Chapter Sixteen

8.5K 335 56
                                    

Banana


ILYSB by LANY—

Magandang si ako, hindi ko mapigilang kumanta sa isipan ko.

Ain't never felt this way
Can't get enough so stay with me
It's not like we got big plans
Let's drive around town holding hands

Ang totoo nga niyan ay sakay ako ng bike ko ngayon papunta sa bahay nila Ashlyn. Ilang araw ko na ring iniiwasan ang Mommy niya kaya kailangan ay puntahan ko na si Ash dahil miss na ako ng anak ko. Baka mamaya ay magtampo pa ang anak ko. At isa pa, baka mas miss na ako ng Mommy niya. In denial lang ata talaga siya sa kagandahan kong tinataglay.

Pero ang tanong e, iniiwasan ko nga ba? O baka naman nagmamasid?

Biro lang, may ginagawa lang akong importante at inaasikasong mga tao.

And you need to know
You're the only one, alright
Alright
And you need to know
That you keep me up all night
All night

Siguro ay noong miyerkules at tanghalian pa iyong huling kita ko sa irog ko. Lagi na lang akong busy, paano na lang kung ayawan ako ni irog ng tuluyan kasi napapansin niyang wala akong oras sa kaniya. Ay hindi maaari ito. Hindi dapat siya humihindi sa isang Crescencio.

Abala na lamang akong nagpepedal dito sa kawalan habang madilim ang paligid, kasabay ng pagkanta ko ay ang mabining tunog ng mga kulisap at malambot na pagtama ng hangin sa balat ko.

Anong oras na rin kasi at ngayong gabi ko napiling puntahan sila.

Napakakomportable ng paligid. Komportable ngunit may nakakubling panganib.

Oh, my heart hurts so good
I love you, babe
So bad
So bad, oh
Oh, my heart hurts so good
I love you, babe
So bad
So bad

Narinig ko kasing paborito pala ng anak ko ang kantang kinakanta ko kaya hinanap ko at pinag aralan pang kantahin. Hindi kasi ako pamilyar sa kanta noong una kong marinig sa kaniya.

Pero marunong din naman ako kumanta 'no. Singerest kaya ako.

Mad cool in all my clothes
Mad warm when you get close to me
Slow dance these summer nights
Our disco ball's my kitchen light

Dahil nga sa halos lagi naman ako ditong tambay sa bahay ng mag ina ko ay pinapasok na lang ako ng guard nila pagkatapos niya akong makilala. Ang kaso nakita ko naman si Tito na pasakay ata ng sasakyan niya pero nakita niya ako bago pa ako makaalis ulit at bago pa siya makasakay.

Tipong hahakbang na siya pasakay pero hindi niya tinuloy.

"Banana? Gabi na ha?" Tanong ni Tito bago binigyan ng mabilis na tingin ang bike ko. May hawak din siyang folder. "What are you doing here?"

"Good evening po, Tito."

"Si Victoria ba?" Wala naman pong bago.

"Yes, Tito. Makikitulog sana ako sa mag ina ko." Saka ako bumungisngis ng ngumiti ito sa akin. O kita niyo? Siyempre gusto ako ng Lolo ni Ashlyn para sa Mommy niya! "P'wede po ba, Tito?"

"You can, ija but tulog na si Ashlyn. Wala rin si Victoria rito. Pupunta sana ako ng Blackwood para ihatid itong folder sa kaniya. She forgot as she calls a while ago, she needs it for tomorrow's meeting." Bago niya tinaas ang folder na hawak.

Ow, edi nasa eskwelahan pala ang irog ko? Anong oras na a. Doon ba niya balak matulog at mag overnight?

"Kung gano'n po e ako na lang ho ang magdala sa kaniya niyan, Tito." Presinta ko. Tulog na rin naman ang anak ko at wala rito si Victoria kaya mas maganda na puntahan ko siya roon para na rin mabantayan. Baka mamaya may umaaligid ng pangit at unggoy sa maganda kong irog. Baka mapano pa siya.

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon