Chapter 54

6.6K 392 256
                                    

Agad naming binilisan ang pagkain, ngunit pakiramdam ko ay mabagal pa rin ang pagnguya ko. Ilang minuto ang lumipas bago kami natapos, iniligpit namin ang tray at pinagkainan saka iyon isinauli. Hindi naman namin iyon trabaho, ngunit hindi na namin gustong dagdagan pa ang pagod ng mga nagliligpit rito lalo pa't karamihan sa mga estudyante ay abusado sa pagkakalat.

"Tara na," ani Zia saka nanguna.

"Teka, hindi ba talaga pwedeng umupo muna saglit? Busog na busog pa 'ko," tanong ko.

"Hindi pwede ano ka ba, kailangang marinig natin ang announcement dahil tugs tugs 'yon," angal ni Zia na hinila pa ako.

"Anong tugs tugs teh?" nagtatakang tanong ni Andy na sumunod na rin sa amin.

"Edi party!" tugon ni Zia saka itinaas ang kamay at inihampas-hampas sa ere, "Tugs, tugs, tugs, make some noise!"

"Ay real?" gulat na tanong ni Andy, "Gan'yan pala ang party."

"Bakit? Hindi ka pa ba nakaka-attend ng party?" tanong ko.

"Naka-attend na," ngumiwi s'ya, "Party ng pamilya."

"Lungkot pala ng buhay mo," sabat ni Zia na hanggang ngayon ay hila ang braso ko.

"Maka-Diyos kase ang side ng Mommy ko, hindi pwedeng magloko," reklamo ni Andy.

Nagulat ako sa sinabi n'yang 'yon. At kung titingnan ay mukhang hindi gusto ni Andy na ganoon ang side ng Mommy n'ya.

"Bawat galaw ko nga sa bahay binabantayan at pinupuna nila," umirap s'ya, "Ewan ko ba kung bakit nasa simbahan ang karamihan sa mga mapanghusga."

"True," sangayon rin ni Zia.

"Papayagan ka naman kaya nila sa darating na party?" tanong ko.

"Hindi pwedeng hindi," matapang n'yang sagot, "Kung kailangang magsinungaling, go. Simula pagkabata kinulong na nila ako sa mga paniniwala nila tungkol sa tamang ginagawa ng mga tao, gusto nila laging tama ang mga ginagawa. Like, 'diba? wala namang tao na puro tama lang ang nagagawa sa buong buhay n'ya. At saka hello? I need to explore, I need to grow," saad n'ya.

"Maswerte pa rin pala ako," nilingon namin si Zia nang sabihin n'ya iyon, "Broken ang fam ko, pero atleast nagagawa ko ang mga gusto ko. Kulang nga lang sa suporta nilang pareho."

"Nako, yakang-yaka mo 'yan," ani Andy, "Pero kung hindi mo na kaya, sumuko ka nalang."

"Sira!" hinampas ni Zia si Andy sa balikat, "Magiging Doctor pa 'ko 'no, at saka ayaw kong mamatay nang walang dilig."

"Yuck," kunwaring nandidiring sambit ni Andy, "Same," saka sila natawang pareho.

Natawa nalang rin ako sa kalokohan nila, talagang mabilis magkaintindihan ang dalawang tao na pareho ng ugali. Napakaraming pagkakapareho ni Andy at Zia pagdating sa sense of humor at mga kalokohang naiisip. Nagpatuloy na lamang kami sa paglalakad hanggang tuloyan naming narating ang room. Naroon na ang lahat at kami na lamang ang wala, mabuti na lamang at walang Professor.

"Hoy sabi ni maglilista daw ako ng noisy," anunsyo ni Andy sa lahat.

"Weeeeh?"

"Hoy 'di nga?"

"Seryoso ba?"

"Sino nagsabi?"

"Oo, ang malilista daw gagawing parol," tugon ni Andy kaya nagtawanan ang lahat.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon