Chapter 3

11.3K 723 460
                                    

"Goodmorning, students."

Naalimpungatan ako sa boses na iyon, nang maimulat ko ang mga mata ay nasa bungad na ng pinto si Dean kasama ang ibang Doctor. Nakatingin ang mga ito sa lahat, nang lingonin ko si Zia ay nasa akin na ang tingin n'ya.

"Morning, betch," bati n'ya sa akin.

Inayos ko ang buhok ko saka isinandal ang sarili sa head board ng kama. Masakit man ang mata dahil sa liwanag ay pinilit kong umakto ng normal.

"Anong meron?" nilingon ko si Zia.

"Announcement daw," tugon n'ya, "Baka may taning na tayong lahat."

Muli kong nilingon ang Dean nang mameke ito ng ubo. Lahat ng atensyon ay nasa kan'ya, ang iba ay tulog pa at ang iba ay tila nauna pang makapag-ayos.

"Goodmorning, Dean," tugon namin.

"You will stay here for 1 week, kailangan pang i-test ang iba sa inyo dahil may isa sa inyo ang kritikal," seryoso nitong anunsyo, "Malaki ang hospital kaya hindi na problema ang pag-occupy ninyo sa kwarto na 'to, just please follow the rules and behave. Malalaki na kayo't siguradong ikahihiya n'yo na ang kurotin sa singit," dagdag ng Dean.

Ang ilan ay natawa, ako naman ay nanatiling blanko. Ang gusto ko ngayon ay ang pumikit ulit at ituloy ang naudlot kong pagtulog. Nguni alam kong pagkatapos ng anunsyo ay hindi na ako tatantanan ni Zia.

"Don't mind the hospital bills, I own this hospital and I am not requiring you to pay anything," muli nitong anunsyo sa lahat, "Please rest well, I will move your career training next month," iyon lang at lumabas na ito.

"Ang galante naman ni Dean, pwede nang sugar daddy," ayon na naman ang tinig ni Zia.

"Maayos naman na ako, baka pwede na akong umuwi," kalaunan ay saad ko.

"Bawal nga daw, 'wag kang makulet," ani Zia nang lingonin ako, "Nakaka-enjoy kaya dito."

"Anong nakaka-enjoy dito?" gulat kong tanong, "Amoy alcohol, ang ingay ng address system, tapos ang ingay mo pa. Walang nakaka-enjoy!"

"Kapal mo ha," natitigilan n'yang sabi, "Kahit magpumilit kang umuwi wala kang magagawa, nakatadhana kang mabulok dito."

Inis nalang akong napasandal sa higaan ko saka muling inayos ang buhok. Kung ganitong ang Dean na mismo ang nagsabing hindi pa kami pwedeng umuwi ay mukhang wala nga talaga akong magagawa. Inis akong bumuntong hininga saka dumampot ng mansanas sa gilid, akma kong kakagatin 'yon nang pigilan ako ni Zia.

"Bawal daw muna kumain," aniya saka inilagay ang mansanas ko sa mside table n'ya.

"Akin 'yan," turo ko sa mansanas.

"Akin nalang, wala pa namang kagat," aniya saka bumalik sa higaan.

"Bakit daw bawal pang kumain?" tanong ko.

"May test daw na gagawin sa'tin mamaya, eh," tugon n'ya, "Kanina pa nga ako gutom."

"Bwiset," singhal ko saka muling inihiga ang ulo.

Nakatitig lang ako sa kisame saka hinayaang lumipas ang oras, pero ganoon parin at kumakalam ang sikmura ko. Nang lingonin ko si Zia ay hawak nito ang phone n'ya at tila may kausap, naalala ko rin ang phone ko kaya kinuha ko 'yon ngunit wala namang bago sa nakikita ko sa internet kaya ibinaba ko nalang iyon ulit.

Tumayo ako sa kama saka hinila ang dextrose ko, umaga naman na kaya hindi na nakakatakot ang maglakad-lakad. Hila ko ang poste ng dextrose ko habang naglalakad sa hallway, wala masyadong dumadaan. Bumuntong hininga ako saka tumingin sa sahig na tinatapakan, napakalinis talaga ng hospita na 'to.

Saglit pa akong nagmuni-muni nang mapansin ko ulit ang isang lalaki na nakatayo sa bandang dulo ng hallway. Tila may hinahanap ito, ang suot at tindig nito ay pareho ng sa lalaki na napansin ko rin kaninang madaling araw. Lumingon ito sa gawi ko, nagulat ako nang makita kung gaano ito kaguwapo. Paulit-ulit akong kumurap, saka ako bahagyang lumapit.

Kumaway ako nang tumingin ito sa akin.

"Hello? Isa ka rin ba sa mga na food posion?" tanong ko bagaman alam kong hindi.

May kung anong pwersa ang nagtulak sa akin upang kausapin ang lalaking 'to. Ngunit nakakapagtaka nang mapansin kong hindi man lang nagbago ang blanko nitong ekspresyon sa mukha. Nakatingin lang ito sa akin na para bang nagsasawa.

"Food poison? No."

Ang boses n'ya ay walang katulad, buo ito ngunit sakto lang ang laki. Para s'yang boses ng mga korean actor na lalaki, gusto kong mapanganga sa katotohanang 'yon lalo pa't fan ako ng K-dramas. Ilang segundo pa akong nalula sa kagandahang lalaki n'ya bago ako muling nakapagsalita.

"A-Ah, oo, hindi— hindi na food poison," utal kong tugon.

Hindi s'ya sumagot kaya napapahiya akong napalunok saka pasimpleng nakamot ang sentido. Ilang segundo akong nagisip ng isasagot, ayaw kong mapahiya sa harap ng isang gwapong nilalang. Lalo pa't ngayon nalang ulit ako nakipagusap sa isang lalaki. Halos manlamig ang kamay ko sa kaiisip ng isasagot dahil nananatiling nasa akin ang paningin n'ya.

"I-Isa kase ako sa mga nabiktima ng food poisoning dahil sa lugaw na binigay ng School namin," kwento ko.

Walang nagbago sa mga tingin n'ya, para itong pumapasok sa katawan ko. Nanlalamon ang mga tingin n'ya bagaman hindi nakakatakot, ay may dala parin itong kaba sa akin. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito, dahil siguro sa kakaiba s'ya magsungit.

Bakla ba s'ya?

Tanong ko sa sarili. Muli lang akong bumalik sa reyalidad nang makita ko s'yang gumalaw, ngunit ang tingin ay ganoon parin.

"And then?" masungit n'yang tanong.

"W-Wala, hehe," tugon ko saka nilingon ang ulo sa likuran ko, "Sungit naman," mahina kong sambit.

"Are you saying something?" tanong n'ya sa akin kaya agad akong napalingon.

Nakanguso ko s'yang tiningnan. Nakakainis ang titig n'ya sa akin, para bang napipilitan lang s'yang malaman na nabubuhay ang gaya ko sa mundong ibabaw.

"Ang sungit mo naman, Amerikano ka ba?" tanong ko.

Saglit pa n'ya akong tiningnan saka s'ya tuloyan nagiwas ng tingin. Doon palang ako nakahinga ng pagkaluwag-luwag.

"Hindi," mas tipid n'yang sagot saka s'ya naglakad palayo.

Sinundan ko lang s'ya ng tingin habang naglalakad palayo. Hindi ko inasahan na talagang may mabubuhay na gaya n'ya sa mundo. May lalaki pala talagang gan'yan kasungit, halos hindi makausap ng maayos. Inis akong bumuntong hininga saka naglakad pabalik sa room namin.

"Bakit nakabusangot ang Reyna?" salubong na tanong sa akin ni Zia.

"May nakausap akong lalaking pasyente kanina, ubod ng sungit!" inis kong sabi.

"Talaga? Gwapo?" usisa n'ya.

Nakangiwi ko s'yang nilingon, "Oo, kaso daig pa may regla," tugon ko saka humiga.

"Pakilala mo sa'kin," pangungulit n'ya.

"Kung makikita ko pa ulit, sana hindi na," ngiwi ko saka pumikit.

Ang mga kagaya n'yang lalaki ay dapat hindi nagkaka-jowa, kawawa ang magiging girlfriend n'ya dahil paniguradong susungitan n'ya lang palagi.


__________
next chapter.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon