Chapter 106

1.4K 55 24
                                    

Samara's POV.

Hindi ko na mabilang sa daliri kung ilang beses kong tinawagan si Vrel, ganoon karaming beses n'ya rin itong hindi sinagot. Nakaramdam ako ng kaunting kaba. Nasa quadrangle na kami ng campus habang hinihintay na mailabas lahat ng bus na sasakyan namin, hindi s'ya maaninag ng mga mata ko. Hindi normal ang hindi pagsagot ni Vrel sa mga tawag ko, kung hindi man n'ya masagot ay tumatawag s'ya pabalik.

"Huy, Sam!" binangga ni Zia ng bahagya ang balikat ko, "Oh M G, I'm so excited! Ano kayang itsura ng beach resort na 'yon? Maganda kaya? May swimsuit ka bang nadala? Nadala mo ba? Ha?"

"Ako 'te nadala ko ang akin," sabat ni Andy, "Ako nalang ang sasagot sa tanong mo, mukhang cannot be reached si Sam ngayon."

"S'ya ba ang cannot be reached o yung isa? Kaya gan'yan ang mood n'yan."

Hindi ko na pinansin ang usapan nila. Maya't-maya ang tingin ko sa phone ko, tinitingnan kung may notification ako galing kay Vrel. Halos magasgas na nga ang screen ko sa kaka-taas baba ko ng notification bar.

Tulog pa kaya s'ya? O baka deadbat ang phone n'ya?

Napapikit ako ng mariin.

'Wag ka nang gumawa ng dahilan, Sam. Kung deadbat 'yon ay hindi na iyon magri-ring.

Nakagat ko ng mariin ang labi ko dahil sa mga iniisip. Paulit-ulit kong hinihiling na sana ay ayos lang s'ya dahil hindi ko kakayanin kung may masamang nangyari sa kan'ya. Gano'n pa man ay hindi ko pa rin tinigilan na tawagan ang phone ni Vrel, umaasang baka sagotin n'ya na ito.

"Sino 'yang mga 'yan?" tanong ni Andy, nakatingin sa kabilang direksyon namin, "Ang shoshogi 'te!"

Nang lingonin ko ay grupo iyon ng mga lalaki, matatangkad ang mga ito at talaga namang naghuhumiyaw ang pera sa pormahan nila. Mabuti nalang at engineering at nursing students lang ang kasama sa team building kaya hindi sila pinagkagulohan. Hindi ko mahanap ang interes ko sa panunuod sa mga itong pangunahan ang paglabas sa main gate, muli na lamang akong tumingin sa phone ko at dinial ang number ni Vrel.

Makalipas ang ilang ring ay wala pa ring sumasagot.

"Anak daw yata 'yan ng mga kaibigan ng Dean," ani Zia.

"Mas ginanahan ako 'te," natutuwang sabi ni Andy, "Kahit siguro isang buwan pa tayo sa resort na 'yon, keri lang."

"Kahit siguro dalawang buwan o higit pa, hindi made-develop sa'yo kahit isa sa mga 'yan," pang-aasar ni Zia.

"Sa ganda kong 'to?"

"Saan?"

"Anong saan 'te?"

"Yung ganda, hinahanap ko, nasaan??"

Napailing nalang ako sa kuwentuhan nilang dalawa ngunit hindi ko magawang matawa. Laman pa rin ng isip ko si Vrel. Hanggang sa makasakay kami ng bus at tuloyan itong umandar ay si Vrel pa rin ang inaalala ko. Hanggang ngayon kase ay wala maski isang text galing sa kan'ya. Halos mapudpod na ang mga daliri ko kaka-check kung may na-receive ba akong notifications galing sa kan'ya. Imposibleng hindi pa s'ya gising hanggang ngayon.

Grabe ang pag-iisii ko, hindi masukat ang pag-aalala ko para kay Vrel. Paano kung may nangyaring masama? Paano kung may nangyaring ikina-pahamak n'ya? Hindi ko siguro kakayanin kung makatanggap man ako ng ganoong klaseng balita.

Guguho ang mundo ko.

Sa kagustuhan kong maging payapa ang isip ay in-enjoy ko nalang ang tanawin sa labas ng bintana. Maski ang mismong byahe ay hindi ko na natutukan, hindi ko na alam kung gaano kalayo ang narating namin dahil sa paglipad ng isip ko.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon