Chapter 31

7.5K 495 197
                                    

Hanggang sa mag gabi ay hindi ko pa rin makalimutan ang mga nalaman ko. Nananatiling okupado ang isip ko, maski ang kalokohan ni Zia ay hindi ako magawang mapatawa ng totoo. Pakiramdam ko ay tinraydor ko ang mga kaklase ko, dahil hinayaan kong bawiin sa akin ang bagay na sana ay ikasasaya ng mga tao sa paligid ko.

Napakahina mo, Sam. Napakahina mo.

Bago pa man ako pangiliran ng luha ay naglakad ako patungo sa garden ng hospital, tila lumulutang pa rin ang isip ko. Hanggang sa makarating ako doon ay ganoon pa rin ang pakiramdam ko. Nang ilipat ko ang tingin sa langit ay lumubog na ang araw bagaman may kaunting liwanag pa rin sa kalangitan. Napakaganda nitong pagmasdan, kaunting gumaan ang loob ko habang naroon ang paningin.

Ngunit hindi ko rin napigilan ang sarili kong maiyak. Mabigat ang loob kong pinunasan ang mga luha ko habang dumadampi sa akin ang malamig na hangin.

Walang ibang tao maliban sa akin, marahan akong naglakad sa mahabang daan patungo sa palagi kong pwesto rito. Ngunit natigil ako nang matanaw ko si Vrel sa kabilang dulo, nakatingin s'ya sa nga mata ko.

"Vrel..." parang bata akong naiyak.

Hindi s'ya sumagot, marahan s'yang naglakad patungo sa direksyon ko. Ang mga mata n'ya ay nakaitingin pa rin sa akin, bagay na mas lalong nagpapa-usbong ng kirot sa pakiramdam ko.

"What happened?" tanong n'ya habang nasa mga mata ko pa rin ang paningin.

Nanatili akong lumuluha, hinintay ko s'yang mas makalapit ng kaunti. Mas dinadagdagan ng malamig na simoy ng hangin ang bigat na nararamdaman ko, kasabay non ay ang pag hinto ni Vrel sa harapan ko.

"Stop crying." sambit n'ya.

Parang bata kong pinunasan ang luha gamit ang braso ko saka s'ya muling tiningnan. Tila isa akong paslit na pinagtulongan at kating-kati na magsumbong. Humugot ako ng malalim na hininga habang nasa kan'ya.

"H-Hindi ako nanalo." umiiyak kong sabi.

Hindi s'ya kaagad nagsalita, muli n'ya akong tinitigan sa mga mata. Tila niyayakap n'ya ako sa mga tingin n'ya, bagay na hindi ko sigurado ngunit pinapagaan ang pakiramdam ko.

"What's wrong?" mahina n'yang tanong, "Losing is okay."

Tila may nakabara na kung ano sa lalamunan ko, ang mga luha ko ay naroon pa rin. Hindi ko mawala sa isip ko ang mga posibleng mangyari kung naipaglaban ko lang ang sarili ko. Gaano kaya kasaya ang mga tao sa paligid ko kung nilakasan ko ang loob ko. Sinisisi ko ang sarili dahil hinayaan kong masayang ang lahat ng pagod na binuhos ko para doon. Lalo na ang oras ni Vrel para lang turoan ako, lahat 'yon ay nasayang ko.

"S-Sorry." sambit ko, "Pinanghinaan ako ng loob, natakot akong ilaban ang sarili ko." umiiyak kong saad.

Hindi s'ya kumibo, kalaunan ay bahagya s'yang ngumiti, "Pero hindi ka takot na ipaglaban ako?"

Ako naman ang hindi nakasagot, sandali ko s'yang tiningnan. Kalaunan ay napayuko ako, hindi ko rin alam kung bakit pagdating sa sarili ko ay umuurong ang lahat ng tapang na mayroon ako. Kung bakit pagdating sa sarili ko ay hindi ko kayang tatagan ang loob ko.

"Your self needs you." aniya sa akin, "If you can fight for someone else, you should also learn how to fight for your self."

Nanatili akong nakikinig sa kan'ya, hindi ako nakapagsalita. Ibinaon ko sa isip ang bawat sinasabi n'ya, dahil alam kong lahat ng 'yon ay makakatulong sa akin. Pinunasan ko ang luha saka muli s'yang tiningnan.

"Being too selfless is not always a good thing, Sam." muli n'yang saad.

"Hindi ko alam kung naging self less ba ako sa puntong 'to, eh." kunwari akong natawa, "Parang ang selfish ko ngayon."

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon