Chapter Twenty Six

8.5K 314 31
                                    

Banana


"Wala ka bang balak na magpunta sa hospital?"

Lumingon ako kay Elliot na biglang sumulpot. Tahimik itong nakatayo sa tabi ng pinto. Nandito pa rin ako sa lugar niya. Hindi ko alam kung saan ito pero mukhang nawawala na siya sa kawalan. Sigurado akong kung hindi si Alex ang may pakana ng lugar na ito ay baka si Cathrice.

Buti na lang talaga at alam ko pa kung paano ang papunta rito at paano ang paalis ng hindi naliligaw.

"Medyo busy pa ako." Sagot ko rito ng hindi pinapansin ang sinabi nitong hospital. Ano rin naman kasi ang gagawin ko doon?

"Busy? Magdamag mo lang namang tinitignan 'yang mga lalaki, wala ka namang ginagawa. Nagmumukha ka lang tanga, Saging." Umismid ako. Bago tinitigan ulit ang limang lalaking nakaupo sa sahig na hanggang ngayon ay wala pa ring malay at isa pang lalaking ikinakapagtaka ko kung sino ito. Ano bang ginamit nila rito at hindi na ata magising-gising pa? Baka naman patay na mga 'to?

Naiinip na ako sa kakahintay e. Kahapon pa ako narito at totoong hindi pa sila nagiging.

"Tanga raw. Nakakalimutan mo ba kung sino ako?" Taas kilay kong tanong sa gunggong na lalaking ito na ikinailing na lamang niya.

"Magkaibigan tayo, Banana. Huwag mong gamitin ang pangalan mo at wala akong pakialam." Natawa ako ng mahina. Mabuti na lang at marunong akong pumili ng kaibigan na walang kinikilalang tao. Minsan pa nga ay kung murahin ako ay bonggang-bongga pa. "Bakit ka ba nakatitig sa kanila?"

"Hm? Tinititigan ko sila dahil iniisip ko kung anong magandang gawin sa kanila paggising nila."

"Ikaw na ba ang bahala sa kanila?" Tanong nito sa akin.

"Oo, wala pa naman akong importanteng gagawin." Walang gana kong sagot sa kaniya.

"Meron. Punta kang hospital." Ay pambihira naman ang isang 'to.

"Bakit ba gustong-gusto mo akong magpunta do'n? Kaya naman na nila ang sarili nila doon. Masama silang damo para mamatay ng maaga." Wala sa sariling sagot ko dahil nga gusto ako nitong papuntahin sa hospital at naroon ang mga kaibigan namin. "Sandali nga Elliot, sino itong isang lalaki? Naisama lang ba siya? Nagkamali ba kayo ng dinampot o ano?"

Iwas na tanong ko pa dahil sa magdamag na tinitignan ang mga ito ay siya ang kakaiba sa kanila.

At itong mga lalaking nandito ay mga stalker ni Victoria. Balak ko na lahat ng makikita kong nakabantay sa kaniya na may dalang kapahamakan sa mag ina ay dadamputin at malalagot sa akin. Hindi ko sila hahayaan na pakalat-kalat sa paligid namin.

Ang kukuha sa kanila ay si Elliot at ang tauhan nito. Kung hindi sila ang bahala ay ako na o kaya naman ay si Sanchez.

Nadisgrasya nga rin pala sila Alicia kahapon ng magpaalam sila sa akin sa BLU. Si Patrice ang driver na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Dahil sa may mata itong si Elliot sa kahit saan ay nakita niya ang footage sa nangyari at kung paano man niya nagagawa ay kami na lang ang nakakaalam no'n. Sinabi rin sa akin ni Elliot kahapon ito pero hindi ko na pinansin. Masasamang damo sila at hindi basta simpleng disgrasya ang papatay sa kanila.

Talagang disgrasya ang nangyari kila Alicia hindi sinadya ng kung sino man. Nakaiwas naman kaso mukhang minalas ata sila kahapon at nadali pa rin.

Sila ang rason kung bakit binabanggit ni Elliot ang hospital at kahapon pa talaga niya ako gustong magpunta.

"Nakita nila 'yan na nagmamasid sa taas ng puno kaya kinuha namin."

"Nagmamasid sa taas ng puno? Baka mamaya isang estudyante lang ito a." Sa puno talaga? "Sino bang puntirya niya?"

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon