Chapter 80

6.3K 425 436
                                    

ZIA'S POV.

Nananatili ang gulat sa akin hanggang sa makarating kami ng quadrangle. Kahit anong gawin kong pilit intindihin ang nangyayari kay Sam, ay wala talaga akong maintindihan. Walang kahit anong dahilan ang pumapasok sa isip ko kung bakit s'ya ganito ngayon. Kahit kailan ay hindi ko s'ya nakitang maging ganito.

"Bwiset talaga 'yon," ani Andy nang huminto kami sa bench, "Ang sarap nilang kalbohin."

Hindi ko pa rin maiwasang sulayapan si Sam upang mapanuod ang mga galaw n'ya. Bahagya s'yang natawa sa sinabi ni Andy, parang hindi man lang nainis sa mga sinabi ni Brynn kanina.

"Kailan ka pa natutong pumatol sa mga 'yon?" biro kong tanong.

Ngumiti s'ya saka bumuntong hininga, saglit pa s'yang nanahimik.

"Kahit hindi ko patulan ang mga 'yon ay magpapatuloy pa rin naman sila sa pagsira sa'kin," saad n'ya, "Kung gano'n, mas pipiliin ko nalang ipagtanggol ang sarili ko."

Napatango ako, kahit kaunti ay naintindihan ko rin sa wakas ang dahilan ng ganitong kilos n'ya ngayon. Ngunit hindi lahat ng tanong sa isip ko ay nasagot. Ang pinakamalaking palaisipan sa akin ay ang pagiging manhid ni Sam sa prisensya ni Vrel. Kung paano n'ya nagagawa iyon pagkatapos ng ilang araw n'yang paghahabol sa atensyon mula sa lalaking 'yon.

"Si Vrel?" tanong ko, "Bakit parang hindi mo s'ya napapansin?"

"Oo nga teh," osyoso rin ni Andy, "Parang masamang hangin lang na dinaan-daanan ang mahal na hari."

Saglit na hindi umimik si Sam at tila hindi inaasahan ang tanongn, kalaunan ay napangiwi s'ya sa amin. Hindi ko alam kung ano ang ipinapahiwatig ng hindi n'ya pag-imik ng ilang sandali, pero para sa akin ay senyales iyon ng karupokan.

"Anong gusto n'yong gawin ko? Yakapin ko? Halikan?" nakakaloko n'yang tanong, "Wala namang rason para kausapin o pansinin s'ya."

Bahagya akong napaatras sa sinabi n'ya, ang tigas n'ya ngayon. Puno ng katapangan ang boses n'ya, akala mo ay makiki-digma. Parang may ipinaglalaban, may sama ng loob o kung ano man.

"Gan'yan ka na ba talaga teh? O acting lang 'yan?" tanong ni Andy.

"Ang alin?" tanong rin sa kan'ya ni Sam.

"'Yang character mo ngayon. Ang laki kase ng pinagbago mo, ibang-iba kesa dati," tugon ni Andy.

"Pansamantala," tipid na tugon ni Samara.

"Pansamantala?" gulat kong tanong, "Try lang, gano'n?"

"Hindi," sinimangotan n'ya ako, "Pinayohan ako ni Aling Dalia, marami akong natutunan."

Hindi na ako umangal sa sinabi n'ya, kung si Aling Dalia ang usapan ay talagang walang imposible. Napakagaling n'yang magpayo, napakagaling pagdating sa maraming bagay. Kung punit ang puso mo, ang mga payo at salita n'ya ang magsisilbing scoth tape. Talagang kapupulotan ng aral ang lahat ng payo n'ya.

"Pero sabagay," ani Andy kaya napalingon kami sa kan'ya, "Mabuti na ring gan'yan ka, satisfying. Walang palag ang bobitang Brynn."

"Paligoan ba naman ng malamig na tubig," natatawa kong gatong, "Sa susunod ay holy water na ang ibuhos mo sa kan'ya."

"Hindi tatalab," ani Sam.

Nagtawanan nalang kami. Kahit anong klase ng bendita ay hindi na talaga yata tatalab kay Brynn. Unti-unti rin talagang lumabas ang tunay n'yang ugali, unti-unting umaalingasaw ang lansa n'ya. Kahit anong pilit n'yang itago iyon sa lahat, makikilala pa rin ang totoong pagkatao n'ya.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon