CHAPTER 30

48 33 0
                                    

Chapter 30

CEARA'S POV

"I want to be your boyfriend and that will only happen when you say yes to me," Floyd said to me hopefully. Nakaluhod siya sa harapan ko na para bang nagpo-propose sa akin nang kasal. May dala siyang bouquet of flowers sa dalawang kamay niya para tanggapin ko.

Nahihiyang ngumiti ako sa mga estudyante sa paligid namin ni Floyd. May mga kinikilig, may mga sumisigaw, at may mga naiinggit. Mga tipikal na reaksyon kapag nakakakita nang ganoong kaganapan. My eyes returned to Floyd who was still on his knees. The big smile never faded on his lips as he looked at me.

"I think it's time we take our friendship to the next level, Ceara. We've been in the same class since our 7th grade. We've been friends for three years until I started dating you for a year." I was just looking at him while listening. Hindi ko inaasahan na ngayong araw niya ako yayayain bilang girlfriend niya. Akala ko matatagalan pa bago niya sabihin sa akin ang mga ito. "I want you to be my girlfriend, Ceara." He brought the flowers closer to me. "Kung tatanggapin mo ang bulaklak na ito, ibig sabihin papayag kang maging boyfriend mo ako. Kung hindi, may pagkakataon pa naman na masusunod, di ba?" tanong niya sa akin.

Anong gagawin ko?

It doesn't mean I don't know what to say to Floyd, it's just, first time ko 'to, eh. He was the first man who court me and invited me to have a relationship with him. That I will be his girlfriend and he will be my boyfriend. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kinakabahan ako dahil sa rami nang taong nanonood sa aming dalawa ni Floyd. Isang mali ko lang ay mapapahiya agad ako o si Floyd kaya nag-iingat ako sa mga ikikilos ko at sasabihin.

"Yes," I finally answered. Hindi maririnig nang mga estudyanteng nakikiusyo sa amin ang sagot ko kung hindi ko kinuha ang bulaklak kay Floyd. Floyd happily got up from his knees on the floor and hugged me. I also hugged him back tightly.

Muling nagsisigawan at naghiyawan ang mga taong nakasaksi sa pagsagot ko kay Floyd. Masayang-masaya naman ako nang sobra sa mga oras na iyon kasi boyfriend ko na ang lalaki.

Crush ko si Floyd simula nang naging kaibigan ko siya. Nakilala ko siya dahil magkaklase kami noong Grade 7 kami hanggang ngayon kaya na-develop ang nararamdaman ko para sa kanya. Ang nagustuhan ko sa kanya ay gwapo siya, matalino, mabait, matulungin. Lahat nang magagandang salita na maisipan ko ay nababagay sa kanya. Ganoon ko siya kagusto. Dahil wala akong kahihiyan, ako pa ang unang umamin na gusto ko siya kahit may nararamdaman din siya para sa akin. He said he hid it because he didn't know if I liked him or not. Pero dahil nalaman niyang may gusto ako sa kanya, kinuha niya ang pagkakataon na umamin din sa akin.

Masaya ako syempre nang umamin siya sa nararamdaman niya para sa akin.
Masaya ako syempre dahil minsan lang ako nagustuhan nang mga lalaking nagustuhan ko. Hindi ko talaga alam kung bakit hindi ako nagustuhan nang ilan sa mga nagustuhan ko kahit ang ganda-ganda ko. Wala namang pangit sa akin. Mabait ako. Tahimik. Masunurin. Maganda. Kaya nga ako nagustuhan ni Floyd kasi nakikita niya ang mga iyon sa akin. Nag-propose pa siya sa akin na maging girlfriend niya. I'm lucky, right?

Nang humiwalay kami ni Floyd sa yakap, bumaba ang kamay niya sa braso ko at dumulas sa kamay ko at hinawakan iyon. Nagbaba ako nang tingin sa kamay niyang nakahawak sa akin at medyo natulala pa dahil hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Nagulat na lang ako kasi nang lumabas kami nang mga kaibigan ko sa classroom namin, nasa harap na nito siya. Itinutulak nang mga kaibigan ko ang katawan ko papunta sa kanya dahil ang bagal ko raw maglakad.

"Girlfriend na kita," bulong niya sa akin.


Kinakabahan akong huminga nang malalim sa harap niya. Nakatingin siya sa akin na may maliit na ngiti sa mga labi niya.

ANGUISH OF VENTURE (HIGH UNIVERSITY SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon