Chapter 71

5.4K 363 219
                                    

Hindi ko alam kung saan ako pupunta, hinayaan ko lang ang sarili kong maglakad ng maglakad. Lakad-takbo kong tinahak ang daan patungo sa hindi malamang lugar, hanggang sa matagpuan ko nalang ang sarili kong nakatayo sa pinto ng restroom.

Walang tao sa mga loob nang pumasok ako, malaya akong naupo sa gilid saka niyakap ang tuhod ko. Doon ay sunod-sunod na tumulo ang luha ko.

Magkaka-anak na s'ya?

Hindi ako sigurado, hindi ko alam ang mga nangyari kay Vrel sa ibang bansa. Ngunit ang katotohanang wala s'yang naikukuwento sa akin maski isa sa mga kamag-anak na meron s'ya ay nakakapanghina. Lalo pa dahil wala s'yang kapatid, nag-iisa s'yang anak. Wala akong ibang makuhang dahilan para sa bagay na iyon.

"Sabi mo ay hahanapin mo ako," umiiyak kong bulong.

Puro sakit nalang ang naramdaman ko sa napakaraming buwan, mahabang panahon kong dinala ang bigat ng pakiramdam. Saan man ako magpunta ay baon ko ang hinagpis na tila ayaw akong lubayan. Lahat ng nangyayari sa paligid ko ay hindi pabor sa akin.

Ang makalimutan n'ya ako ay matatanggap ko pa, ang itanggi n'ya ako ay kakayanin kong tanggapin. Pero ang bagay na 'to...

"Hindi ko kaya," mas lalong bumigat ang pakiramdam ko.

Hinayaan ko ang sarili kong umiyak, palagi nalang akong umiiyak. Wala nang bago sa mga nangyayari, sa bawat galaw yata ni Vrel ay nasasaktan ako kahit hindi n'ya intensyon. Hindi ko alam kung paano ito wawaglitin sa isipan ko.

Simula nang dumating s'ya ay para akong araw-araw na bigo, araw-araw na sinusubokan ang lakas at tatag ko. Pakiramdam ko tuloy ay napakalaking pagsubok ni Vrel para sa akin. Gusto kong ipaglaban ang pagkakaibigan namin, gusto kong ipaalala sa kan'ya ang lahat. Ngunit dahil sa nangyayari ay nawawalan ako ng pag-asa, na baka sa huli ay walang saysay lang rin ang lahat.

Nangunot ang noo ko nang makaramdam ako ng kirot mula sa sugat ko, hinawakan ko iyon upang idiin. Nakahinga lang rin ako ng maluwag nang mawala iyon, saka ko isinandal ang ulo sa dingding. Hindi ko na naman naiwasan ang umiyak.

Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto.

"Isang linggo s'yang wala tapos biglang may short quiz!? Niloloko nalang tayo ni Miss Lee," boses iyon ni Andy.

"Short quiz ba 'yon?? Pang board exam ang haba no'n eh," boses ni Zia.

"Nevermind, nakakaloka. Sundoin na kaya natin si Sam?" kalaunan ay tanong ni Andy.

Nasa labas pa rin sila ng pinto at tila walang balak pumasok.

Saka ko naaninag si Zia na pumasok, hindi n'ya pa ako napansin dahil sa likuran ng pinto ako nakaupo.

"Mas mabuti, tapos takpan nalang natin ang tenga n'ya para wala s'yang maririnig na kahit ano," saad ni Zia.

Ilang sandali pa ay nahagip ako ng paningin n'ya, saka s'ya napatili sa gulat.

"Sam!" sigaw n'ya saka ako nilapitan, "Jusko, Andy!" tawag n'ya kay Andy sa labas.

"Anong Sam? Nasa Dean's office 'yon— Sam!???" gulat n'ya ring sigaw nang makita ako.

Inalalayan ako patayo ni Zia na alalang-alala ang itsura habang tinitingnan ako. Marahan nila akong inalalayan saka sinuportahan ang braso ko habang nakatayo.

"Anong nangyari?" nagaalalang tanong ni Andy.

Hindi ako nagsalita, naiyak lang ako ulit saka napayuko. Hindi ko alam kung paano sasabihin, dahil paniguradong maging sila ay magugulat. Baka magalit rin sila kay Vrel kapag nagkataon.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon