Chapter 33

7.7K 441 218
                                    

Lutang pa rin ako nang makarating ako sa room namin, hindi ko na rin namalayan ang paghiga ko sa higaan ko. Diretso ang tingin ko sa kisame, pakiramdam ko ay sasabog ang utak ko dahil sa mga nalaman ko noon pang nakaraan hanggang kanina. Paulit-ulit ang pag buntong hininga ako saka natakpan ng braso ang mata.

Pero nakakapagtaka kung bakit pati ako ay nakakaramdam ng labis na galit at inis sa mga nalaman. Pakiramdam ko ay sinaktan rin ako ng mga gumawa no'n sa kan'ya, parang pati ako ay ginawan nila ng masama. Nakakapagtaka, ngunit ganoon naman siguro yata dapat ang nararamdaman ng isang kaibigan. Wala naman sigurong kaibigan ang hindi magagalit kapag nalaman n'yang ganoon ang sinapit ng kaibigan n'ya.

Tama, tama. Nararamdaman ko 'yon dahil kaibigan n'ya ako, wala nang iba pang dahilan.

"Hoy!" tumama sa pisngi ko kasabay ng boses na iyon ni Zia.

Nang alisin ko ang pagkakatakip ng braso sa mata ko ay nakita ko ang piraso ng pop corn na nasa dibdib ko na. Nilingon ko si Zia na ngayon ay ngumunguya na ng pop corn, masama na ang tingin n'ya sa akin. Nanatili namang seryoso ang tingin ko sa kan'ya habang inaalam ang dahilan ng masamang tingin n'ya.

"Ano??" inis kong tanong.

"Bakit parang ang laki ng problema mo?" tanong n'ya.

Nakanguso kong iniwas ang tingin sa kan'ya saka tinakpan muli ng braso ang mga mata ko.

"Wala naman." tugon ko.

"Wala? eh kanina ka pa hinga ng hinga ng malalim d'yan." angal n'ya.

Muli akong bumuntong hininga.

"Oh tingnan mo." aniya ulit.

Inis ko nalang na inalis ang brasong nakaharang sa mga mata ko saka s'ya nilingon. Kung hindi ko ibabahagi ang ilan sa mga iniisip ko ay paniguradong puputok ang ulo ko dahil sa mga 'yon, naupo ako saka s'ya hinarap.

"May tanong ako." pauna kong sabi.

"Ano?" tanong n'ya.

"Anong mararamdaman mo kapag nalaman mong binugbog ako ng ibang tao?" tanong ko.

Nagulat ako nang pasadahan n'ya ng tingin ang buong katawan ko na tila may hinahanap doon. Napairap nalang ako sa kawalan saka nagsasawang bumuntong hininga.

"Wala naman, ah?" tanong n'ya matapos akong suriin, "Kailan ka binugbog?"

"Hindi ako." seryoso kong sagot.

"Sabi mo ikaw!?"

"Oo nga pero halimbawa lang."

"Linawin mo kase!"

Hindi nalang ako sumagot dahil mas hahaba pa ang diskusyon, muli ko lang s'yang tiningnan para maghintay ng sagot. Napapangiwi lang s'yang umayos ng pagkakasandal sa head board ng higaan n'ya saka ako tiningnan.

"Anong gagawin ko kapag binugbog ka?" paglilinaw n'ya, "Tatanggalan ko sila ng spinal cord sa paa."

Hindi na ako umasa pang may makukuha akong magandang sagot sa kan'ya. Sumandal nalang rin ako sa head board ng hinihigaan ko saka ako napatitig sa kawalan.

"Bakit mo ba kase naitanong?" tanong n'ya.

Tinapunan ko s'ya ng tingin saka lang muling tumingin sa malayo, "May nakilala kase ako dito sa hospital."

"Talaga?" tanong n'ya, "Sino? Doctor?"

"Pasyente rin." tugon ko, "Kaya s'ya nandito ay dahil binubog s'ya ng kaibigan, at hindi lang ang kaibigan n'ya ang bumugbog, marami sila. At alam mo ba ang dahilan kung bakit s'ya binugbog?"

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon