Chapter Twenty Five

8.9K 353 57
                                    

Victoria


I'm on my way home. Driving my Volkswagen Golf wagon car. After the talk with Mrs. Gonzaga ay bumalik ako sa Cafeteria para magpaalam na rin kila Tala and I even met Jade by she's busy with some booths as well. Uuwi na lang ako to get rest kasi tapos na rin ang pinunta ko rito.

Pakiramdam ko ay drain na drain ako ngayon. Especially the scenes with Banana kanina. I can't get out of it in my mind. Hindi ko na rin siya nakita ulit pagkatapos siyang hiramin ng mga kaibigan niya. Maybe magkakasama sila ngayon.

Those men with black suits. How did she know about them? I mean, paano niya nalaman na lalapitan ko ang lalaking iyon, at paano rin niya nasabi na 'sila'? Alam ba talaga niya na marami pa sila sa loob? Kasi sigurado rin akong marami sila because I can feel those stares. I just see one guy but I know na may kasama pa siyang iba.

Did Banana see it too? Did she suspect it as well? Kasi sabi niya baka masamang tao sila. I know, 'yon naman talaga ang ibig niyan sabihin. Totoo ba ang sinabi ni Hera na si Banana ang bahala sa kanila?

Ano ba talagang alam ng magkakaibigang iyon? Bakit si Banana?

Hindi na mawala-wala ang ilang mga bagay sa isipan ko—

First, lagi ko pa rin naalala 'yong about sa incident na nangyari sa The Rivers, ang araw na 'yon na muntikan ang buhay ko. The keychain na hanggang ngayon hindi ko na makita pa at kung nasaan ito ay sana sunog na. Ang nakita ni Lila na sasakyan ng lalaki sa Zambales road na sunog na pero bakit sa Zambales road? Ang layo. Pero 'yong guy mismo na may ari ng sasakyan na 'yon ay hindi pa niya nakikita. But Lila tried to convince Tala to investigate it kahit iyong tungkol lang sa lalaki na muntik sumagasa sa akin. Hopefully, pumayag siya. Now naman, those men na laging nakamasid at nakabantay sa amin ni Ashlyn na akala mo mga bodyguard pero hindi kasi I feel danger 'pag napapansin ko sila. Kahit pakiramdam ko lang na nandiyan sila, alam kong hindi kami ligtas ni Ashlyn. Ayoko naman na sabihin ito kay Dad dahil magpapanic sila at ayokong mas lumaki itong problema ko— pero... mas lumalaki na nga ata.

Second, si Banana. Her gun with the house design na kaparehas sa keychain. I don't get it, nagkataon lang ba iyon? Uso ba ang gano'ng design ng bahay? Nagkataon lang ba na meron siya sa baril niya at meron din sa keychain na iyon? Pero sabi kasi ni Tala, that keychain is a dangerous one. But how come nga na nasa baril niya 'yon? It's just a keychain pero ang lalim nang pagkakahalugan nila about it. Hindi na talaga ako natutuwa sa mga nangyayari. Ang mas kinakatakot ko ay baka sa huli malaman kong may kinalaman itong si Banana sa mga nangyayari.

Third, maski sila Amanda ay napansin nila 'yong mga lalaki. Sa nabanggit nilang 'yon ay halata na masyado na may alam sila lalo na si Banana. Lalo na at nabanggit nila na si Banana na ang bahala sa kanila. Anong gagawin niya? Matangkad si Banana pero babae siya. Can she fight those men na sobrang laki ng mga katawan? She maybe have a gun pero sapat ba iyon para labanan niya? Ipapahamak lang niya ang sarili niya. Bakit din sila mangingialam? Ano pa bang alam nila?

Lastly, sila Dad. Feeling ko may tinatago talaga sila sa akin. Mas napansin ko 'yon the night na nakita nila ang keychain sa akin. Tapos biglang nawala pa. I am suspecting my Dad pero hindi dapat. Bakit naman niya kukunin 'yon 'di ba? Wala namang reason para gawin niya. Pero what if, he knows about the keychain? What if that keychain owner is a cult or something na isa palang organization? Uso naman ang organization ngayon. Pero ano namang kinalaman ko sa kanila para idamay kami ako at ng anak ko?

I stop my car nang makarating ako ng bahay bago lumabas. Getting my bag and walk through the door. Si Mom naman na ang magsusundo kay Ashlyn mamayang hapon. Opening the door, confused like hell kung bakit hindi nakalock ito.

Being careful as I enter but sighed heavily. Gano'n na lang ang pagkakagulat ko when I saw Lila sitting on the cold floor with her laptop opened in our sala. Kaya pala hindi nakalock ang bahay dahil siya ang may kagagawan.

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon