Chapter 50

8.1K 424 171
                                    

Nakarating na kami sa office ni Sir Yuan, nang makapasok kami doon ay nakangiti agad itong lumingon sa amin. Nang tingnan ko ang buong paligid ay napakaraming tropeyo at mga certificate ang nakalagay sa mga cabinet at nakadikit sa dingding. Lahat ng iyon ay nasisigurado kong dahil sa pagkapanalo ng mga estudyante ng SIU sa iba't-ibang math contests.

"You're here," natutuwa nitong sambit habang nasa akin ang paningin, "Ms. Abañarez, right?"

"Yes po," nakangiti ko ring sagot.

"Nasabi naman na siguro sa'yo ni Renz ang dahilan kung bakit kita pinatawag rito," nakangiti nitong saad.

Saglit ko pang nilingon si Renz saka ako muling tumingin kay Sir Yuan, "O-Opo."

"Are you ready?" nakangiti nitong tanong.

Mabait tingnan si Sir Yuan, at mukhang maunawain sa lahat ng estudyante. Ayos lang rin naman siguro kung aaminin kong hindi talaga ako handa para sa contest na iyon at hindi ko alam kung makakapaghanda nga ba ako. Dahil bukod sa kulang ako sa diterminasyon, ay wala rito ang isa sa mga inspirasyon ko.

"You still have 2 months para mag-ready, weeks before graduation pa naman ang contest," saad nito, "Kailangan mo pa bang mag-ensayo?"

Napangiti na lamang ako sa sinabing iyon ni Sir Yuan, bilib pa rin s'yangnakatingin sa akin, saglit ko ulit na nilingon si Renz bago muling nilingon si Sir. Nananatili itong nagaayos ng mga papel, kalaunan ay tumayo upang maglakad palapit sa amin.

"She still needs a trainer, right?" tanong ni Renz.

"Yes, of course. Kumbaga sa sports, need n'ya ng coach," nakangiting sambit ni Sir Yuan, "Halos lahat ng magagaling na Professor sa buong bansa ay nakuha na ng ibang Universities, hindi ko alam kung sino ang kukunin para maging trainer mo," baling n'ya sa akin.

"I can coach her for the mean time," suhestyon ni Renz.

Nilingon ko s'ya dahil doon, ngunit inosente n'ya rin akong nilingon. Wala akong nararamdaman na ano mang kahulogan ng suhestyon n'yang 'yon, walang kibo na pamang akong naglipat ng tingin kay Sir Yuan na ngayon ay mukhang nagustohan ang sinabing iyon ni Renz.

"That's great," sang ayon ni Sir, "Hindi ko na pagdududahan ang kakayahan mo. At alam ko rin namang hindi ka na mahihirapan rito kay Ms. Abañarez."

"Yeah, mabilis s'yang matuto," nakangiting sambit ni Renz saka ako nilingon.

Sandali pa akong napatitig sa kan'ya saka nag-iwas ng tingin, "M-Magaling naman pong magturo si Renz."

"Great, great!" talagang natutuwang sambit ni Sir Yuan, "Pareho kayong nasa 4th year, tama?"

"Yes, Sir," tugon namin pareho.

"Hindi ba makakaabala sa'yo 'to, Renz?" tanong ni Sir Yuan.

Nang lingonin ko si Renz ay umiiling na ito, "No, Sir. I can manage my time."

Nakangiting napatango si Sir Yuan saka ako nilingon, "I'm rooting for you," aniya sa akin.

"Nako, wala po akong maipapangako pero sisiguradohin ko pong magpupursige ako," nahihiya kong saad rito.

"Win or lose, ang importante ay lumaban ka," nakangiti pa rin ito, "Hindi ko kayo madalas maaasikaso dahil maya't-maya ang attend ko ng out of town meeting para sa future projects ng University, kaya kailangan ko talagang asikasohin ang mga kailangan mo ngayon palang."

Walang kumibo sa amin ni Renz, nginitian ko lang si Sir Yuan. Naglakad naman ito sa water dispenser, pinanuod ko lang s'yang magpunta doon. Hindi ko s'ya gaanong nakikita sa School, ngayon ko lang s'ya nakausap at sobrang bait n'ya. Ilang sandali pa ang lumipas ay tiningnan ni Sir Yuan ang suot na wrist watch, saka nagangat ng tingin sa amin.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon