Chapter Eighteen

8.9K 366 44
                                    

Banana


"Nice, bakit ka nandito sa kung saan-saan Madam? Akala ko ay babantayan mo ang babae mo?" Sumama ang tingin ko sa lalaking ito na kabababa lang ng motorsiklo niya.

Adrian Sanchez.

Dalawa lang kaming narito sa gilid ng daan. Kung kanina ay ako lang ngayon naman ay dalawa na kami. Wala naman sigurong magtatangka na maglakad sa ganitong kataas ang araw kung hindi ay ako lang. May mangilan-ngilan na sasakyan ang dumadaan at nagtatanong kanina kung gusto kong sumabay.

Ang ganda ko 'di ba? Pero ayoko. Baka pagselosan na naman ng irog ko pag nalaman niya. Ang hilig magselos pero ayaw naman dalhin apelyido ko. Pakipot na binibini.

"Hindi ko siya basta babae Sanchez. Mapapangasawa ko kaya iyon. Kahit hindi ako bumuntot sa kaniya, marami akong mata at tenga sa paligid, Sanchez. Tsaka ano bang ginagawa mo rito, gunggong?" Singhal ko rito. Napansin ko namang nilapitan niya ang kasama kong alagang aso at nilaro. Kagatin sana siya.

"Your Dad called me, Madam. Nadaanan lang kita." Kaya pala nandito siya at pakalat-kalat. Nakakairita. "Hindi ko naman inakalang makikita kita rito kahit sobrang taas ng araw. Kahit hindi ka na maawa sa sarili mo basta maawa ka naman sa kasama mong aso."

Ang galing talaga ng isang 'to.

Galing kasi ako sa bahay nila Daddy kanina. Naiwan ko rin ang bike ko sa University dahil sinabay ako ng aking irog pauwi no'ng huli ko siyang makasama. Murahin ba naman daw iyong bike ko at delikado raw sa daan. Teacher pa 'yon ha pero ang hilig magmura. Kawawa tuloy ang bike ko at nakatikim ng mura niya.

"Bakit ka naman ipapatawag ng magaling kong ama rito? At pabayaan mo kami ng aso ko." Mahinang tawa ang sinukli niya sa akin.

"Hinindian siya ni Madam Santillan na kumbinsihin ka sa pagpayag sa alok niya. Your Dad wanted me to find Madam Gabriel. Hindi ko siya mahagilap."

At si Alex naman ngayon ang gusto niyang kumbinsihin? Ha! Si Alex pa talaga? Hindi papayag iyon dahil hindi nila ako pangungunahan sa desisiyon ko. Ako nga hindi ko mahagilap ang babaeng iyon, sila pa kaya? Kilala ni Dad si Alex, he should know na wala siyang mapapala sa magiging sagot ni Alex.

"Banana?" Napalingon ako at napakunot ako ng noo dahil narinig ko ang napakaganda kong pangalan sa likuran ko.

Si Ate Toni pala na kakababa lang ng puting SUV niya.

"Hi, Ate Tontons!"

"Ay, shit!" Napatalon siya at umatras ng ilang hakbang palayo sa akin. Nagtataka akong pinapasadahan siya ng tingin. May multo ba sa likod ko para matakot siya?

"Parang ewan, Ate Toni." Kunot noo kong komento sa naging reaksyon nito lalo ng mapansing nakatitig siya sa kasama kong aso. "Sisa."

Tawag ko sa alaga ko. Nakita ko naman itong umupo sa tabi ko bago nag labas ng dila.

"Oh, so you have company now, Madam. I have to go." Napansin ko si Sanchez na saglit na tumungo sa akin para hindi gaano mapansin ang pagyuko niya. Siraulo talagang nilalang ang lalaking iyon.

Sumakay ito sa motorsiklo niya at pinaharurot ito ng mabilis. Hindi man lang nagpakilala sa mga kasama ko. Ang sama ng ugali niya.

"Sino 'yong pogi?" Napangiwi ako kay Ate Toni. Skiguro ay may nakain lang siyang masama sa mata kaya gano'n ang sinasabi niya at nakikita. Umiling na lamang ako na ikinataas ni Ate Toni ng kilay niya bago tumingin na naman sa alaga ko.

"Hi, Ate Toni, meet my baby Sisa. Sisa meet Ate Toni. She's Alex's cousin!" I beamed.

Sisa is my birthday gift from Alex. Three years na siya kaya medyo malaki na. Isang Siberian Husky. Si Mommy ang nag aalaga sa kaniya dahil hindi ko halos magagawa 'yon kasi nga lagi naman akong wala at may inuuwian na sariling bahay.

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon