Peeves (II)

25 2 6
                                    

Two

The sudden lightning of the dark sky woke Stell up. Then as expected the loud thunder come after it. It booms in the sky like it's shaking the world up, creating a huge ruckus in the sleeping province of Quezon.

“May bagyo ba? Parang wala naman akong nakita sa balita ah?” He stood up from his bed and sneak on his window, seeing the heavy rain and wind trying to splash his glass window.

Mukha namang hindi s'ya papatulugin ng malakas na hangin at ulan kaya tumayo nalang s'ya at lumabas ng kwarto. Diretso s'ya sa madilim na kusina.

Marahan s'yang nagtimpla ng kape at saglit na umupo sa sala. Akmang bubuksan n'ya ang TV ng biglang mamatay ang ilaw ng buong bahay.

“Aysus naman Quezelco, dis-oras ng gabi saka pa mawawalan ng kuryente.” Kakapa kapa n'yang pinatong ang tasa ng kanyang kape sa mesa at tumayo.

Wala s'yang dalang cellphone pababa, wala ring kahit emergency kits dito sa sala, sa kusina naman ganu'n din. Nasa stock room ang lahat ng iyon.

Si Paulo nalang ang pinakamalapit na pwede n'yang lapitan para sa liwanag. Isang tawid lang n'ya ay kwarto na nito.

Bago pa man n'ya marating ang kwarto nito ay ilang kidlat at kulog pa muna ang dumaan. Kung may sakit siguro s'ya sa puso ay kanina pa s'ya namatay sa gulat sa mga ito.

“Paulo?” Tatlong katok ang ginawa n'ya sa pinto nito, ngunit walang responda galing dito.

Kimatok ulit s'ya ng kumatok baka sakaling natutulog lamang ito at hindi naririnig ang katok n'ya.

“Hoy Paulo, gising ka pa ba?! Pabukas! Peram kahit phone mo pangflashlight!” Naiinis na s'ya sinundan pa ng malakas na pag-kulog at pagkidlat na nagpaliwanag ng buong bahay dahil doon.

Kakatok na sana muli s'ya pero narinig n'ya ang pagtunog ng lock ng pinto. Nakahinga naman s'ya ng maluwag dahil doon.

“Buti naman nagising—” Agad na naputol ang bungad n'ya ng biglang dumamba sa katawan n'ya si Paulo kasabay ng pag-kulog nanaman.

“Hoy—Teka nga—” Sobrang higpit ng yakap nito sakanya halos masakal na s'ya at maipit.

“S-Saglit lang, natatakot ako.” Nanginginig na boses na anito sakanya. Tila natigil naman lahat ng gustong sabihin ni Stell at nakaramdam nalang s'ya ng pag-aalala para dito.

Walang imik n'yang pinulupot din ang kanyang braso sa katawan nito. Nagsusmiksik naman ito sa kanyang leeg at bahagyang napapitlig sa magkasunod na kulog at kidlat.

“'Wag ka ngang tumawa!” Paulo punch his chest after his soft chuckle.

Natawa kasi s'ya na sa sobrang sungit ng lalaking ito hindi n'ya sukat akalaing may matundi rin pala itong kinakatakutan, sabagay kung sa pusa nga at sa ahas takot eh. Bakit sobrang wirdo ba ng lalaking ito?

“Aray ha? Wala na bitaw na,”

“Ayoko nga! Mamaya meron ulit—Tingnan mo na?!” Isang malutong na tawa muli ang lumabas sa bibig ni Stell dahil doon.

“Pumasok kaya tayo 'no? Ako nangangalay sa'yo eh,” Matapos siguro ang kalahating minuto ng pananatiling nakatayo sa harap ng kwarto ni Paulo ay naramdaman na nga n'ya ang ngalay sa pagtayo.

“'Wag kang aalis ah? Madalim,” Paulo tighten his grip on Stell's shirt, as Stell walk in to his room.

“Pati sa dilim takot ka?”

“Please?” Imbis na sagutin ay nangungusap nitong boses ang narinig n'ya.

Kawawa naman pala ang lalaking ito hindi mabubuhay sa probinsya ng mag-isa, lalo na kapag may bagyo o ano mang kalamidad.

Sanctuary BarsWhere stories live. Discover now