Chapter Twenty Nine

7.6K 324 71
                                    

A/N: I know some of you, nabasa niyo na 'yong point of view ni Alexandria Gabriel sa Save Me, Miss Tala sa part na nandito sila sa Subic. Now, point of view naman ni Banana at Victoria about sa nangyari. Dito niyo mababasa 'yong ibang scenario na hindi ko na nilagay sa story ni Alex. Lalo na sa mga susunod na chapters so stay tuned! I hope that you guys will like it. Let me know your thoughts. I love you guys! Xoxo!


Victoria


Wala pa rin ako sa mood. I don't know. Maybe because of what I and Lila talk about bago kami bumyahe papunta dito sa Subic. And yeah, we are already here. As for me, I am enjoying the juice that they give and it tastes of alcohol.

Busy naman din ang iba na narito. Some are eating and enjoying themselves as well.

Medyo malakas rin ang tugtog ng music nila. Halata talagang nag e-enjoy sila.

As I said nga na wala ako sa mood ay hindi ko pa nakakausap si Banana. Hindi ko maiwasan na mapatingin sa kaniya na busy sa pakikipagharutan at panggugulo ata kila Jirin sa p'westo nila. Inaamin ko naman na umiiwas ako sa kaniya. I am trying to convince myself na huwag because she didn't do anything wrong.

Kung sakali man na hindi niya ako pinagkakatiwalaan tungkol sa sarili niya then I don't need to push myself to enter her world kung siya na mismo ang may ayaw. I don't need to push her as well na magsabi siya sa akin.

Nagulat na nga lang ako kanina ng bigla silang nawala ni Alicia kanina kasama si Tala. Nalingat lang kami saglit ay bigla na silang nawala. Hindi ako makapagtanong kay Hera dahil baka naman kasi kung ano pang isipin niya. Siya na lang kasi ang naiwan sa p'westo nila kanina. Iniisip ko na lang na baka nasa paligid sila.

Ang kaso ay pagdating nila, Alexandria got shot and I don't know if I'm going to believe her na may hinabol siyang magnanakaw. Iyon naman kasi ang naging reason niya kung bakit daw siya may tama ng baril. Magnanakaw talaga? Wala naman kaming alam na pinasukan kami.

Galing kaya sila sa likod ng rest house and I can sense na hindi mapapasukan ng kung sino-sinong magnanakaw o tao dito sa rest house nila. This is a private area kaya malabong mangyari 'yon. Nilinis na rin naman ni Summer ang sugat niya. Ni hindi nga ako makapaniwala na kaya pa niyang tumawa kahit ang daming dugo sa katawan niya. Pare-parehas ba naman kaming magulat when Toni dragged Summer. Buti na lang at may dalang gamit si Summer, she's a Doctor so, of course, she needs that.

I thought pa nga na maliligo sila sa beach ngayon kahit gabi na pero umayaw sila at bukas na lang daw.

Alex and Tala have their world already at nag uusap silang dalawa. Some are playings and singing their heart off.

Umiwas ako ng tingin when I saw Banana look at me na ikinagulat ko. Kanina pa siya tumitingin at kanina pa ako umiiwas sa kaniya. Hindi ko naman kasi alam kung paano ko siya kakausapin or how to approach her. 'Pag napapansin kong lalapit siya, kusa na ring iiwas ang katawan ko.

I don't want to talk to her.

"Umiiwas ka kay Banana?" Napakunot ako ng noo kay Lila na ikinatawa na lang niya ng mahina habang umupo sa tabi ko. Nagulat pa ako sa biglang pagsulpot nito. "Huwag mong iwasan. Ikaw lang din ang masasaktan." I hissed at her. "Trust her, Vic."

"I-I do trust her it is just that she can't — damn, bakit kasi hindi mo na lang sabihin sa akin lahat ngayon Lila? As in, now! Alam mo na pala tapos wala kang sinasabi." I irritatedly commented after stuttering which makes her shake her head and crossed her arms in her chest.

Maski sa kaniya tuloy ay naiinis ako. Ako na lang ata ang naiiwang walang alam sa Banana na 'yon.

"I can't do that, Vic. It is not easy to say something na hindi naman dapat ako ang magsasabi. She's a Crescencio, Vic. Hindi ko dapat siya pinapangunahan." I rolled my eyes. 'Yan na naman tayo sa salitang 'She's a Crescencio' or 'I'm a Crescencio'. Naiinis na talaga ako sa kanila lalo na kay Banana.

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon