Chapter 4

10.6K 673 532
                                    

Kinabukasan ay ganoon parin ang routine namin, kain pahinga at kain lang ng kain. Walang nagbago na dahilan upang mas maburyo ako. Nalilibang lang ako sa tuwing aandar ang pagiging sira ulo ni Zia ngunit dahil antokin ang impaktang 'to ay madalas akong nakatunganga.

Hapon nang maisipan kong maglakad ulit sa hallway ng hospital, kagaya kahapon ay wala paring katao-tao sa hallway ngayon. Mas natutuwa ako kung walang tao dahil naso-solo ko ang katahimikan ng paligid. Marahan kong nilalakad ang hallway nang mahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na tindig. Nakaupo ito sa mahabang upoan habang nakatanaw sa malaking bintana sa dulong bahagi ng hallway.

Naalala ko ang kasungitan n'ya kahapon. Kaya imbis na gusto ko s'yang lapitan ay nagbago ang isip ko, alam kong susungitan n'ya lang ulit ako kaya hindi na ako magtatangkang lumapit pa. At hinding-hindi na ako ulit lalapit sa kan'ya kahit kailan dahil ayaw ko sa lalaking may topak at parang araw-araw nireregla.

"Upo ako ha," paalam ko sa lalaking masungit saka ako umupo.

Nanatili s'yang walang imik, hindi ko alam kung gaano kalalim ang pinagdadaanan ng lalaking 'to at ganito s'ya katahimik. Pero kung tutuosin ay mas gusto kong manahimik nalang s'ya kesa sungitan n'ya ako ng sungitan.

"Leave," dinig kong sambit ng lalaki.

"Kaka-upo ko lang," ngumuso ako.

Hindi s'ya umimik kaya mainam ko na lamang na tinitigan ang mukha n'ya. Ang ganda ng mga mata n'ya maging ang hugis ng kilay. Matangos ang ilong at walang kahit isang gasgas, peat, tigyawat o nunal sa mukha. Natural ang pagiging mapula ng labi n'ya. Katamtaman lang rin ang laki ng adams apple n'ya bagaman halatang-halata ito sa malayo.

"Am I hypnotizing you?" tanong nito kalaunan.

Gulat akong napaiwas ng tingin saka napatingin sa pader na nasa harapan namin. Maganda ang pintura ng pader na 'to at walang dumi, maingat rin siguro ang pagkaka pintura. Maganda ang pader na 'to.

"Why are you here?" muli n'yang tanong.

"Kase, ang ganda ng pader," tugon ko.

Hindi ko alam kung bakit ko iyon nasabi at bakit iyon ang naisip idahilan ng dila ko ngunit huli na para bawiin. Mabuti nalang at mukhang hindi naman n'ya pinansin ang mababaw na dahilan kong 'yon. Nanatili ang mga mata n'ya sa bintana.

"Anong pangalan mo?" tanong ko.

"You don't need to know," masungit n'yang sagot.

Nakakainis talaga tuwing magsusungit s'ya, ngunit may kakaiba sa kan'ya na hindi ko maiwan. Kahit pa naiinis ako sa inaasta n'ya, ay hindi ko parin matiis na hindi s'ya lapitan.

"Damot," nakanguso kong sabi.

"That's privacy," seryoso n'yang sagot saka ako tiningnan.

Ayon na ang tingin na iniiwasan kong mahagip. Hindi sa ayaw kong tingnan n'ya ako, kakaiba lang talaga ang dulot ng mga tingin n'ya sa akin. Nakapanlalamig at nakakatunaw ang uri ng pagtitig n'ya.

Bakit ba gan'yan s'ya kung makatitig?

"Bakit parang ang lungkot mo?" tanong ko sa kan'ya.

"Bakit parang ang dami mong tanong?" may inis sa tanong n'yang 'yon.

Naitikom ko ang bibig saka bahagyang napa atras. Nagiwas nalang ako ng tingin dahil sa hiya, bakit nga ba kase ako tanong ng tanong sa tao na hindi ko naman kilala?

Eh kaya nga ako nagtatanong kase hindi ko s'ya kilala!

Bago pa namin ito pagtalunan ng sarili ko ay iwinaglit ko na 'yon. Bumuntong hininga nalang ako saka muling nilingon ang lalaki. Ang mga tingin nito ay nasa bintana parin, parang napakalalim ng iniisip.

"Sorry," sambit ko.

Alam kong natigilan s'ya sa sinabi ko ngunit hindi parin n'ya ako nilingon.

"Madaldal talaga kase ako," dagdag ko, "Kaya marami akong tanong."

"I know," aniya habang nasa bintana parin ang tingin.

"Ahm, aalis na ako," paalam ko saka tumayo.

Agad na akong naglakad, ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay muli s'yang nagsalita.

"I'm Vrel, and I am not sad. I am just not in the mood."

Palihim akong napangiti sa sinagot n'ya. Hindi ko inaasahang sasagotin n'ya ang mga tanong ko kanina. Nakagat ko ang labi sa sobrang pagkaka-ngiti, para akong timang na nagpipigil ng emosyon bago ko s'ya tuloyang lingonin.

"Okay na ba sayo ang mga nalaman mo?" tanong n'ya.

Nanatili akong nakatalikod ng ilang segundo saka ko s'ya nilingon. Nasa akin na rin ang paningin n'ya. Nakita ko s'yang suminghal saka walang ganang nagiwas ulit ng tingin sa akin. Doon ay muli akong napangiti.

"Aalis na ako... V-Vrel," naiilang kong paalam, "Sana makita pa kita ulit," kumakaway kong sabi.

Hindi s'ya sumagot kaya agad na akong tumalikod at naglakad palayo. May kakaiba sa pakiramdam ko na gusto s'yang maging kaibigan, gusto kong mapagaan ang loob n'ya. Napakaraming taon na ang lumipas simula nang huli akong nagkaroon ng kaibigang lalaki. Ayaw kase ng ex ko dati na magkaroon ako ng lalaking kaibigan, kaya kahit gustohin ko ay bawal.

Natutuwa akong bumalik sa room namin, naabutan kong gising si Zia habang kumakain. Naroon rin ang Mommy n'ya kaya agad akong bumati.

"Hello po," bati ko sa Mommy ni Zia.

"Goodafternoon, how are you?" tanong nito.

"More than fine po," nakangiti kong tugon.

"OA ha? Bakit parang may gana kang mabuhay ngayon?" tanong ni Zia habang ngumunguya.

"Wala naman," sambit ko saka nahiga sa higaan ko.

"Sus, chinat ka ulit ni Renz 'no?" tanong ni Zia.

"Bakit naman nasali sa usapan 'yon?" tanong ko saka s'ya inirapan.

"Sa rupok mong 'yan, dumaan nga lang sa harap natin 'yon halos himatayin ka na," saad n'ya.

Nakaramdam ako ng hiya lalo pa't nakikinig lang sa amin ang Mommy ni Zia. Hindi ako kumportable sa tuwing may nakatatanda sa paligid sa tuwing paguusapan ang ganitong mga bagay. Hindi nalang ako sumagot upang hindi na s'ya magingay.

Ilang buwan na rin ang lumipas nang maghiwalay kami ni Renz kaya wala na sa akin ang presensya n'ya. At kung tutuosin, ay s'ya naman ang nakipaghiwalay kaya wala akong dapat pagsisihan. Nagawa ko ang papel ko bilang girlfriend n'ya, nasa kan'ya na ang mali kung nakukulangan s'ya.

Bumutong hininga ako saka tumingin sa kisame. Naalala ko ang masungit na lalaking 'yon, wala sa sarili akong napangiti saka ipinikit ang mga mata ko.

Vrel...

_________
next chapter

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon