Chapter 98

8.6K 464 598
                                    

SAM'S POV

"Hey."

Naangat ko ang paningin nang marinig ko ang boses ni Vrel, atensyon ko ang kinukuha. Saka ko lamang napagtanto kung ilang minuto na akong nakatulala dahil sa samu't saring iniisip.

"Ha?" naisagot ko nalang.

"I said taste it," isinenyas n'ya pa ang plato sa harap ko.

Nailipat ko ang tingin doon, saka ko pa lamang naamoy ang bango nito. Presentable ang pagkakalagay sa plato, maraming sahog at mukhang masarap. Nangunot tuloy ang noo ko at saka muling ibinalik kay Vrel ang tingin na tila kating-kati nang matikman ko ang luto n'ya.

"Anong luto 'to?" tanong ko sa kan'ya.

"I don't what they call it, itinuro lang sa akin ng kakilala ni Dad," aniya na mukhang wala talagang ideya sa pangalan ng iniluto n'yang putahe.

Gusto kong matawa, muli ko na lamang tiningnan ang pagkain na nasa harapan ko saka inamoy ito, pamilyar ang amoy. Nasa dulo na ng dila ko, mukhang alam ko ang tawag sa luto na ito. Lunod sa tomato sauce at iba't-ibang klase ang sahog, ilang minuto pa ay naalala ko rin ang tawag doon.

"Africa?" hindi pa siguradong sambit ni Vrel.

"Ha?" nagtataka kong tanong.

"I remember my Dad calling it africa," aniya na talagang seryoso ang itsura.

Huwag kang tatawa, Sam.

Pakiramdam ko ay sasabog ako sa kinau-upoan, hindi ko alam kung paano itatama ang sinabi n'ya. Pagsubok sa akin ang hindi matawa, maski ngisi ay hindi ko dapat ipakita. Sa itsura n'ya kase ay talagang sinusubokan n'yang mahulaan iyon ng tama. Ayaw kong sirain ang effort n'ya sa pag-alala kung anong pangalan ng inilutong putahe.

Afritada, Vrel. Afritada.

"A-Ahh," nabarag pa ang boses ko nang sambitin iyon, "A-Akala ko ba hindi ka marunong magluto?" iniba ko ang usapan bago ko pa man hindi mapigilan ang sarili.

Huminga ako ng malalim, sana lang ay hindi ako namumula sa pagpipigil.

Umangat ang dalawang kilay n'ya na tila nagulat sa sinabi ko, "I never said that."

"Sinabi mo 'yon kanina," depensa ko.

"Ang ibig kong sabihin ay hindi ako magaling, but I know how to cook."

Natigilan ako saka muling tiningnan ang plato sa harap ko, walang kutsara at tinidor. Gusto ko na naman tuloy matawa nang mapagtanto n'ya rin iyon ng kusa saka pumiltik pa sa ere at dumiretso sa drawer ng mga kubyertos n'ya. Napalingon tuloy ako sa paligid, sa laki ng bahay na ito ay mukhang wala s'yang katulong.

Sanay na sanay mag-isa ang lalaking 'to.

"Here, sorry," nakangiti n'yang inabot ang kutsara.

Hindi na ako nagsalita, agad kong tinikman ang iniluto n'ya para sa akin. Naibaba ko na lamang ang kutsara nang malasahan ko ito. Halo-halo ang lasa, ngunit iisa lang ang masasabi ko, napakasarap.

Mukhang napansin ni Vrel ang pagkabuhay ng mga mata ko dahil sa sarap ng niluto n'ya, hindi ko inasahang marunong pala s'yang magluto. Ngayon lang ako nakakilala ng lalaking magaling magluto maliban kay Andy. Hindi ko na naitago ang ngiti ko saka tuloyang nilantakan ang niluto n'ya.

"You like it?" tanong n'ya.

Sunod-sunod ang pagtango ko habang puno pa ang bibig. Napangiti naman s'ya dahil do'n. Hindi na ako nakaramdam pa ng hiya dahil bukod sa gutom ako ay tila inaakit talaga ako ng luto n'ya upang sumubo ng sunod-sunod.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon