Nang magising ako kinabukasan ay hindi agad ako gumalaw. Tinitigan ko pa muna ang kisame, pakiramdam ko ay napakabigat ng katawan ko upang tumayo. Paulit-ulit ako sa pagbuntong hininga saka tuloyang iginalaw ang katawan. Nilingon ko ang phone ko na nasa side table, binuksan ko iyon upang tingnan.
1 notification(s) from facebook.
1 notification(s) from twitter.
1 notification(s) from instagram.
4 text messages from Renz.
Ganito ang salubong sa umaga ko.
Malalim ang hiningang binitawan ko habang nakatingin sa notifications. Hindi ko alam kung bakit biglang nagpaparamdam ngayon si Renz sa akin, kung bakit gusto n'ya akong puntahan. Malinaw ang dahilan n'ya sa pakikipag-hiwalay sa akin noon, kaya malabo para sa akin kung bakit ganito s'ya kung maghabol sa akin ngayon. Pinindot ko ang notifications na 'yon, saka ko binasa ang mga text messages n'ya sa akin.
___________________________
[ Text Message Received ]
From: Renz
Unread Messages...
● Goodmorning, Sam. Have you eaten your breakfast? Please rest well.
● Can I visit you later? Free ako mamaya.
● Are you still sleeping? Such a sleepy head, I hope I can see you.
● Please reply, are you mad at me?
Type to reply...
__________________________Mapakla nalang akong natawa, hindi ko alam kung saan s'ya humuhugot ng lakas ng loob para sabihin ang mga ito. Akala mo ay wala s'yang ginawa na naging dahilan para masaktan ako noon. Sa ilang mga taon namin ay naging maayos naman ang relasyon namin sa isa't-isa, ngunit nang magtagal ay naging masalimuot sa akin ang napakaraming taon na sinayang ko sa kan'ya.
"Ano 'yan?" nagulat ako nang hablutin ni Zia ang phone ko.
Wala na akong nagawa dahil binabasa na n'ya ang mga nandoon. Nanatili parin akong nakahiga, tila wala ako sa wisyo upang gumalaw. Hinayaan ko si Zia na halughogin ang phone ko, wala rin naman akong maitatago sa kan'ya.
"Anong visit ang pinagsasabi nito?" ayon na ang inis sa boses n'ya, "Kapag ito nakita kong pumunta dito tuturokan ko 'to ng formalin sa leeg." banta n'ya.
Kung malaki ang galit ko kay Renz, ay mas doble ang galit ni Zia sa kan'ya. Si Zia ang number one supporter namin ni Renz noon, lahat ng surprise ko kay Renz ay s'ya ang tumutulong sa akin. Lahat ng tungkol sa amin ay alam ni Zia, hindi ko minasama iyon dahil ganoon talaga ang bruhang 'to. Hangga't maaari ay iingatan n'ya ako, hindi n'ya ako hahayaang masaktan ng iba. Kaya noong araw na hiwalayan ako ni Renz at nalaman iyon ni Zia, ay umapaw ang galit n'ya. Kung posible lang ay halos sugorin n'ya ito ng may dalang bomba.
"Ang kapal naman talaga ng mukha nito." galit n'yang sambit.
"Sobra." anas ko.
"Napaka kapal!" muli n'yang sambit.
"Sobra!" muli kong bulong.
BINABASA MO ANG
OH MY GHOST [ONGOING]
Teen FictionSi Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man ay hindi na s'ya naniniwala sa iba't-ibang kuwento patungkol sa mga kaluluwa. At sa hindi inaasahan...