Chapter 96

8.4K 603 674
                                    

SAM'S POV.

Punong-puno ng mga estudyante ang hall, lahat ng estudyante sa iba't-ibang grade level ay nandito. Magkakatabi lang kami ni Zia at Andy. Ngunit ang mga mata ko ay kanina pang may hinahanap. Hindi namin kasama si Kalia, Renz at Vrel dahil dumiretso sila sa back stage para salubongin Dean at at stockholders.

"Nursing students?" kalaunan ay lumapit sa amin ang isang babae.

Mukhang may edad na ito dahil nakasuot ito ng salamin ay may kaunting puting hibla ng mga buhok. Ang suot na ito ay mahahalintulad sa isang secretary ng isang malaking kumpanya. Diretso ang paningin n'ya sa amin pagkatapos iyong itanong.

"Yes po," tugon ng mga kaklase ko.

Tumango ito saka tiningnan ang papel na hawak, mukhang listahan ng mga pangalan ng estudyante. Ang mga kaklase ko naman ay tahimik lang na naghintay sa sasabihin nito, ganoon rin ako na nakatingin lang sa hawak nitong papel.

"Ilang section ang meron kayo?" muling tanong nito.

"Dalawa po, pero ipinagsama na rin dahil kaunti lang. Nagsi-lipat na po kase ang iba kahit complicated, alam n'yo na, mahirap kase mag nursing dito—" tinakpan ko ang bibig ni Zia.

"Isa lang po," ako ang nahiya, "Pasensya na ipinaglihi kase sa uwak 'tong kaibigan ko."

"Hoy hindi ah," tanggi naman agad ni Zia.

"Ewan ko ba sa'yo teh, kapag tinanong ka siguro kung anong pangalan mo baka mag-talambuhay ka pa," gatong rin ni Andy saka ngumiwi.

Inirapan nalang kami ni Zia dahilan para matawa kami. Hindi ko na lamang itinuon ang pansin sa babae na hanggang ngayon ay nakatingin sa listahang dala, mukha kase s'yang naniningil ng utang.

Diretso na lamang ang tingin ko sa stage na ngayon ay may mga upoan, mukhang pinaghandaan talaga nila ang araw na ito. Inilibot ko ang paningin sa buong paligid, patuloy pa rin ang pagdating ng iba pang mga estudyante. Napakarami pala talagang estudyante ng SIU, hindi ko kase iyon napapansin dahil sa laki ng University ay hindi pa ito nalilibot ng buo. May ibang parte ng University ang hindi ko pa napupuntahan.

Ilang sandali pa ay naagaw ng grupo ng mga lalaki ang paningin ko, magkakasama silang naglalakad papunta sa ilang bakanteng upoan. Tila nanumbalik ang ala-ala ng welcome party na nagpahamak sa akin noon. Sila ang mga lalaki na humarang sa aki. Saka napako ang tingin ko sa lalaki na s'yang sumugat sa tagiliran ko. Nakaramdam na naman ako ng takot, pakiramdam ko ay mauulit ang nangyari. Mas lalo pang tumindi ang kaba ko nang tingnan ako ng isa sa kanila.

"Sam," naramdaman ko ang pag-alog ni Zia sa balikat ko.

Agad ko namang nailipat sa kan'ya ang paningin, nakatingin na sila sa akin na tila may hinihintay. Nagtataka ko namang tiningnan si Zia, isinenyas n'ya ang babae na nakatingin na rin sa akin.

"H-Ha?" tanong ko, "Po?"

Hindi pa rin maalis ang kaba at takot na nararamdaman ko dahil sa prisensya ng mga lalaking 'yon. Pinilit kong huwag na ulit mailipat ang tingin sa kanila, paulit-ulit ang paglunok ko dahil sa kaba.

"May sinasabi s'ya sa'yo teh," bulong ni Andy.

Bakas na ang pagtataray nito sa akin na tila hindi nagustohan ang hindi ko pakikinig sa ano mang sinabi n'ya. Pinilit ko na lamang na hindi lamonin ng kahihiyan.

"Ikaw ang representative sa caclulus competition, tama?" tanong nito.

"Y-Yes po," tugon ko.

"What's your name?"

"Samara Clementhine Abanarez po."

Hindi ito nagsalita, tila isinulat n'ya ang pangalan ko sa papel na hawak. Ilang minuto pa s'yang nagsulat doon, ako naman ang nainip. Hindi ko alam kung may susunod pa s'yang sasabihin o itatanong, kung mayroon man ay bilisan n'ya sana. Ukopado na naman ng kaba at takot ang sistema ko.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon