Chapter 63

5.8K 432 695
                                    

Tila nanlambot ang katawan ko sa boses n'yang 'yon, tuloyang tumulo ang mga luha ko. Alam kong napansin iyon nila Zia at Andy dahil nakaharap ako sa direksyon nila, kakikitaan ko sila ng gulat sa itsura. Saka ko marahang nilingon ang tao na kay tagal ko nang hinihintay.

Hindi ako makapagsalita, tila puso ko na ang nagpaparamdam kung gaano ako kasaya dahil sa wakas ay nandito na s'ya. Nanatili ang mga tingin n'ya sa akin, ganoon rin ako na talagang nananabik sa kan'ya.

"V-Vrel," mahina kong sambit.

Inangat n'ya ang isang kamay na tila hinihintay na hawakan ko iyon, ngunit ilang segundo na ang lumipas ay hindi pa rin ako nakakagalaw. Parang panaginip pa rin sa akin ang tagpong ito, nanghihina ako, nanlalamig. Hindi ko maipaliwanag ang pinaghalong saya, takot, kaba, at tuwa sa pakiramdam ko.

"Hold my hand," mahina n'ya pa ring sambit sa akin.

Ang lahat ay nasa amin pa rin ang paningin, ngunit hindi hiya ang nangingibabaw sa pakiramdam ko ngayon. Binabalot ako ng pananabik, ngunit ayon pa rin ang pakiramdam na tila hindi ako makagalaw sa kinatatayoan. Ang mga mata ko ay nanatili kay Vrel, saka ko tiningnan ang kamay ko nang kunin n'ya iyon saka ito hinawakan na tila nakahawak sa pinakaiingatan n'yang bagay.

Pinangiliran ako ng luha, ito ang unang pagkakataon na mahahawakan ko s'ya. Tiningnan ko lang ang mga kamay naming magkahawak, tila wala nang plano pang bitawan ang mga kamay, nananabik sa isa't-isa.

Kinuha n'ya rin ang isang kamay ko saka iyon ipinatong sa balikat n'ya. Napapikit ako sa sobrang sarap ng pakiramdam, ang pakiramdam na tila wala na akong hihilingin pang iba. Muling nangibabaw ang parehong tugtogin sa paligid, saka n'ya ako marahang isinayaw. Ang mga mata n'ya ay hindi pa rin naaalis sa pagkakatitig sa akin, bagay na nagpapaganda lalo sa pakiramdam ko.

Hanggang sa ang lahat ay muling umikot papunta sa dating mga puwesto, napalilibutan na kami ng lahat. Hindi ko na napapansin ang paligid, pakiramdam ko ay pagmamay-ari naming dalawa ngayon ang gabing 'to. Ang mga tingin ni Vrel ay hindi pa rin nawawala sa akin, ang pareho naming mga mata ay tila nangungusap.

"Can I have this dance?" rinig kong boses ni Renz.

Nang lingonin ko s'ya ay nakalahad na ang kamay n'ya sa akin,m. Ngunit hindi gaya ng inaasahan, hindi binitawan ni Vrel ang kamay at bewang ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat na gawin, kung paano aabotin ang kamay ni Renz. Dahil sa oras na ito, ay ayaw kong mawala si Vrel sa paningin ko.

"Your partner is waiting for you, Rehan. S'ya ang isayaw mo," mahina at kalmadong saad ni Renz saka tumingin sa stage.

Nang lingonin ko rin ang gawing iyon ay nakita ko ang isang babae na nakaupo sa stage kasama ng Dean. Seryoso lang itong pinanunuod ang mga sumasyaw, hindi ko kilala kung sino ito.

Muli kong tiningnan si Vrel nang bitawan n'ya ang kamay at bewang ko, saka humakbang paatras nang nasa akin pa rin ang paningin. Pagkatapos akong tingnan ng ilan sandali ay naglakad na ito palayo.

Hindi nawala ang paningin ko sa daang tinahak n'ya, natatakot akong baka panaginip lamang iyon. Natatakot ako na baka gumagawa lang ako ng kung ano-anong eksena sa isip ko na hindi naman totoo. Naibaba ko ang tingin nang makita ko ang kamay ni Renz, saka ko s'ya tiningnan.

"Tinawag kita kanina, hindi ka lumapit," sambit ni Renz saka nagpunta sa harap ko.

Hindi ako nakapagsalita, muli kong nilingon ang daan na tinahak kanina ni Vrel paalis. Saka ko nilingon ang stage, wala na doon ang babae na nakita ko kanina.

"He's back," sambit ni Renz saka ngumiti sa akin, "How does it feel?"

Tiningnan ko si Renz sa tanong na iyon, dahil maging ang sarili ko ay hindi maipaliwanag ang pinaghalo-halong pakiramdam. Nagbaba na lamang muli ako ng tingin saka hinayaan s'yang isayaw ako, ngunit ang mga galaw ko ngayon ay hindi kasig giliw gaya ng kanina na si Vrel pa ang kasayaw ko.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon