Chapter 61

5.6K 404 219
                                    

[ZIA'S POV]

Nang makarating kami sa party ay dinig na namin ang malakas na music. Sa entrance ng gym ay napakaraming kawal ang nakatayo, nakakatuwang pagmasdan iyon habang binabati ang bawat daraan. Nakangiti rin kaming bumati sa kanila. Pakiramdam ko tuloy ay prinsesa talaga ako at sila ang mga alipin.

Ang buong lugar ay tila naging mansyon, hindi mo iisiping nasa gym kami. Nakasabit sa itaas ang naglalaking chandeliers, ang buong paligid ay nagmistulang disenyo noong unang panahon. Mas lalo tuloy nabuhay ang pananabik ko ngayong gabi, paniguradong magiging masaya ang gabing ito para sa amin.

Bago kami makarating sa mga table doon ay kinakailangan muna naming dumaan sa pulang carpet na paniguradong madaraanan rin ang napakaraming estudyanteng nagsasayawan. Nang maglakad kami ay halos nasa amin ang mata ng karamihan, halos lahat nga yata. Ngunit kalaunan ay nalipat ang mga tingin na 'yon kay Samara.

Hindi ko sila masisisi, sadya ngang napakaganda ng bestfriend ko. Bagay na bagay sa kan'ya ang suot n'yang gown, sinamahan pa ng napakagandang pagkakaayos ni Andy sa buhok n'ya. Nilingon ko si Samara, mukhang nahihiya na s'ya.

"Nakatingin sila sa'yo, betch," bulong ko kay Samara.

"Wala sa'yo ang spot light pero halos lahat ay nakatingin sa'yo teh," bulong rin ni Andy.

Ang tugtogin ay hindi pamilyar sa amin, ngunit ito ang kadalasan kong naririnig sa tuwing manunuod ako ng mga movie na may ballroom scenes o sinaunang mga party. Hindi ko tuloy maiwasan ang maiduyan-duyan ang palda ng suot kong gown.

Nang lingonin ko ulit si Sam ay halos takpan n'ya na ang mukha n'ya, nasa kan'ya pa rin talaga ang paningin ng karamihan. Ang mga lalaki ay kakikitaan ng pagka-mangha sa itsura. Ang ilan sa kanila ay naka-maskara, ngunit halata pa rin ang ngiti sa mga labi.

"Grabe ang ganda n'ya."

"S'ya yata ang mananalo mamaya, sana pala ay hindi ko na binonggahan ang suot ko."

"Sino s'ya?"

"Hindi ko kilala, pero s'ya yata yung nanalo sa calculus."

"Hala beauty and brain, sana all."

Napapangiti akong nilingon ang mga nagsabi no'n saka ko sila nginitian, "S'ya si Samara, bestfriend ko," pagmamalaki ko.

"Ang ganda ng pangalan," sambit ng isa.

Sumasangayon akong napatango saka muling nilingon sila Andy at Sam. Kasalukoyan na kaming naglalakad patungo sa side ng mga Nursing students, nang matanaw namin sila ay halos mapasigaw ako sa ganda ng mga suot nila.

"Hey rock n roll!" sigaw ko palapit.

"Anong rock n roll, nasa sinaunang panahon tayo ngayon," sambit sa akin ni Andy.

Inirapan ko nalang s'ya saka sinalubong ang mga classmate ko ng nasasabik na ngiti. Ngunit walang pumansin sa akin, ang mga tingin nila ay nakay Samara. Halos lahat ay talagang namamangha, napangiwi nalang ako dahil wala man lang pumansin sa akin. Ipinagkrus ko ang braso saka nalang nilingon si Samara na tila gusto nang magpalamon sa lupa dahil sa sobrang hiya.

Ang ganda ng bestfriend ko!

"Ladies and gentlemen, Samara Clementhine Abanarez!" anunsyo pa ni Andy sa kanila.

"Ang ganda mo Sam!"

"Grabe si Sam ba 'yan?"

"Wala na may panalo na!"

"Sam crush ka daw ni Howard!"

Natatawa ko na lamang silang tiningnan ang mga kaklase naming lalaki na halos maglaway habang nakatingin kay Samara. Natatawa ko na lamang silang tiningnan nang magtulakan sila.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon