan. I don't know how to deal with it. Until now.

"Alam ko. Hindi mo kailangang sabihin sa akin. Kaya nga ako nag-iisip kung ano ang gagawin ko kay Miesha." Bumalik ako sa ginagawa ko.

"So hindi ikaw ang ayaw magpakita kay Marcus? Si Miesha ang ayaw mong ipakita kay Marcus?" panghuhula niya.

Hindi ako tumigil at tinuloy-tuloy lang ang pagtatrabaho ko. I don't want to work at home. Ayokong iuwi ang trabaho ko kahit gaano pa karami ang gagawin ko. I want the rest of my time to be with Miesha pag-uwi ko. Kaso ito ang ginagawa ko ngayon. Hindi naman magtatagal itong ginagawa ko. Hindi ko hahayaang mawalan ako ng oras kay Miesha.

"Hindi mo ba iniisip na ipakilala si Miesha sa tunay niyang ama? She thought Kade was her father, but he wasn't, Cessy. It never has been. Kade is kind, caring, and just like you said, he sees Miesha as his own daughter. But even so, Miesha deserves to know her father and so does Marcus. I hope he knows you two have a daughter."

Hindi ako nakaimik sa sinabi sa akin ni Betty. I understand what Betty wants to tell me. It's just that I'm not ready yet. I want to laugh, but my heart ached. I know Miesha deserves to know her father, but does she still deserve it when she finds out that her father doesn't want a child, so I have no choice, but to hide her from him? Kaya ko siya itinago dahil iyon ang sinabi sa akin ni Marcus noon. I don't want to remember the past, but what he said then was very clear to me. Ayaw niyang magkaanak.

For Miesha, I will do everything. Okay lang sana kung ayaw niyang magkaanak, kaya ko pang baguhin ang isip niya kahit ang desisyon ko noon ay itago sa kanya si Miesha dahil nagdududa ako sa kanya. Kaya kong hintayin na matupad ang kanyang pangarap na makapagtrabaho bilang isang engineer para balang araw, pagdating ng tamang araw, maipakilala ko sa kanya ang aming anak. Pero nalaman ko ang tungkol sa dare. Sinaktan niya ako. Niloko niya ako. Hindi deserve ni Miesha na ipagpilitan ko ang sarili ko sa lalaking hindi ako minahal at pinaglaruan lang ako. Ayokong lumaki si Miesha na hindi nagkakaitindihan ang mga magulang niya at nag-aaway. Ayoko ring maranasan ng anak ko na tinanggihan siya ng sariling ama niya. Kaya ang ginawa ko ay inilayo siya sa kanya. At tama ang ginawa kong desisyon, masaya ngayon si Miesha kahit ako lang ang mayroon siya bilang magulang niya. Iniisip ko, ano kaya ang mangyayari kung pinatawad ko si Marcus at pinaniwalaan ang lahat ng sinasabi niya sa akin? Pero natandaan kong hindi niya pala ako mahal. Paniguradong lahat ng sinasabi niya sa akin ay kasinungalingan lamang.

"Betty..." I sighed. "Sa lahat ng ginawa ko para mapasaya si Miesha, deserve niya pa rin bang makilala si Marcus kung siya ang dahilan kung bakit hindi buo ang pamilya namin? Hindi mo ba iniisip kung bakit wala siyang ama dahil sa kasalanan ng sariling ama niya?" balik kong tanong.

Natahimik sandali si Betty. "I'm not asking you and Marcus to get along or get back together. Marcus still has the right to know Miesha because she is his daughter."

Ipinatong ko ang dalawang siko ko sa lamesa at inilagay sa kamay ang ulo ko. "Hindi mo kasi ako maitindihan Betty, eh."

"Nagsasabi lang."

ANGUISH OF VENTURE (HIGH UNIVERSITY SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon